Tuesday, September 10, 2013

Pero

minahal kita 
minahal mo rin siguro ako
pero di ko sigurado kung totoong naging tayo

mahilig kang magpatawa
mahilig akong tumawa
alam mong pag ikaw ang nagjoke
sa akin bentang benta
pero kahit kelan di tayo nagtawanan na magkasama

mahilig kang magkwento
mahilig naman akong makinig
maraming beses akong nag offer
na pakinggan ka
pero mas pinili mong magconfide sa iba

gusto mong magkababy
ganun din ako
ang tagal tagal nga natin silang hinintay
pero nung dumating sila
nawala ka na lang bigla sa aking mga kamay

bakit parang napakahirap para sa atin
ang mga bagay na ang dali-dali naman
kung gugustuhin
siguro talagang di ka lang willing

source: google image


Tuesday, August 27, 2013

Alibangbang

alam mo ba kung anong tawag dyan sa bicol?
alin?
yung tutubi? oo...
 ano?
 "alibangbang"
 ahhh...


ang dami-daming tutubi ng hapon na yun, ang saya saya nilang lumilipad sa mababang langit, ang laya.
parang nakikisaya sa nag-uumapaw na tuwa sa puso ko. taimtim ko itong kinikipkip sa loob ko, parang mamahaling porselana na kailangang ingatan para di mabasag. nakaangkas kami ni bebeboo sa kanyang motor habang tahimik na tinatalunton ang haba ng coast ng Bagasbas Beach.

Nasa unahan ni bebeboo, ang maliit na version ni talulot. nasa likod ako. nakapatanong ang mga kamay ko sa kanyang balikat. bumulong ako sa kanya.
"parang ang sarap tumira dito, ang simple ng buhay"
 "ngayon ko lang narating 'tong parte ng Bagasbas na 'to." yun lang ang sagot nya.

malayo sa tanong ko, pero swak na ako. sana di pa agad namin marating sa kabilang dulo. sana humaba pa ang oras na kasama namin siya ng anak ko sa ganitong ka-simple ngunit makabuluhang sandali. pero di ganun kasimple ang buhay... ang gusto ko. pero pwede kung gugustuhan nya. kung gugustuhin nya. kaso hindi ganun. hindi ganun...

 bukas dalawa lang kaming sasakay ni bebeboo sa bus pauwi kung saan kami dapat.

Friday, March 8, 2013

Totoo

ang tagal tagal na pala since nung last entry ko. it's so overwhelming how things and people change that fast. hindi ako maka-catch up, minsan nakakatakot, parang ang dami mong nami-miss. i guess thats how things really are. may mga bagay talaga na kailangang tanggapin dahil yun sila at wala ka ng magagawa para baguhin pa ang mga iyon. no other option but to move forward at maging masaya kung ano yung meron ka at willing na maging sayo. hindi para sa akin si talulot. at hindi siya magbabago para sa akin. magiging hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko na sya mahal. mahal ko pa rin siya. pero ayoko ng syang makasama. yun ang totoo. masarap alalahanin ang mga pinagdaanan namin, ang maglinger at isi-isipin ang mga moments at kabaliwan na pinagsaluhan namin. pero ganun talaga lahat ng mga nagdaan na. lilingunin mo na lang, minsan may kahalong lungkot, minsan may kahalong saya. hindi porke't gusto mo itong balikan at gunitain sa iyong ala-ala hindi ibig sabihin ay hindi ka nagmo-move forward. bitter ako? oo. nasasaktan? oo. nagagalit? oo. pero kaya kong mabuhay ng wala sya. at hindi ko kailangang magpanggap. dalawa pala ang naging anak namin ni talulot. two beautiful boys. they are my life. matagal na kaming walang komunikasyon ni talulot. maaaring hindi niya kami nakakalimutan, unfair na sabihin ko tuluyan na nya kaming kinalimutan. hindi nakakalimot ang tao, ngunit hindi lahat kayang manindigan. kung ano man ang mga dahilan nya, siya lang ang nakakaalam. ayokong manghusga, ngunit may karapatan akong magalit. marami pa ring katangungang naglalaro sa isip ko. hindi ko alam kung dapat ko ng isuko ang paghahanap ng kasagutan. siguro naman walang masama doon. hindi ko alam kung gaano katagal, but i'll heal. google image

Tuesday, December 6, 2011

Hay

napakaraming naganap samin simula nung huli kong i-post at paulit ulit na basahin ang aking last entry, ang tagal na pala. uulitin ko, maraming naganap: pangit, mas pangit, pagkapangit pangit na mga pangyayari, slightly nakakakilig, nakakawindang, nakakalambot ng puso, nakakaiyak, nakakagalit na parang gustong kong pumaslang, at nakakalungkot.

lagi namang babae ang pinag aawayan namin, nagkakabati rin agad, bakit nga naman hindi pa ako nasanay. hindi ko kayang masanay.

pero andito pa rin ako, para sa kanya, siya para sa akin, kami para sa isa't isa, para sa anak namin, para sa libog at pag-ibig.

paikot-ikot sa salimuot, masaya na malungkot, basta ganun... nagpapatuloy.

sabi ng nakararami.

bat hindi ka pa umalis, wala ka namang mapapala. masasaktan ka lang ng paulit-ulit.

minsan naiisip ko "oo nga naman".

pero bakit andito pa rin ako, nakabitin, hawak pa rin nya ang kamay ko at alam kong hindi nya ako bibitawan. enough na ba na reason yun to continue hanging on? mahirap yun, lalo na kung hindi siya masyadong nag-e-effort na iahon ka gamit ang kanyang dalawang kamay, ng kanyang buong lakas.

masokista ba ako? bulag? nagbubulagbulagan? binulag? tanga? nagtatangatangahan? tinatanga?

hindi ko alam. ang hirap hanapan ng kasagutan ang mga bagay bagay pag nagmamahal ka. minsan ready naman ang mga sagot pero ayaw mong tanggapin kasi masakit. ayaw mong umalis, ayaw mo na mawala sya, masakit ang mag-heal, matagal.

hindi ko kaya ang tagal. mainipin akong tao.

sabi nila, napapag-aralan 'yan, tiisin mo sya. kaya mo 'yan.

honestly, batukan nyo na ako, pero hindi ko kaya. sinubukan ko ng paulit-ulit pero bumabalik ako.

bumabalik rin kasi sya.

sabi nya minsan, ikaw lang naman ang nagde-desisyon na maghiwalay tayo.

totoo.

kasi hindi nya kayang ibigay ang gusto ko.

sabi nya, eh ganun na talaga ako, bat hindi mo na lang tanggapin, para hindi na lang tayo nag-aaway. nagsasawa na ako sa away.

ayaw nya akong mawala pero hindi nya kayang magkompromiso. hindi ko alam ang dahilan at hindi siya willing na sabihin sa'kin kung bakit.

hindi ko alam kung hanggang kelan 'to.

magulo lang isip ko.

gusto ko munang huminga.



google image

Tuesday, October 4, 2011

Love

nagising ako kaninang madaling araw. hindi ko maintindihan kung giniginaw ako o naiinitan. nagkumot ako, pero pinawisan. antok pero hindi makatulog. tiningnan ko ang phone ko, walang new message.

sa panaginip ko tinitingnan ko rin ang phone ko for new message. sa totoo lang tinext ko kasi siya bago ako matulog. sabi ko "ayusin na natin para sa anak natin".

parang ganun lang kadali. mabigat yun. kumplikado. maraming sabit.

maraming maraming sabit kapag nagmahal at nagka-anak ka sa may sabit.

pag magkasama kami at may nakasalubong siya na kakilala, pag nagtanong ang kanilang mga mata, ipapakilala niya ako "asawa ko."

ang sarap sanang pakinggan kung totoo, kung legal, kung walang ibang masasaktan, at hindi nakakahiya.

pero minsan, pikit mata mo na lang lalasapin, papaanurin sa iyong bloodstream, hanggang matangay ka sa delusion.

ganun. ang magmahal.

ano ba ang tamang pagmamahal, ano ba ang maling pagmamahal.

sana pwedeng i-wikipedia.

or siguro mas mabuti na wag na lang i-define.

sabi nila, love is 70% pain, 30% joy. pero enough na daw yung 30% para maging 100% kang happy.

tatlong araw na akong hindi masaya, wala kasi akong 70% pain at 30% joy.


litrato hugot sa deviantart.com

Calaguas

alam nyang gustong gusto ko ang beaches, at ang pinakagrande kong pangarap ay marating ang Calaguas Island sa Vinzon, Camarines Norte kung saan siya ipinanganak.

Naiiyak ako hanggang ngayon pag naiisip ko ang Calaguas. Sabi nya nung huli kaming nagkita, gusto nya akong dalhin dun. Bigla akong nakarating sa Cloud 9 at parang tanga na namang nangarap. Nakakatanga namang talagang mangarap kahit hindi si talulot ang nangako.

Nung isang gabi, bati pa kami nun. Pinaalala ko sa kanya ang Calaguas. Sabi nya, "sama ako pag pumunta ka dun ha, baka naman iba ang isama mo dun ha." Ganun siya ka-naive and matter of factly magsalita. Bigla kong naalala, "teka, di ba siya ang nangakong magdadala sa akin dun? bakit ang parang dating eh sasabit lang siya?" Ayoko namang sirain ang mood naming dalawa, so reply ko na lang sa text "alam mong hindi ako pupunta dun kung hindi ikaw ang kasama ko." Alam ko sa puso ko ang katotohanan at bigat ng aking sinabi.

hindi ko na matandaan ang reply nya.

ngayong "wala" na naman kami. naglulungkut-lungkutan na naman ang puso ko.

pano na ang pangarap kong marating ang Calaguas? ayoko pa ring pumunta dun ng hindi siya ang kasama ko. kung sasadyain ko magpunta dun na iba ang kasama o kung mag-isa, sarili ko at siya ang kusa kong sasaktan.

tapos bigla kong naisip yung mga beach pics nila ni EA.

since kapit-bayan lang nila ang vinzon kung saan nandun ang Calaguas, pano kung silang dalawa ang magpunta dun? may mas sasakit pa kaya dun? naive at matter-of-factly din pala akong mag-isip.


litrato hiram kay Pareng Google.

Friday, September 23, 2011

Sila

eto lang sila.
isa sa mga pics nila.

sa BEACH.