Wednesday, August 18, 2010

Kaganapan

ayokong tumanda na hindi natitikman ang kaganapan ng ating mga pangarap. ang magkasama tayo ng hindi nagtatago, nagsisinungaling, nagkukubli at malaya sa kurot ng konsensya na nagpapaala sa ating kamalayan ng salitang ‘bawal’. gusto kong dumating ang oras na yun kung saan hindi na natin kailangan pang ibulong ang salitang ‘mahal’ dahil sa higit pa roon ang magbubuklod sa ating dalawa ng malaya sa anumang mga kondisyon at kaakibat nitong pasakit. gusto kong dumating ang oras na iyon habang nagpapaalam ang haring araw at wala ni anumang katiting na takot na tayong mararamdaman dahil magkasama tayong lalatagan ng dilim. gusto kong dumating ang oras na iyon na hindi na tayo magbubulong pa ng hiling sa tumatakas na bulalakaw dahil ganap na ang lahat para sa ating dalawa. gusto kong dumating ang oras na iyon kung saan tahimik na lang nating pagmamasdan ang kahubdan ng malapad at madilim na walang bituing langit at tuluyang tayong angkinin ng perpeksyon. gusto kong dumating iyon dahil hindi natin kailangan ng habang-buhay o magpakailanman para sabihin na tama ang ating pinili na pagmamahal.

Monday, August 9, 2010

Dyeta

kung nakapagsasalita lang itong blog na'to, matagal na siguro ako nitong minura o sinigawan ng "Pwede ba, tama na, binging bingi na akoooooo!!!!! pwede ba iba naman?!" Pwes, that's what you are designed for. ang maging sumbungan, kwentuhan ng mga walang mga kawawaan at paulit-ulit na saya at hinanakit. leche. talaga.

nami-miss ko na naman sya. yung miss na miss na wala akong ibang maisip kundi siya.

ADIK!

adik ang tawag nya sa'kin lately. kasi gusto ko walang hingahan pag naghahalikan kami. ginagawa kong pa-contest. lagi naman siyang talo. haha. ways ways.

naalala ko dati from one of our nakaw na episodes. bago ako umalis. nag-kiss kami na para bang wala ng bukas. shet, mahigit isang oras ata na kiliti lang ang pahinga. sobrang na-enjoy naman. after nun, pakiramdam ko naubusan ako ng laway, pramis. tuyong tuyo ang lalamunan ko, feeling ko nga magkaka-sore throat ako eh. shet, pero di pa ulit naulit yung ganung kalufet na halikan. looking forward ako.

kaso lagi naman nya akong dinidyeta. natawa siya sa term DYETA.

Kagabi


kamuntik mo na naman akong durugin kagabi. ang sama mo talaga. sana ma-realize mo yan agad. kasi hinding hindi ko ipo-point out. matuto kang makiramdam kung may katotohanan man ang lagi mong sinasabi na mahal mo ko. dapat alam mo kung kelan at pano ako masasaktan ng maging ng pinaka-simple mong ginagawa o bagay na dapat ginawa mo pero hindi mo ginawa.

gusto ko sanang sabihin sayo na nagsagawa pa ako ng marubdob na pananaliksik kung paano ka mapapasaya. noong hapon. kasi sabi mo, gusto mong magkita tayo ng gabi. shet, ganun na ata kalaki at kagarbo ang deboto ko sayo. ang swerte swerte mo kung alam mo lang.

tapos nung nagparamdam ka naman, dun sa oras na kapus na kapos na ako at safe na safe ka na. naman! tama ba yun mahal ko. pero ako pa rin ang nagkadarapang puntahan ka. shet! why do i have to subject my self to such inconceivable level. pero hindi ko na yun inisip kasi habang buhay kong ipagngingitngit yung tuwing maaalala ko. basta.

tapos ayun nagkita tayo. nakita mo naman siguro kung gano naging kaningning ang aking mga mata ng masayaran ang iyong presensiya. ang guapo guapo mo; suot mo yung paborito kong shirt. gusto ko tuloy isipin at papaniwalain ang sarili ko na sinuot mo yun dahil you were really meaning to meet up with me. noon pa lang gusto na kitang sunggaban, yakapin, halikan at ipasok sa kaloob looban ko. o say mo, ang bangis di ba.

gaya ng mga gasgas na linya ng mga nagmamahal ng malupet, sana hindi tumakbo ang oras habang kapiling ka, sana habang magkahawak kamay tayong nakasakay ng bus pauwi e humaba ng humaba pa ang daan sa ating harapan para hindi agad tayo dumating sa ating bababaan. nag-offer pa nga akong iuwi mo ako sa inyo. pero hindi ko alam kung bakit ka tumanggi.

tapos dun ka bumaba sa amin, kung saan mo ako nakaplanong isadlak/itapon. masaya naman ako at nagstay ka ng medyo matagal. hinayaan mong maka-score ako ng 10 halik! nakakainis ka talaga. kung pwede lang sanang itanikala kita kagabi, kahit sinabi ng description ng personality ng iyong zodiac ang mga huwag na huwag. pero anong magagawa ko, ayokong mabaliw sa pagtitimpi. mahal na mahal na kita. potah.


image from:www.agnesdoart.com



Thursday, August 5, 2010

Tanaw

hangga't maari pinipilit kong one-word lang maging title ng blog entries ko. ewan ko, basta lang. ok din palang mag-set ng sariling mong rule at gawin ang lahat wag lang itong mabali, kahit minsan.

shet, na-miss ko palang mag-blog. pangatlong entry ko na ito for today.

actually, dapat balik-tanaw ang title ng blog ko. pero nga im sticking with my own self-imposed rule. hehe... basta.

ayun, nag balik-tanaw pala ako sa mga old posts ko, grabe, halos lahat pala tungkol sa kanya, kay Talulot, na labis labis kong minahal at minamahal.

natatawa ako, hindi makapaniwala, sa dami ng mga naganap simula nung maging pantasya ko pa lang siya at subject ng aking makamundong imahinasyon (hehe, adik) hanggang sa ngayon na halos nasaulo na ata namin ang kasulok-sulukan ng aming katawan. maraming beses na kaming nag-sex simula noon, dalawang beses na rin akong umasa na mabubuntis nya ako, pero sa kung ano mang maramot at malupit na dahilan, hindi ko alam. bwisit nga eh.

pero ngayon, nagiging maramot na naman ang pagkakataon. hindi ko alam, unti unti siyang nawawala, unti-unti siyang pinagdadamot sa akin, nahihirapan ako na hulihin siya, nahihirapan akong makipagkumpetensya para sa kanya, nahihirapan akong angkinin siya ng buong-buo, nahihirapan ako na isiksik ang aming mga ala-ala sa kanyang gunita. gusto kong hanapin nya ako, kailanganin, at wag akong pakawalan. dahil more than willing ako. para sa ngayon, para sa aming dalawa.

ngayon lang ako sobra-sobrang nagkaloob ng ganito.

Rasyunal



hindi ko alam kung ano ang nagtulak sayo para ibigay ang password ng fb account mo. unang una hindi ko hiningi, inoffer mo. pero sino ba naman ako para hindi magka-interest na tandaan, gamitin, mag-pry, at mangalikot ng mga bagay na pwede kong ikasakit.

marami akong nalaman... natutunan tungkol sa pagkatao mo. hindi ka simpleng dalhin. minu-minuto ay naghahanap ka, gustong kumawala, gustong tumikim ng bago, ng maganda, ng mas maganda.

magaling ang taste mo talaga sa babae. magaling kang pumili. napaka-diversified.

hindi pala kita pwedeng ismolin.

lalo tuloy akong natakot, nalungkot, nag-isip, erase, simula nung makilala kita, yan ang kinalimutan kong gawin ang mag-isip... ng rasyunal.

tinanong ako ng kaibigan ko kung mahal kita, shempre wala akong ibang isasagot kundi ang naghuhumindig na OO. tanong pa nya, sige nga bakit mo sya mahal. haler? hindi nga rasyunal di ba, may matino ba dapat na sagot dun?

Ngayon

hindi ko ata kaya ito. hindi ko kayang matulog, magising sa gitna ng pagtulog, at magising sa umaga na hindi kita iniisip. sabi ng kaibigan ko, ngayon lang yan, bukas, sa makalawa, sa isang linggo o isang tao, wala na yan. wala akong pakialam sa araw na narating, ang importante sa akin ay ang nararamdaman ko ngayon, habang ikaw ay nasa akin. habang ikaw ay nawawala sa aking paningin, habang ang katangian ng iyong halimuyak ay unti-unting tinatangay palayo ng hangin, habang ang iyong mukha ay sa litrato na lang ng iba ko nakikita... kaakbay mo siya. hindi ko kaya.

sayang ang mga tumatakbong minuto na hindi tayo magkasama. parang itinutulak ako nito sa pagtanda na walang inspirasyon at sigla. nakakatakot isipin. nakakabaliw.

hinahanap ng mga daliri ko ang iyong mukha.

kailan pa kita makikita, mahal ko.

Saturday, July 31, 2010

Sadista

masahol ka pa dito. binibigyan mo ako ng buhay para unti-unti lang patayin. ang masaklap pa dun, sineseryoso ko, ikaw pala hindi. hinahayaan mo akong mamatay at langgamin sa isang tabi. pero pumapayag ako.
ganun kita kamahal, at ganun ko ginagawang tanga ang sarili ko.

sadista ka man, masokista naman ako.

minsan iniisip ko kung pano ako makakaganti sayo.

wala namang masisira sayo e, walang kwenta ka namang tao, ako lang ang nakakakita ng kwenta mo. hindi ko rin maintindihan kung bakit. ayokong mag-isip.