masahol ka pa dito. binibigyan mo ako ng buhay para unti-unti lang patayin. ang masaklap pa dun, sineseryoso ko, ikaw pala hindi. hinahayaan mo akong mamatay at langgamin sa isang tabi. pero pumapayag ako.
ganun kita kamahal, at ganun ko ginagawang tanga ang sarili ko.
sadista ka man, masokista naman ako.
minsan iniisip ko kung pano ako makakaganti sayo.
wala namang masisira sayo e, walang kwenta ka namang tao, ako lang ang nakakakita ng kwenta mo. hindi ko rin maintindihan kung bakit. ayokong mag-isip.
Saturday, July 31, 2010
Sunday, June 20, 2010
Saturday, June 19, 2010
Naghihintay
bakit habang lalong tumatagal, lalo akong naiinip. habang lumalayo, mas lalong di ko kayang labanan ang lumapit. mas lalo kang hindi nagpaparamdam, mas lalo kang nagsusumiksik sa himaymay ko. mas lalo kang tumatahimik, mas lalo kang isinisigaw ng utak ko. mas lalo kong iniisip kung gano ka kawalang kwenta, mas lalo akong naeengganyo na mahalin ka. mas lalo akong nagkakaroon na pag-asa na magiging tayo, na magiging okay ang lahat, na sabay tayong sasakay isang araw ng bus at matutulog ako sa iyong mainit at masuyong akbay dahil kinabukasan, paggising natin, nasa bicol na tayo.
Wednesday, June 16, 2010
Mahal
Monday, June 7, 2010
Hindi
hindi kita maintindihan. hindi ko tayo maintindihan. o baka naman wala talagang dapat intindihin. pero sana itigil na lang, kung wala rin lang kapupuntahan!
Wednesday, June 2, 2010
Wag
wag kang magparamdam kung hindi mo kayang magpakita. wag kang magtanong kung hindi mo kailangan ng kasagutan. wag kang hihingi kung pandagdag lang sa kulang. wag kang magpapaalaala kung ikaluluha ko lang. wag kang gagalaw kung ayaw mong tingnan kita. wag kang magtatanong kung wala kang nakahanda na susunod na tanong. wag kang makikibalita kung ipagkikibit-balikat mo lang ang iyong maririnig. wag mo akong hanapin kung hindi mo ako kailangan.
Monday, May 31, 2010
Savior
Subscribe to:
Posts (Atom)


