Wednesday, December 1, 2010

Ewan

tutula muna nga ako, tagal ko na ring hindi ginagawa 'to.

ang title... hmmm. hindi na masyadong iniisip:

Gusto

gusto kitang hawakan
pero saan kita hahanapin
sa balong malalim
pero madilim, ewan...

gusto kitang hagkan
pero kailan pa kita makikita
natunaw na ang kamay ng orasan
at malapit ng mag-umaga, ewan...

gusto kitang maramdaman
yung tagos sa kaibuturan
pero pag niyayakap kita
malamig ka pa sa kaning bahaw, ewan...

gusto kitang maangkin
sabi mo kasi peke naman pati singsing
gusto nga kita ulit tanungin
pero tinulugan mo na ako, ewan...

gusto na kitang kalimutan
itapon sa basurahan
gusto kong makitang bangawin ka
pero paulit-ulit naman kitang dinadampot
pano nga ba ako makakalimot, ewan..
.


mahal ko talaga sya guys!!!

7 comments:

  1. bakit mo sya mahal sa kabila ng mga ginagawa nya sa yo? anong meron sya? isa lang ang masasabi ko, napakaswerte nya!

    ReplyDelete
  2. haisssttt. gnuntlga pag nagmamahal. nagagawa ang kung anu ano.. nkakarelate ako.. hehehe

    ReplyDelete
  3. Ganyan din ako noon sa ex kong walanghiya. Hirap na hirap akong mag-let go. Dami ko kasing pinagdaanan with him. Sabi ko pa nga "I will never love another person the way I love you."
    Pero sa awa ng Diyos, ngayon limot na limot ko na siya. When I read my old posts about him, I just can't believe that I stayed for three years in that kind of miserable relationship.

    Magbabago pa rin yang nararamdaman mo for him. It's never too late. Ü

    ReplyDelete
  4. agree ako kay Angel,hihihi gaya gaya lang ako ng comment...ahahaha!

    ReplyDelete
  5. makikibasa na lang po ako...:)

    ReplyDelete
  6. Tama si Angel, witness ako sa mga pinagdaanan nya. Makakalimutan mo rin sya... Aliwin mo na lang self mo and take care of your baby muna :-)

    ReplyDelete
  7. I can see no problem in loving someone who does not love you back. The longing keeps you alive, gives you a sense of purpose. Kung sabi ng iba move on, ang masasabi ko eh gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay mo dahil buhay mo yan. One day mauuntog ka rin. So i-enjoy mo na lang yun.

    But stop focusing on negative things, baka lumabas na depressed din ang baby mo... Happy thoughts!!!

    ReplyDelete