Wednesday, September 22, 2010

Sagad 1

pwede ko na atang i-claim na sagad na talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

sagad sa buto, sa kaluluwa, sa atay at balunbalunan, sa lahat lahat sa akin.

sabi ng mga taong malapit sa akin na alam ang pinasok kong sitwasyon, dapat daw hindi sagad magmahal, hindi 100%, magtira ka man lang daw ng .027807352329% para sa sarili mo... para daw pag dumating ang oras na BIG SHIT and all other things fail, at kailangan nyong maghiwalay, hindi ka lantang nilalang na sa Mental pupulutin.

sabi ko naman, anong magagawa ko kung talagang doon papunta. ganun ata ang pag-ibig, hindi siya parang kendi na kapag nangalahati na sa iyong bibig ay iluluwa mo at ibabalik sa balot nito dahil nagi-guilty kang ubusin. kung kagagahan tong ginagawa ko, mas kagagahan yun. ano nga ba ang pwede mo pang gawin pag talagang doon napunta sa 100% NA PAGMAMAHAL, NA WALANG PAG-IIMBOT AT BUONG KATAPATAN.

on a side note, pang-gabi si wifey sa trabaho nung dalawang nakaraang linggo. yung first week, twice siyang natulog sa akin, the rest of the week nag-away bata kami. putcha, kala ko katapusan na namin at katapusan ko na! jusko, ang hirap pala ng ganitong laging natatakot, kakaba-kaba na baka eto na yung LAST na magkayakap kami at parehong nangangarap na isang araw magiging MALAYA na kami. dream on girl! ang sarap sarap langhapin ng kanyang hininga. shet, parang bagong bukas na lemon square CUPCAKE. adik. adik.

tapos nun at ng sandamukal na kadramahan at paglalakad na mistulang baliw mag-isa sa SM, nagkabati kami, courtesy naman naming dalawa yun. pero mas lamang ng konti ang effort ko. ganoon ata talaga ang No. 2, kailangan lagi i-level-up ang effort at pasensya. patience, patience, and a stone heart.

nung magkabati kami, isang linggong straight siyang natulog sa akin, isang linggo rin akong puyat na puyat. hindi ko ata mabilang ang tinamo kong bukol ko sa pagkaka-untog sa bintana ng van o sa ulo ng katabi ko tuwing umaga papasok sa ofis.

AT SAKA, nabinyagan din sa wakas ang bago naming kama. lam nyo ba, bumili ksi ako ng new bed, kasi medyo malapit ng sumuko yung padded na folding bed ko, hindi na ata nya kaya ang dusa na mag-accommodate ng dalawang full grown adults na na hindi lang pagtulog ang ginagawa. lam nyo na. tapos ayun, medyo nakakaiyak 'to, basta ako naiyak, ewan ko lang kayo. ilang araw din kaming nagtitigan sa dilim nung bagong bili kong kama. after kasing ma-deliver, andun lang siya sa sulok ng kwarto ko na mistulang nagmamakaawa na may mamansin sa kanya at i-assemble siya. bago kami mag-away, i told him that i bought "us" a new bed. tapos nangako siya na siya ang mag-assemble, lintek, yun na nga lang contribution nya no. shempre nag-expect ako. but it turned out na isang linggo pa pala ang hihintayin ko at ayun magkasama kaming nagtitigan sa dilim, ako at ang ia-assemble palang namin na kama. to cut the agony of waiting short, umuwi siya isang gabi sa akin at napilitan niyang ia-assemble si kama kahit 1:30 na ng madaling araw. ayun, yun na yun. at naganap ang maluwalhating pagbinyag!

teka, magpa-five na pala. need to rush home. layo pa kami ng uuwian ko. sabi nya dadaan siya mamayang gabi para lang yakapin at halikan ako. ksi itong week na to pang-umaga si wifey so si wifey ang kasama niyang matulog sa gabi.

PART 2 bukas.....