Saturday, June 19, 2010

Naghihintay


bakit habang lalong tumatagal, lalo akong naiinip. habang lumalayo, mas lalong di ko kayang labanan ang lumapit. mas lalo kang hindi nagpaparamdam, mas lalo kang nagsusumiksik sa himaymay ko. mas lalo kang tumatahimik, mas lalo kang isinisigaw ng utak ko. mas lalo kong iniisip kung gano ka kawalang kwenta, mas lalo akong naeengganyo na mahalin ka. mas lalo akong nagkakaroon na pag-asa na magiging tayo, na magiging okay ang lahat, na sabay tayong sasakay isang araw ng bus at matutulog ako sa iyong mainit at masuyong akbay dahil kinabukasan, paggising natin, nasa bicol na tayo.

No comments:

Post a Comment