alam nyang gustong gusto ko ang beaches, at ang pinakagrande kong pangarap ay marating ang Calaguas Island sa Vinzon, Camarines Norte kung saan siya ipinanganak.
Naiiyak ako hanggang ngayon pag naiisip ko ang Calaguas. Sabi nya nung huli kaming nagkita, gusto nya akong dalhin dun. Bigla akong nakarating sa Cloud 9 at parang tanga na namang nangarap. Nakakatanga namang talagang mangarap kahit hindi si talulot ang nangako.
Nung isang gabi, bati pa kami nun. Pinaalala ko sa kanya ang Calaguas. Sabi nya, "sama ako pag pumunta ka dun ha, baka naman iba ang isama mo dun ha." Ganun siya ka-naive and matter of factly magsalita. Bigla kong naalala, "teka, di ba siya ang nangakong magdadala sa akin dun? bakit ang parang dating eh sasabit lang siya?" Ayoko namang sirain ang mood naming dalawa, so reply ko na lang sa text "alam mong hindi ako pupunta dun kung hindi ikaw ang kasama ko." Alam ko sa puso ko ang katotohanan at bigat ng aking sinabi.
hindi ko na matandaan ang reply nya.
ngayong "wala" na naman kami. naglulungkut-lungkutan na naman ang puso ko.
pano na ang pangarap kong marating ang Calaguas? ayoko pa ring pumunta dun ng hindi siya ang kasama ko. kung sasadyain ko magpunta dun na iba ang kasama o kung mag-isa, sarili ko at siya ang kusa kong sasaktan.
tapos bigla kong naisip yung mga beach pics nila ni EA.
since kapit-bayan lang nila ang vinzon kung saan nandun ang Calaguas, pano kung silang dalawa ang magpunta dun? may mas sasakit pa kaya dun? naive at matter-of-factly din pala akong mag-isip.
litrato hiram kay Pareng Google.
punta kayo dun ni bebeboo. =)
ReplyDeleteyeah, pangarap ko yan. kaming tatlo. pero parang malabo. super labo. lungkot no?
ReplyDeletetrue.. kala ko ba mag momove on kana? hehehe.. =)
ReplyDeletelapit na friend :)
ReplyDeletekaya mo yan.. Isipin mo lagi ang future ni bebeboo mo.. and who knows.. someone might come your way... just open your doors and windows. naks! hehehe.. ^_^
ReplyDelete