Tuesday, April 27, 2010

Keber


image from www.windandwings.com


hay hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao na masyadong kinakarir ang pagiging miserable. yung tipong ngingitian mo tapos ngingiwian ka na para bang utang na loob mo pa sa kanila na nginitian mo sila. pwes, kung feeling mo e isinaklob sayo ang langit at naging unfair sa iyo ang mga bagay bagay e that doesnt give you the license na maging hostile ka rin sa iba. ano bang paki ko sayo. ngitian ka ng maayos, de ngumiti ka ng maayos in return. feeling mo baby ka? pwes for your information, hindi ka nakakatuwa at hindi ko kailangan ang kaartehan mo. sarilinin mo na lang ang inis mo. i dont need any of those. tinry naman kitang pakinggan minsan, pero god, you are so pathetic and so full of yourself. hindi ka ganun ka-special para i-assume na pagaaksahan ka ng oras ng diyos para ipa-feel sayo that life can sometimes suck. life really sucks, that's the reality. pero kung iiinsist mo pa rin na god is behind all the troubles and shits that come your way, well, go fuck yourself and shut the fuck up.

you're boring and i dont need your shit!

Monday, April 26, 2010

Emosyon

magkakahalo na naman ang mga emosyon na aking nararamdaman. hmmm. lungkot, kasi parang talagang wala, as in wala, hindi ako looking forward, mukhang hindi ka rin naman. yaan na natin, mas okay ata na ganito tayo. sayang, wala na akong ibang pagbabalingan ng desperasyon. hindi naman sa ginagawa kitang safety net, e ano ba naman sayo, di mo naman alam. kung malaman mo, siguro bonus na lang para sakin pag nalaman kong natutuwa ka. bahala ka na nga, siguro nga B ka. ikaw, kung masaya ka ng ganyan.

hhmmm. namimiss ko pa rin si talulot. kagabi habang nag-aabang ako ng dyip, umaasa na masasagi ko siya ng paningin, umaasa sa madamot na pagkakataon, kala ko nakita ko sya. grabe, nagtalunan ang libo-libong palaka sa aking dibdib at sikmura. hay grabe, swerte mo talaga. pasalamat ka at iniisip pa rin kita. ikaw pa rin ang nakikita ko kapag akong pumipikit, hininga mo pa rin ang pinapanga-pangarap kong masamyo. labi mo pa rin ang pinapangarap kong mahalikan. hayyyy. text kaya kita.

sa ngayon, isa lang nakikita kong paraan to get through the day. to remain as light and tranquil as i could be. nandyan ka naman e.

image from the movie Stealing Beauty

Hindi

lam mo, narealized ko. o baka sabihin mo talagang kinareer ko. narealized ko, lam mo minsan ang realization e spur of the moment decision that you will have to uphold no matter what, narealized ko na, judging from how the things are going at this point, narealized ko na, considering the level of comfort when we come face to face or in close proximity with one another, narealized ko na, considering things in the long run and where things could go, realized ko na hindi talaga PWEDE. i have to give up on you boss.

Friday, April 23, 2010

Talulot 2



Talulot... talulot!!!!! talulot, talulot, talulottttttttttttt!!!



grabe, sarap mong halikan!

sana hindi na kayo magkabalikan

idadarang ko ang wedding ring mo sa kalan!

sabihin mo lang, sabihin mo lang!

Wednesday, April 21, 2010

Lungkot 2

tinext ko nga pala si talulot nung nakaraang gabi. nag-hi lang ako, nagpa-cute pero wa epek. for the first time, inisnab niya ang text ko. after 15 minutes tahimik pa rin ang cp ko. may kumukurot na sa aking lungkot. tiningnan ko pa nga nung magising ako ng madaling araw, pero anino lang ng boring na wallpaper ng cp ko ang nandun. shet, ano kayang drama nya. naggawa pa ako ng samo't saring pathetic na mga excuses, baka naman pumalya lang ang cp ko at sa pader ng intramuros tumama ang text ko. baka naman, na-snatch yung cellphone nya, pero naalala ko, sino bang magkakainterest na numenok ng pipitsuging cp na mukhang lego. baka naman, na-lowbat. pero haler, para namang sa mt hibok-hibok lang uso ang charger. o baka naman hindi nya na-received, hmmm, pathetic talaga. nakakainis kasi nami-miss ko sya, ang kanyang maningning na mga mata na parang spiral ng maaromang kapeng hinahalo, nakalalango. hay swerte talaga nya kasi iniisip ko sya, malas ko kasi hindi ko naman alam kung ganun din siya.
hay nakakalungkot... hay.

Tuesday, April 20, 2010

Cute

ang cute ng hair mo. pero shempre di ko pwedeng sabihin sayo.
kasi, kasi wala lang.
baka ka mailang
baka hindi mo na ako kausapin
siya na lang
at malulungkot na naman ang puso ko
at mabablangko ang isipan
at hindi makapagtrabaho
at kumilos ng normal
ayoko ng kinakabahan
kaya ang kape ko ay isang tasa lang
baka marinig mo ang lagabog
ng dibdib ko na tila sasabog
minsan lang naman mangyari yun
kapag pa-epek ka
yung tipong di kita kayang sakyan
di bale laro-laro lang ata naman
at hindi mauuwi sa seryosohan
di pwede, di maaari, dahil ayokong laging kinakabahan.

intiendes?



Monday, April 19, 2010

Bored


image from: http://blogs.sltrib.com



magsalita ka naman. kanina ka pa tahimik. lam mo namang lagi naman akong willing na makinig sayo. lam mo naman na gustong gusto kong naririnig na binibigkas mo ang aking pangalan. pero tahimik ka talaga. hindi ko tuloy alam ang dapat kong isipin sa maaaring iniisip mo. o baka hindi mo naman talaga ako iniisip gaya ng iniisip ko. pero okay na rin siguro na manghula na lang ako, na makiramdam, at least may possibility. shet, dapat bumilib ka sa sarili mo kasi iniisip kita. na binibigyan kita ng marangyang pwesto sa aking utak. bongga ka rin!

ikaw rin! ikaw na nandun kung saan ako umaalis at umuuwi. ikaw na laging abot ko ng tanaw. ikaw na kahit anino ay hindi ko masumpungan. ilang jeep na ang aking pinalampas at inabangan, ngunit ni minsan ay hindi kita nakasakay. minsan pilit kong hinahanap ang kislap ng iyong mga mata sa mata ng iba, pero nakatingin lang sila. nalulungkot tuloy ako kasi hindi kita makita.
shet. wag ka sanang mawala. paramdam ka naman para madagdagan naman ng kulay blue ang inaantok na kalangitan.

text kaya kita?
inip na ako grabe.

Thursday, April 15, 2010

Nami-miss


image from: www.wallcoo.net


Nami-miss ko na sya, nami-miss na kita. pareho ko silang nami-miss. Siya na nandun, kita na nandyan lang. pero wala ata sa kanila ang nakakaalam. sana mali ako. sana isang araw may magsalita. kung sinong mauna may premyong naglalagablab na kisspirin at yakapsul. wag naman sana silang magsabay...na mawala sa aking gunita dahil mawawalan ako ng isang nakaeenganyong dahilan kung bakit kailangan kong gumising tuwing umaga at tingnan ng may ngiti ang bughaw na langit.

Wednesday, April 14, 2010

Lungkot


image from: ofcrayonandpastels.blogspot.com

hindi ko alam kung ang dagundong na dumadagan sa aking dibdib ay dahil sa iniinom kong kape na malamig na pala ngayon o dahil sa iyong presensiya na bahagya ko ng maramdaman. kala ko kasi wala na, nag-evaporate na, kasi natuon ang aking paningin at atensyon sa ibang direksyon.
malayo-layo rin ang aking inilayo, natuwa sa mga tanawin, nalibang pasumandali. naisip ko pa nga na doo'y maglagi.
pero nung tumingala ako sa langit, nakita ko ang iyong mukha. aparisyon.
aparisyong hindi banal, aparisyon para pasakitan ako. hilahin ako sa isang lugar na kailanman ay hindi ko mararamdamang ako ay kabilang. pakiramdam ko kasi, ilulugmok mo lang ako sa isang tabi kasi hindi mo ako maaaring isama.
okay lang naman ata, siguro, sa akin na bumalik. dahil wala naman akong ibang pupuntahan, uuwian.

pero naman, wag mo naman ipakita sa akin kung sakaling maglalakad ka ng palayo na hawak-hawak ang kaniyang kamay.

Tuesday, April 13, 2010

Text

gustong gusto kitang i-text
tuksong-tukso
ngali-ngali ko ngang igapos ang mga kamay ko
ibato ko kaya ang cellphone ko
wasak-wasakin sa maliliit na piraso
tapos ipunin ko at itapon sa mukha mo
o ayan, gawin mo ulit
kasi gusto kita ulit makita
sabihin mong sobrang tigas ng ulo ko
naiinis ako pag ganito
di mailabas ang kabog ng dibdib ko
sugurin kaya kita sa shop mo
at halikan hanggang makalas ang buto mo!

Iisipin

naaaliw ako sa isiping nandyan ka lang
na pag napadaan ang jeep kong sinasakyan ay saglit kang mamataan
nalulunod sa isiping baka isang araw mag-krus ang ating daan
napapangiti ako sa isiping makikita ko na naman ang iyong ngiti
na nagpatingkad sa kulay ng langit
naluluha ako sa isiping hindi ko maaaring salatin
ang lambing sa iyong mga mata
na nagpipikit at nagbubukas hindi para sa akin
nalulungkot ako sa isiping unti-unti kang maglalaho sa aking
gunita
kasabay ng papapalit ng tag-araw sa tag-ulan
at paglisan ng mga bus na hindi nakararating sa kanilang himpilan
nalulungkot akong isipin na baka isang araw hindi na kita naiisip
na isang araw ay mararaanan ko na lang ang iyong shop
na wala ng bakas ng kahit katiting na pag-asam




Sunday, April 11, 2010

Nahuhumaling - Part 2

image from: http://iyaktawa.com

okay. magiging indulgent na naman ako to the point of becoming profoundly pathetic, hopeless and desperate again. anong gusto mong gawin ko, charmed talaga ako! shet ka talaga. sana nung nagkakilala tayo nagsaklob ka na lang ng bayong para hindi ko na lang nasilayan ang nakatutunaw mong ngiti na mas malamig at mas nakakalunod kesa sa Arctic Sea. ang babaw ko talaga, superficial talaga ako minsan. pero di ba mas efficient magpenetrate ang isang liquid when it hits the surface first, then it trickles down till it dissolves the entire thing rendering its wholeness completely indistinguishable from its original form. shet ganun ka sakin!

wala akong masabing may sensible o kabuluhan sa nararamdaman ko kasi wala naman syang sense to begin with. hindi rin kailangang ng dibdibang review of emotions or pagra-rationalize kasi irrational namang talaga magkagusto ako sayo at naisin ka kahit sa ilang naglalagablab na sandali dahil okay, now i can say it all out, may-asawa kang tao. at magiging desperadang kabit ako pag nagkataon, which is hindi ko pinangarap na maging sa buong buhay ko. pero anong gagawin ko, e charmed nga ako e. kung may problema ka dun, wala na akong magagawa.

sa ngayon, enjoy ko lang muna ang pantasya kahit hanggang sa boundary lang ng malambot kong kama.





Saturday, April 10, 2010

Sunget

sinungitan niya ako ng bongga kanina
kala mo hindi ako kakilala
para tinext ko lang naman
sabi ko 'lang lang, naisip lang kita'
ang kanyang reply ay tila panghuhusga
'bakit ba, ex o asawa ba kita'
ayoko sanang maapektuhan
pero may kurot akong naramdaman
may kumukot sa aking kamalayan
baka nga mayroon nang nararamdaman
gaga talaga ako kahit kailan
di na natuto kahit isang libong beses ng nasaktan
parang babaeng paulit-ulit naaagasan
sabi ko naman sa sarili
face value mo lang naman ang habol ko
pero palabo ng palabo
pagulo ng pagulo
pagusto ako ng pagusto
siluin mo na kasi ako!

Tuesday, April 6, 2010

Donor

tinanong ko na nga pala si talutot kung pwede ko siyang gamitin as sperm donor. singbilis ng kidlat ang kanyang reply. "oo nw n b?" hindi rin siya masyadong hot no? dalawang bagay lang and ibig sabihin nun either na "malibog lang siyang talaga" o "he's not taking me seriously". pero shempre mas pabor sakin yung first. ibig sabihin nun katuparan na ng aking pantasya! yes. ibig kong sabihin, pantasya na magka-baby. haha. playful ako ngayon so you have to bear with me. shempre bonus na lang yung matikman ko sya. physically speaking, siya yung tipo ng lalaki hindi mo palalampasin ang chance na maka-one night stand mo. tapos naghihitsa pala no? patay tayo diyan.
anyway, kung seryoso nga siya, i have to be emotionally and mentally prepared. siguro naman hindi ko na isasama yung 'financially' kasi hindi naman siya pokpok para magpabayad. 'financially' could come later pag 'positive' na. hay oo nga pala, i have to make sure that he's physically healthy. pero judging from his appearance, mukha naman siyang healthy at masigla. pero shempre we dont know what lies underneath di ba? mukha naman siyang malinis sa katawan and not taking prohibited drugs kasi lagi namang nagniningning na parang christmas light sa capitolyo ang kanyang mga mata.
hay, pero shempre natatakot ako. pano kung sadista pala sya, o nananakal pag sobrang aroused na, o nagtatransform into a vicious manananggal! manananggal ng damit pwede pa! haha. i was just trying to sound funny kasi inaantok ako.

medyo nakakatakot, nakakainsecure, nakakadiri, nakakadegrade?

san nya kaya ako dadalhin, san ko kaya siya pwedeng dalhin?
magiging gentle kaya siya? o harsh as a buhawi.

naeexcite talaga ako sa idea, natatakot pag naroon na. hindi butterflies ang kumakawala sa aking sikmura pag naiisip ko, kundi mga palaka.

Sunday, April 4, 2010

Talulot




mas nakikita ko ang pungay ng iyong mga mata
kapag pumipikit ako
mas matagal
mas malinaw, tila mas malapit
ka
mas nalalanghap ko ang halimuyak ng iyong hininga
sabay sa pagbasa ng iyong korteng talulot na mga labi
habang ang iyong imahe ay nakaukit
sa dilim
nag-iisa
hindi kita pwede samahan diyan
pagkat kahit anong oras
pwede tayong sabay na maglaho

Friday, April 2, 2010

Maasim


nanaginip na naman ako kagabi, kakaibang panaginip, gaya rin ng ilang daang-libong gabing dumaan sa aking buhay. mapanaginip kasi akong tao, at feeling ko rin ako ang may mga pinaka-weird na panaginip sa buong universe. feeling ko lang naman.

sa panaginip ko kagabi, kasama ko daw yung kaibigan ko. may pinuntahan daw kaming bahay, bungalow lang siya, mahaba at simple, may terrace. tapos yung loob madilim at maraming books, enough to give an impression na mga intellectuals ang nakatira roon. i never got to see the inside of the house pero sa panaginip ko parang may idea na ako ng hitsura ng loob. sa panaginip ko raw ay iniinvite ako ng may-ari na doon na lang tumira kasi mas malapit daw yun sa work ko. my mind is agreeing but there's something that holds me back.

naghihintay daw kami sa terrace ng bahay, tapos may mga tao raw o bisita na dumating para dumalaw dun sa kalapit na bahay. isang family. parang grandparents, isang teenager na lalaki, mas nakababatang babae, tapos isang nasa mid-20s na guy na maputi at kulot. cute yung guy and he automatically caught my attention.

sabi ko daw sa friend ko, uy ang cute nung guy pero bago pa man niya nakita, pumasok na sa loob yung family. nanghinayang ako. kahit sa panaginip, deads ako sa mga cute. malandi.

tapos, nagpaalam na daw kami ng friend ko dun sa may-ari ng bahay kasi nagstart ng dumilim at wala naman kaming plan to stay for the night.

tapos naglakad na kaming pauwi, papadalim na. pero may feeling of content at easiness ako na kasama ko ang friend ko na uuwi kahit madilim na and there's no feeling of rushing out or anything. it's one of those cozy evening walks that you're happy to be spending with a friend. tapos may nadaanan kaming puno ng sampalok. ang daming bunga ng sampalok, abot kamay lang ang mga bunga niyon. tapos yung shape ng bunga nya pabilog na mataba, parang hallow. niyaya ko siyang mamitas. ang dami naming napitas, di na nga ako makaintay at kumain na ako habang namimitas. ang tamis grabe, nakain ko pa nga ang balat kasi sobrang brittle nung pinisa ko, dumikit sa laman.

tapos, nakarating kami sa metro train. sa ibabaw daw ng kalsada siya umaandar, parang walang rails. sumakay daw kami. sandali lang ang biyahe. nagpaalam ako sa kanya kasi una akong bumaba. latag na latag na daw ang dilim, pero wala akong takot o lungkot kasi alam ko na sa panaginip ko magkikita rin kami kinabukasan. i alighted the train light as a happy bird.

tapos nagising na ako.

noon ko narealized na totoo nga yata ang sinasabi ng marami, na kabaliktaran ang mga panaginip sa totoong buhay.

narealized ko na sa
totoong buhay, maasim ang sampalok at maasim na rin ang aming pagkakaibigan.




image from: http://www.filipinoherbshealingwonders.filipinovegetarianrecipe.com