make or break ang naging motto ko nung nakaraang linggo. panggabi si wifey, the rule is sa akin si talulot matutulog. na ipinangako naman nya days before that. pero knowing talulot, sa 100 pangako nya, swerte na kung isa dun eh matupad. so ang internal agreement ko at ng aking sarili, i.e. the sane part of me (para na kong si gollum nito), pag monday pa lang hindi siya natulog sa bahay, Done na ang title ng next blog entry ko.
pero bago kasi yun, maraming beses nya akong ginawan ng kawalanghiyaan. nandun na nagpramis syang susunduin ako sa crossing mendez dahil galing akong batangas. inabot na ako ng dilim at ulan at naubos na ang mga bus (hindi ko alam na nag reroute pala dahil may okasyon) sa kalye eh ni multo man lang nya hindi nagpakita. although may late text naman sya na hindi na siya makakarating kasi kasama nya si W. but i learned a totally different story. hindi ko na lng idedetalye dito at baka duguin ako. basta pakshet talaga sha.
tapos yun nga, last week, monday-thursday and saturday siya natulog sa bahay. nag-away kasi kami nung friday dahil sa ibang babae na naman. kapal din ng apog ng hudas, babae na nga nya ako, nambababae pa sha ng iba. may kamanyakan din talagang angkin. pero kahit ata gilitan ko sha, talagang hindi aamin.
pag magkasama kaming natutulog, hindi ako makatulog. ginagawa nya akong dantayan. yun na lng ata ang silbi ko sa kanya. at gusto nya parang naka-mighty bond ang katawan ko sa kanya. kung adik ako sa kiss, adik naman siya sa yakapan. feeling nya dun siya makaka-compensate sa lahat ng atraso nya sakin. eh hindi lang ako makareklamo na hindi na ako makahinga at naninigas na ang mga muscles ko sa pagkakapulupot nya. pero nonetheless, dahil sa mahal na mahal ko ang hindot, napipilitan narin akong i-enjoy ang aming yakapan moments.
pag sa bahay siya natutulog, nagpapa-alarm siya sakin ng 5:00 am kasi before 6 ang dating sa bahay nila ni W. So dapat may ample time siya para mag-stage ng gimik na sa bahay nila siya nagpalipas ng gabi.
nung wednesday morning pagkatapos niyang lumipad paalis ng bahay kasi 5:30 pala na-iset ko sa alarm, nakarecieved agad ako ng text sa kanya na nawawala ang susi nya at hindi siya makapasok sa bahay. hanap naman ako sa ilalim ng kama, sa sahig, sa ilalim ng unan, pati suot kong panty unconsciously na binuklat ko sa taranta. putek, wala talaga. mas kinabahan ata ako kesa sa kanya. pag nahuli si talulot ni W sa labas ng bahay nila, patay patay na. buti na lang ang talulot at may history ata ng pagiging member ng Akyat Bahay Gang eh, naisipan baklasin ang bintana ng apartment nila para maabot ang door knob at mai-unlock sa loob. hay, kahit lipos man ng kasamaan at kawalanghiyaan ang aming ginagawa, pinagkalooban parin kami ng munting luck. thank you lord! nakapasok si talulot at naibalik ang binaklas na bintana bago dumating ng bahay si W. maswerte pa rin kami kahit papaano.
kahapon, Sunday, isa pang kamuntik ang nangyari. dahil sa Monday to Friday lang pala nakaset ang alarm ko, hindi namin namalayan na umagang umaga na pala. kung hindi pa nagsecond round yung bungangerang tindera ng pandesal hindi ko mamamalayan na mag-aalas siyeta na pala. pag tingin ko time sa cp ko, 6:51. halos maihulog ko sa kama si talulot sa pagkagulat. pati siya napatalon sa taranta. gusto kong matawa na maawa habang pinapanood ko sha habang nagdudumaling isinisuot ang pantalon. pero shempre papabayaan ko ba naman siyang magmukhang katawa-tawa. So ako na ang nagsuot sa kanya ng shirt nya at sinuklayan ko pa. pero nakuha pa rin namin na magyakapan ng 15 seconds bago sya tuluyang tumakbong pauwi.
buti na lang at 7:30 na daw dumating from work si W. at naisagawa pa ni talulot ang usual na gimik nya.
pero lam nyo guys, nakakapagod na.
marami pa akong kwento na mga kamuntiks. basta abangan nyo na lang at para sa mga gustong magmura, pigilin nyo na muna at nakakaiyak ang next entry ko.
Sunday, November 21, 2010
Tuesday, November 9, 2010
Naglalaho
kung gaano ako katagal na walang entry, ganoon ding katagal akong hindi inuwian ni talulot. humahaba na ang listahan ng kanyang mga dahilan. laging no. 1 dun eh yung "mahal, ndi ako makatakas, laging nakabantay sakin si W (wifey)". "Mahal, hindi ako makapunta, txt ng txt sakin si W, nagpapasundo. nakakainis". hanggang sa pinakapathetic at pinakamababaw na "mahal, sensya na, antok na ako, pahinga ka na lng din, love you. mwuah".
pakshet no?! minsan hintay ako hanggang 11:30 para lang makareceive ng mga ganung klaseng text. pero dahil malakas ang fighting spirit ko, hintay pa rin ako till 1:00 to 1:30 AM hoping na makareceive ng follow up text na "mahal, biglang nagpanggabi si W, jan ako 2log", pero shempre magkakapakpak muna ang mga butiki bago ako makatanggap ng ganung klaseng text. in short, nauuwi ako na gising magdamag at nagngingitngit sa kaibuturan ng aking kaluluwa. hindi pala kayang i-influence ng fighting spirit ko ang conviction ni talulot.
expected na ang mangyayari kinabukasan, "this means war!". pero cold or silent war yun. hindi ako magte-text at magpaparamdam buong maghapon. naturalmente, magkukunwari siyang concerned at hahanapin ako "mahal, bat di ka txt?" "sn ka ba mahal, magtxt ka nga". hindi pa rin ako magtetext, maghihintay ako hanggang sa tawagan nya ko. pero as soon as lumapat sa aking tainga ang lamig ng kanyang boses habang sinasabi ang katagang "mahal". natutunaw instantly lahat ng hinanakit ko. pero shempre, hindi ko yun papahalata, maggagalit-galitan ako, isusumbat sa kanya na napuyat na naman ako kakahintay, at hindi pwedeng hindi siya magkaka-apir sa bahay kinagabihan para pag-usapan ang nangyari. shempre, katakut takot na sorry na naman sha at "cge, cge, punta talaga ako mamaya, gagawa ako ng paraan para makatakas". AND THE UGLY CYCLE GOES ON AND ON.
wala talaga akong sawa. sabi ng tita ko, masokista daw ako.
pero sa totoo lang, NAGSASAWA na ako. napapagod na ako. at higit sa lahat naaawa na ako sa sarili ko at sa baby namin.
how do you unlove a person?
hanggang hindi ko nahahanapan ng kasagutan 'yan at hindi ko na-aactualize sa sarili ko ang kasagutan dyan, the cycle won't break and it'll be uglier the next time around.
kagabi pala, ganado siya magtext. i took the very rare opportunity para magpahaging.
me: mahal, uwi na ko in 10 minutes, nasa baba na service ko. mag-iingat ka pag uwi. magtxt ka ha. i repeat, magtext ka.
after 1 and a half hours at nasa byahe pa rin ako pauwi.
me (pa rin): mahal, malapit na ako sa T. magtext ka nman.
after 1 hour nasa bahay na ako.
talulot: mahal, dami nyo na pala saking text ni W (wifey). sobrang busy sa work, nakalimutan kong may cp pala ako. kumain ka na ba mahal ko?
hintay ako ng 30 minutes bago magreply.
me: ahh. bahay na ako mahal, yup, tapos na. sumasakit na nman tiyan ko.
talulot: bakit mahal? baka masyado kang napagod sa ofis.
me: mejo, tagtag sa byahe. wawa nman baby natin. mag-ilove you ka para mawala bilis!
talulot: i love you mahal, mwuah. okay na ba yan?
peste! manhid, ibig kong sabihin, pumunta ka sa bahay at dito mo ko sabihan ng i love you!
pero low IQ talaga si talulot pagdating sa pagiging sensitive sa mga needs ko.
me: mahal, pano kung isang araw bigla na lng akong mawala, anong magiging reaksyon mo.
talulot: bat ka naman mawawala?
pakshet ulet, bakit ba ako nagka-bf na low IQ?
me: lam mo, ang tao daw kasi pag napagod na kakahintay, minsan naglalaho na lang siya na parang bula.
no reply si talulot hanggang the following morning. sana tinamaan sya. kung hindi man ng text ko, kahit kidlat na lng...

Wednesday, October 20, 2010
Best
kinasusuklaman ko si best. siya yung girl na bestfriend ni talulot na sabi ni talulot besfriend nya since highschool na sabi naman ng kuya ni Talulot ex ni Talulot nung college. kung sino man sa kanila ang nagsasabi ng totoo, hindi na importante, basta hate ko si best and i hate talulot even more whenever he's with best.
irrational na kasuklaman ko sya, wala naman siyang direktang ginagawa sakin na masama. si talulot ang nagiging masama sa akin pag kasama niya si best. pag si best ang kasama nya, nagpapatay siya ng phone, nabubura siyang bigla sa pisngi ng planeta at maging ang latest version ng GIS technology ay hindi siya/sila kayang i-locate. basta para kay best, drop everything ang motto ni talulot. at yun ang walang kapantay kong himutok.
maraming beses na akong winalanghiya ni talulot ng dahil kay best. dati, naka-sked na akong magpasama sa kanya sa clinic pero nahuli ko sa landian nila sa fb na may napipinto silang pagkikita. pero hindi ko pinahalata kay talulot na may napick-up ako from their nakakagigil na exchanges ng posts sa fb. silent lang ako. sinamahan nman niya ako sa clinic, pero uneasy ako. lagi ko syang binabato ng matatalim na sulyap. tapos sabi ni talulot 'mahal, punta ako mamayang hapon sa manila, may bibilhin ako'. hindi ako umimik, umagwat ako sa pagkakaupo. napailing si talulot. sungkit na sungkit ko ang puta. 'mahal.... hindi ako makikipagkita kay best okay'.
hindi ako umimik. wow, si talulot can read minds. baka kaya na rin nyang magteleport!
tanong ko bat nman sa hapon pa, sarado na mga tindahan, wag mo nga akong gawing tanga.
naggalit galitan si talulot. 'e di kung gusto mo sumama ka'. semplang ako. 'sasama talaga ako.' badtrip sya. tang-ina. gusto kong ihambalos sa mukha nya yung sofang inuupuan namin sa clinic. alas-4 ng hapon daw kmi aalis. parang ayokong magkahiwalay kami ng hindi ko sinasabi sa kanya lahat ng hinanakit ko. sinabi ko lahat lahat ng nasa isip ko. lalo siyang nabadtrip. second motto niya 'awayin mo na lahat wag lang si best'. putang-ina ka talaga best! to cut it short, nagkasamaan kami ng loob.
isinakay niya ako ng jeep ng walang imik.
pagsakay ko sa jeep, may dumating na text galing kay talulot "wag na tayong umalis mamayang 4, wala na akong gana".
tangna mu.
ways ways ka.
nagbait-baitan ako.
'mahal naman, maliit na tampuhan lang papaapekto ka. basta tuloy tayo punta ng manila mamayang 4 ha, libre kita sa pamasahe. hehe'
10:30 ng umaga yun.
dumating ang 3:30 pm wala siyang text, 4:00 pm tahimik pa rin. tapos tinext ko sya, ano mahal, aalis pa ba tayo? deadma sya. inis na inis ako. inis sa sukdulang inis. parang gusto kong ibato lahat ng mahawakan ko.
tumakbo ang oras, every 15 minutes ko syang tinetext, kinukumusta ko kung anong gawa nya, kung nagsnack na sya, kung inaantok ba sya. pero deadma ang hinayupak. i gave up.
10:00 pm. sabi ko, last text ko na 'to. pag di ka reply. bukas, break na tayo. pero sa isip ko lng yun.
'mahal, paramdam ka naman, sorry na kanina. wag na tayong mainis ok?' (ang pathetic ko, shet i hate myself!)
wala pa ring text.
10:35, at last nagvi-vibrate ang phone. galing sa kanya. nanginginig kong binasa.
text nya 'mahal, d2 si best.'
para akong binuhusan ng natunaw na yelo galing sa Arctic Sea.
gustong manginig sa galit ang buo kong katawan. 'kaya pala, kaya pala ayaw magreply, kasama ang best na puta, malandi talaga, porket hindi sila nabigyan ng chance na mag-meet sa manila, dumayo ng cavite para lang mairaos ang pakikita. talagang isa't kalahating malandi rin eh ang pokpokita...'
pero magkaganun paman, nakuha ko pa ring makipagplastikan sa text.
'talaga mahal, daan kayo sa bahay, pakilala mo sha sakin...'
sumagot 'cge mahal'.
nanahimik ako habang kimkim ang galit sa puso ko. hindi ako nagtext, ayokong isipin ni talulot na ginagambala ko thru text ang kanilang bonding moments ni best.
maaga akong nahiga pero as expected, hindi dumating ang antok.
hindi ko alam kung anong klaseng diversion ang pwede kong gawin para hindi sila maisip... naisip ko pa ngang magpakulot. pero wala atang beauty salon na bukas 24 hours. nagbilang na lng ako ng tik-tak tik-tak.
1:35 am, nagtext si talulot 'mahal, nag-inuman kami ni best d2 sa bahay (insert: night shift si wifey kaya nagawa nyang sa bahay nila iuwi si best). wag kng mag-alala mahal, sa sofa ako matutulog, siya sa kwarto. at saka best ko 'to, yan ang pakatandaan mo.'
hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, i want to see heads rolling. tumawid ako sa kabilang kwarto, naghihilik na tita ko. sa kanya ako naginiyak ng nag-iniyak. simple lang at effortless ang sagot ng tita kong keber 'itulog mo na lang yan, wag kang masokista, nagpapakamatay ka sa hinagpis samantalang sila nagsasaya. wag kang gaga ha.'
forever na tama ang tita ko...
pinilit kong makatulog, and i dreamed a very ugly dream. hay bumababa na talaga emotional intelligence ko. hindi dapat 'to. kailangang higpitan ang mga lumuluwag na turnilyo, i-re-align windang na mga nerve endings. bat nga ba ako papaapekto sa kanila.
kinabukasan... bumangon ako na parang walang akong gustong patayin the previous day. dumaan ang maghapon na walang text galing kay talulot. sabi ko katapusan na namin to...

Tuesday, October 19, 2010
Intay... intay
sa lahat ng lalaking minahal ko kay Talulot ako pinaka - nahirapan, kinilig, nalibugan, at nasaktan.
sagad nga kasi...
tulad kahapon, bihis na ako, nakamake-up na, naka-sapatos at jacket na, nakalahat lahat na, nasa gate na ako ng bahay ng bigla akong tamaring pumasok. walang sabi-sabi na pumasok akong muli sa loob ng bahay, naghubad ng sapatos, pumasok sa kwarto, nagtanggal ng jacket, nagtanggal ng make-up, nagtanggal ng lahat lahat. binalot ang sarili sa blanket at sumuksok sa pinakasulok ng kama.
doon ako nag-iyak ng nag-iyak.
kasi bago yun, bago yung lahat lahat na yun, tnext ko si Talulot. sabi ko, 'dumaan ka naman sa akin bago ka pumasok sa work, giniginaw ako, yakapin mo kami ng baby natin...' sabay haplos sa aking tiyan... pero walang text na dumating. hintay pa ko ng onti. nagmiscol ako. tatlong beses. alam kong nasa bahay si Wifey, at nakatago na naman sa ilalim ng shoe rack ang fone ni Talulot. naghintay pa ulit ako. nawalan na ako ng pag-asa. makapasok na nga lang.
pero wala na pala akong ganang pumasok...
maghapon halos akong naghintay ng text galing sa kanya. daig ko pa ang naghihintay na may gumuhit na bulalakaw sa maulan na langit, pero umasa pa rin ako na may darating. nagtanghalian, nag-miryenda, ng-fb at nag-ym ng one to sawa, alas-kwartro, alas-singko, ala-sais, hapunan na, wala pa ring text. nagpasa-load pa ako sa kanya ng 5. (sorry, tao lang).
gusto ko nang mapraning, parang namamaga na ang puso ko sa lungkot. nasan ka mahal ko???!
sabi ng tita ko na hilung hilo na kakapanood sa akin, 'hayaan mo kasi sya, kung magtext sya salamat, kung hindi, sorry na lang. kaw lang nagpapahirap sa sarili mo'.
eh sa anung gagawin ko, hindi ko talaga kaya na hindi siya isipin, na hindi siya hanapin.
'adik ka na nga,' sabi ng tita ko.
pagkatapos kumain, nagpatayo-tayo ako sa may kumedor na mga ilang metro ang layo sa aking kwarto, bigla naramdaman kong nagvibrate ang aking phone, tumulay, umagos, gumapang ang kinig sa mga dingding, sa hangin, tungo sa aking pandinig. nanindig ang aking mga balahibo, alam kong siya ang nagtext. hindi ako nagkamali.
'mahal ko, i love you...' sabi ng text nya.
yun lang? eksplinasyon ang kailangan ko!
nasan ka? nasan ka maghapon?! bat hindi ka nagparamdam? kasama mo ba si best (yung bestfriend nyang girl na nahuli silang naghahalikan one time na pareho silang nalasing)? tang-inang best ka.
lalo akong napraning...
'san ka mahal ko, bat now ka lng txt'?
bilis ng reply nya.
'd2 sa cr... di ko mailabas fone ko, di pumasok si W. (Wifey)'. palagay ako pag nasa bahay sya, pag kasama niya si Wifey.
nakahinga ako ng maluwag...solb na ko...nasa bahay lang siya, wala siyang ibang pinuntahan, hindi niya kasama si best... napangiti ako.
nag-shower na ako, nagpatugtog pa ako ng Jack Johnson habang naliligo.
magaan na magaan na ang pakiramdam ko.
bigla kong narinig tawag ng pinsan ko.
'ate, nandito si kuya R!'
napatakbo ako sa may pinto. naaninag ko sya sa labas ng screen door na matamis na matamis na nakangiti.
napatalon ako ng yakap sa kanya. napaiyak ako...
inakay ko saya sa kwarto ko...
nahiga kami sa kama, nagtitigan, naghaplusan ng buhok, ng pisngi, ng labi, ng ilong... walang salitaan. hinalikan niya ako ng maraming maraming beses na 'i love you' ang pagitan. niyakap ko sya, madiin na madiin... matagal kaming ganun, mga 25 minutes.
bumangon siyang bigla... 'mahal, alis na ko ha, nautusan lng akong bumili ng tinapay, babaunin nya bukas sa work'.
niyakap ko siya ulit ng mahigpit na mahigpit. the best yun!

Wednesday, October 13, 2010
Glentot
masamang masama ang gising ko kaninang umaga. paputol-putol ksi ang tulog ko, check ksi ako ng check sa cp ko kung may text na galing kay Talutot. putang-inang hindot na hayop na 'yun, nakatiis na naman. sa ngayon, malapit ng mag-24 hours na wala akong balita sa hindut na sponsor ng cute na bulinggit sa aking sinapupunan. hindi ko alam kung ano na namang klaseng kalintikan ang tumama sa hinayupak na lalaki na yun at nakalimot na namang mag-text.
alam na alam naman nya na dun ako galit na galit. puta, sa text na nga lang siya babawi, hindi pa nya magawa tang-ina siya. dati nakakagawa siya ng paraan para makapagtext sakin lalo na pag nasa bahay si Wifey. dati nga nagawa pa nyang makitext sa kasakay niya sa jeep nung naubusan siya ng load ksi kailangan namin magkita dun sa far-far-away Mall, nalintikan na ksi kami dati nung dun kami nagdate sa not-so-far-away Mall, may nakakita sa amin na katrabaho ni Wifey at mega sumbong ang hitad. buti na lang likas na dakila at inhinyero sa paggawa ng kasinungalingan si Talulot at nakalusot.
so mabalik ako sa almost 24 hours na no text from Talulot na kwento ko, magkaka-migraine na ata ako sa sobrang inis. ayoko din naman siyang itext para naman maramdaman nya ang agony ng maghintay sa wala. hindi ko lng alam kung may pakiramdam pa siya hudas sya, malay ko ba kung na-salvaged siya at nilalanggam na sa mga damuhan sa may Daang Hari. leche. wala akong pakialam, ang importante magtext sya at balitaan man lang nya ako kung humihinga pa sya.
hay, ang dami ko ng nilitanya... pero bago ko makalimutan, para nga pala kay Totsky (Glentot) itong entry na 'to, na nagbigay ng genuine na haplos ng kasiyahan sa puso ko kanina at nakatulong para mapigilan sa pagreach ng aking dugo sa boiling point. salamat Totsky sa pag-endorso ng aking blog sa iyong mga bright and beautiful na mga followers. kumbinsido ako na lahat sila ay open-minded at walang mangbabalahura sa akin dahil kung hindi sila bright matagal ka na rin nilang binalahura. :P Salamat talaga, you rock dude! minsan tuloy naiisip ko na kapag wala akong nakuhang kapalit ni Talulot na maaaring maghatid sa akin sa dambana, ikaw na lng ang kakaladkarin ko. shempre isang malaking joke 'to... hehehe. alam kong mabuti kang tao :)

para sa iyo 'to Glentot nang lalo kang mamukadkad! (originally laurel wreath yan, pero nakornihan ako, eh gusto kong mas maging korni, kaya roses na lng... mwehehe)
sa lahat po ng nagbisita sa aking blog, maraming maraming tengks... yaan nyo pipilitin ko kayong aliwin ng aking mga kwentong kalintikan, kalandian, pagsusumakit, pagdadalamhati, pagtitiis, at sabi ng mga kaibigan ko, pagpapakagaga sa aking quest bilang isang mabuting kerida. pakibaba po ng mga kilay :)

Monday, October 11, 2010
Positive
maari nyo sigurong sabihin na lalong nadagdagan ang aming kasalanan dahil dito:

bukod sa aming dalawa ni Talulot, hindi ko alam kung ilan sa mga kaibigan ko ang genuinely na masaya for me... alam ko yung 'im happy for you' na tipid na tipid na text reply eh euphemism lng sa "isa ka talagang malanding kaibigan, ilang beses ka na naming pinaalalahanan pero you were overpowered by landi beyond words, leche, hindi kami magnininang para sa bastardo/bastarda mong anak"... joke, overreacting lng ako. pero tingin ko, ayaw man nilang ibuka ang kanilang bibig pero ito ang tumatakbo sa kanilang isipan. wish ko lng sana magbago pa sa darating na panahon.
basta ako, masaya, isa itong blessing na hindi ko ipagpapalit kahit sampung Talulot pa ang umalis at dumating sa buhay ko.
Mommy na si Mrytea!

Wednesday, September 22, 2010
Sagad 1
pwede ko na atang i-claim na sagad na talaga ang pagmamahal ko sa kanya.
sagad sa buto, sa kaluluwa, sa atay at balunbalunan, sa lahat lahat sa akin.
sabi ng mga taong malapit sa akin na alam ang pinasok kong sitwasyon, dapat daw hindi sagad magmahal, hindi 100%, magtira ka man lang daw ng .027807352329% para sa sarili mo... para daw pag dumating ang oras na BIG SHIT and all other things fail, at kailangan nyong maghiwalay, hindi ka lantang nilalang na sa Mental pupulutin.
sabi ko naman, anong magagawa ko kung talagang doon papunta. ganun ata ang pag-ibig, hindi siya parang kendi na kapag nangalahati na sa iyong bibig ay iluluwa mo at ibabalik sa balot nito dahil nagi-guilty kang ubusin. kung kagagahan tong ginagawa ko, mas kagagahan yun. ano nga ba ang pwede mo pang gawin pag talagang doon napunta sa 100% NA PAGMAMAHAL, NA WALANG PAG-IIMBOT AT BUONG KATAPATAN.
on a side note, pang-gabi si wifey sa trabaho nung dalawang nakaraang linggo. yung first week, twice siyang natulog sa akin, the rest of the week nag-away bata kami. putcha, kala ko katapusan na namin at katapusan ko na! jusko, ang hirap pala ng ganitong laging natatakot, kakaba-kaba na baka eto na yung LAST na magkayakap kami at parehong nangangarap na isang araw magiging MALAYA na kami. dream on girl! ang sarap sarap langhapin ng kanyang hininga. shet, parang bagong bukas na lemon square CUPCAKE. adik. adik.
tapos nun at ng sandamukal na kadramahan at paglalakad na mistulang baliw mag-isa sa SM, nagkabati kami, courtesy naman naming dalawa yun. pero mas lamang ng konti ang effort ko. ganoon ata talaga ang No. 2, kailangan lagi i-level-up ang effort at pasensya. patience, patience, and a stone heart.
nung magkabati kami, isang linggong straight siyang natulog sa akin, isang linggo rin akong puyat na puyat. hindi ko ata mabilang ang tinamo kong bukol ko sa pagkaka-untog sa bintana ng van o sa ulo ng katabi ko tuwing umaga papasok sa ofis.
AT SAKA, nabinyagan din sa wakas ang bago naming kama. lam nyo ba, bumili ksi ako ng new bed, kasi medyo malapit ng sumuko yung padded na folding bed ko, hindi na ata nya kaya ang dusa na mag-accommodate ng dalawang full grown adults na na hindi lang pagtulog ang ginagawa. lam nyo na. tapos ayun, medyo nakakaiyak 'to, basta ako naiyak, ewan ko lang kayo. ilang araw din kaming nagtitigan sa dilim nung bagong bili kong kama. after kasing ma-deliver, andun lang siya sa sulok ng kwarto ko na mistulang nagmamakaawa na may mamansin sa kanya at i-assemble siya. bago kami mag-away, i told him that i bought "us" a new bed. tapos nangako siya na siya ang mag-assemble, lintek, yun na nga lang contribution nya no. shempre nag-expect ako. but it turned out na isang linggo pa pala ang hihintayin ko at ayun magkasama kaming nagtitigan sa dilim, ako at ang ia-assemble palang namin na kama. to cut the agony of waiting short, umuwi siya isang gabi sa akin at napilitan niyang ia-assemble si kama kahit 1:30 na ng madaling araw. ayun, yun na yun. at naganap ang maluwalhating pagbinyag!
teka, magpa-five na pala. need to rush home. layo pa kami ng uuwian ko. sabi nya dadaan siya mamayang gabi para lang yakapin at halikan ako. ksi itong week na to pang-umaga si wifey so si wifey ang kasama niyang matulog sa gabi.
PART 2 bukas.....

Subscribe to:
Posts (Atom)