Sunday, August 29, 2010

Hormonal

naiinis ako sa kanya. sobra. pero hindi ko sya masumbatan. at iyon ang mas nakakapagpainis sa akin. marami kasing naglalaro sa malikot kong diwa. na baka marami din siyang nilalaro sa dako pa roon. putah sya. tang-ina nya pag nagkataon. pag nagkaroon ng katotohanan ang aking kutob. lagot siya sa di lang lagot. pati hininga nya ako rin ang lalagot.

nanggigigil ako, pano ba kagatin ang sariling ngipin.

gusto kong sumigaw at mamugot.

sa sobrang inis.

sabi nung ni-like kong status sa fb "the best response to anger is silence"

i think it works either way. "the immediate response to SILENCE is ANGER" especially if you are the waiting party.

putah sya. ayoko ng nananahimik siya. nagagalit ako!

hindi ko alam kung pano ilalabas ang inis. hindi kayang idaan sa libog 'to. o sa pagkain ng Cornetto. o sa pagsama sa iba at makipaglambutsingan ng nasusuka. tangena, ang hirap ng stick to one ka...


makapagmukmok na nga lang. sandali lang to.

Thursday, August 26, 2010

Kapal

eto na naman ang isa pang bagong episode ng 'Kakapalan', ko, naming dalawa. simula kasi nang mawala na yung sawsaw na asungot sa buhay naming dalawa ni Talulot, nabawasan rin ang risk naming mapahamak na dalawa. Si Sawsaw kasi ang may pakulo na doon lagi sa bahay kami ni Talulot gumawa ng 'bawal'. ewan ko ba, pero nag-eenjoy kami ng sagad sagaran pag doon kami gumagawa... ng bawal. Hanggang sa maramdaman namin ni Talulot na si Sawsaw na ang halos ang nagpapatakbo ng love life naming dalawa. At doon nag-decide si Talulot na burahin na si Sawsaw sa aming mundo. Sabi ko nga sa kanya, hindi naman namin kailangan ng Event Organizer para maging happy ang lahat para sa amin. Amen si Talutot, kaya tsugi nya si Sawsaw. Fast-paced na ang kwento ko ha.

basta ayun, maraming drama ang nangyari, maraming mabibigat na hinanakit ang dumapo sa aking dibdib na halos ikawasak ko (lupet di ba) at maraming luha rin akong sinayang bago kami nagkaroon ng sariling 'kalayaan', yes yung sarili naming depinisyon ng 'kalayaan'.

lately nagkaroon kami ng bagong love nest ni Talutlot at iyon ay wala iba kundi ang aming bahay! yes, sa bahay. Una shempre pa-shy epek pa si Talulot, parang mayuming dalagang Pilipina na hindi makabasag pinggan. Sabi nga ng tita ko sakin, di lang pala siya pogi, mahiyain din pala sya. Sabi ko sa tita ko, kunyari lang yan, halimaw kaya yan. Pero shempre, sinabi ko ito ng hindi naririnig ni Talulot. Kahit halimaw si Talulot, sensitive sya. super!

Basta ayun,after ng work dumadaan siya sa bahay. once or twice a week. hindi pwedeng madalas pag 'bawal'... ksi bawal nga, magiging sobrang makasalanan na 'ko nun! buti na lang hindi ko nakasanayang mangumpisal at baka pag-floor waxin na lang ako ng pari ng sahig ng simbahan dahil hindi kayang i-adya ng isang libong ama namin at aba ginoong maria ang aking mga kasalanan.

anyway, nung pilot episode sa bahay namin medyo okay at wholesome pa ang mga events, shempre pareho pa naming wine-weigh weigh ang bago naming kapaligiran. at shempre nakakahiya rin kaya sa tita ko, kasi saling ket-ket lang ako sa bahay. nung mga succeeding episodes, medyo nag-iinsert na kami ng mga mumunting 'kamunduhan' pero keri pa ng walang mess at ingay. hanggang dumating yung kabanata na hindi na talaga namin kinaya pang magtimpi! hindi ko na lang idedetalye dito, i-work out nyo na lang ng konti ang inyong imahinasyon! basta ang masasabi ko lang, hindi lahat ng satisfaction ay makukuha sa mga bagay na minamadali. nairaraos, pero hindi total ang fun and experience. iba pa rin talaga ang maging malaya, kung hindi afford ang maging malaya, maging MALAYO man lang sana solb na.

tinanong ako one time ng kaibigan ko, hindi pala, ng maraming beses ng marami kong kaibigan, kung hindi raw ba ako natatakot sa ginagawa ko. sabi ko, marami na akong naranasang takot sa buhay, pero takot lang yan, ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong multo. pathetic ang sagot ko, kasi mali ang tanong nila. kayo na ang humusga.

Wednesday, August 18, 2010

Kaganapan

ayokong tumanda na hindi natitikman ang kaganapan ng ating mga pangarap. ang magkasama tayo ng hindi nagtatago, nagsisinungaling, nagkukubli at malaya sa kurot ng konsensya na nagpapaala sa ating kamalayan ng salitang ‘bawal’. gusto kong dumating ang oras na yun kung saan hindi na natin kailangan pang ibulong ang salitang ‘mahal’ dahil sa higit pa roon ang magbubuklod sa ating dalawa ng malaya sa anumang mga kondisyon at kaakibat nitong pasakit. gusto kong dumating ang oras na iyon habang nagpapaalam ang haring araw at wala ni anumang katiting na takot na tayong mararamdaman dahil magkasama tayong lalatagan ng dilim. gusto kong dumating ang oras na iyon na hindi na tayo magbubulong pa ng hiling sa tumatakas na bulalakaw dahil ganap na ang lahat para sa ating dalawa. gusto kong dumating ang oras na iyon kung saan tahimik na lang nating pagmamasdan ang kahubdan ng malapad at madilim na walang bituing langit at tuluyang tayong angkinin ng perpeksyon. gusto kong dumating iyon dahil hindi natin kailangan ng habang-buhay o magpakailanman para sabihin na tama ang ating pinili na pagmamahal.

Monday, August 9, 2010

Dyeta

kung nakapagsasalita lang itong blog na'to, matagal na siguro ako nitong minura o sinigawan ng "Pwede ba, tama na, binging bingi na akoooooo!!!!! pwede ba iba naman?!" Pwes, that's what you are designed for. ang maging sumbungan, kwentuhan ng mga walang mga kawawaan at paulit-ulit na saya at hinanakit. leche. talaga.

nami-miss ko na naman sya. yung miss na miss na wala akong ibang maisip kundi siya.

ADIK!

adik ang tawag nya sa'kin lately. kasi gusto ko walang hingahan pag naghahalikan kami. ginagawa kong pa-contest. lagi naman siyang talo. haha. ways ways.

naalala ko dati from one of our nakaw na episodes. bago ako umalis. nag-kiss kami na para bang wala ng bukas. shet, mahigit isang oras ata na kiliti lang ang pahinga. sobrang na-enjoy naman. after nun, pakiramdam ko naubusan ako ng laway, pramis. tuyong tuyo ang lalamunan ko, feeling ko nga magkaka-sore throat ako eh. shet, pero di pa ulit naulit yung ganung kalufet na halikan. looking forward ako.

kaso lagi naman nya akong dinidyeta. natawa siya sa term DYETA.

Kagabi


kamuntik mo na naman akong durugin kagabi. ang sama mo talaga. sana ma-realize mo yan agad. kasi hinding hindi ko ipo-point out. matuto kang makiramdam kung may katotohanan man ang lagi mong sinasabi na mahal mo ko. dapat alam mo kung kelan at pano ako masasaktan ng maging ng pinaka-simple mong ginagawa o bagay na dapat ginawa mo pero hindi mo ginawa.

gusto ko sanang sabihin sayo na nagsagawa pa ako ng marubdob na pananaliksik kung paano ka mapapasaya. noong hapon. kasi sabi mo, gusto mong magkita tayo ng gabi. shet, ganun na ata kalaki at kagarbo ang deboto ko sayo. ang swerte swerte mo kung alam mo lang.

tapos nung nagparamdam ka naman, dun sa oras na kapus na kapos na ako at safe na safe ka na. naman! tama ba yun mahal ko. pero ako pa rin ang nagkadarapang puntahan ka. shet! why do i have to subject my self to such inconceivable level. pero hindi ko na yun inisip kasi habang buhay kong ipagngingitngit yung tuwing maaalala ko. basta.

tapos ayun nagkita tayo. nakita mo naman siguro kung gano naging kaningning ang aking mga mata ng masayaran ang iyong presensiya. ang guapo guapo mo; suot mo yung paborito kong shirt. gusto ko tuloy isipin at papaniwalain ang sarili ko na sinuot mo yun dahil you were really meaning to meet up with me. noon pa lang gusto na kitang sunggaban, yakapin, halikan at ipasok sa kaloob looban ko. o say mo, ang bangis di ba.

gaya ng mga gasgas na linya ng mga nagmamahal ng malupet, sana hindi tumakbo ang oras habang kapiling ka, sana habang magkahawak kamay tayong nakasakay ng bus pauwi e humaba ng humaba pa ang daan sa ating harapan para hindi agad tayo dumating sa ating bababaan. nag-offer pa nga akong iuwi mo ako sa inyo. pero hindi ko alam kung bakit ka tumanggi.

tapos dun ka bumaba sa amin, kung saan mo ako nakaplanong isadlak/itapon. masaya naman ako at nagstay ka ng medyo matagal. hinayaan mong maka-score ako ng 10 halik! nakakainis ka talaga. kung pwede lang sanang itanikala kita kagabi, kahit sinabi ng description ng personality ng iyong zodiac ang mga huwag na huwag. pero anong magagawa ko, ayokong mabaliw sa pagtitimpi. mahal na mahal na kita. potah.


image from:www.agnesdoart.com



Thursday, August 5, 2010

Tanaw

hangga't maari pinipilit kong one-word lang maging title ng blog entries ko. ewan ko, basta lang. ok din palang mag-set ng sariling mong rule at gawin ang lahat wag lang itong mabali, kahit minsan.

shet, na-miss ko palang mag-blog. pangatlong entry ko na ito for today.

actually, dapat balik-tanaw ang title ng blog ko. pero nga im sticking with my own self-imposed rule. hehe... basta.

ayun, nag balik-tanaw pala ako sa mga old posts ko, grabe, halos lahat pala tungkol sa kanya, kay Talulot, na labis labis kong minahal at minamahal.

natatawa ako, hindi makapaniwala, sa dami ng mga naganap simula nung maging pantasya ko pa lang siya at subject ng aking makamundong imahinasyon (hehe, adik) hanggang sa ngayon na halos nasaulo na ata namin ang kasulok-sulukan ng aming katawan. maraming beses na kaming nag-sex simula noon, dalawang beses na rin akong umasa na mabubuntis nya ako, pero sa kung ano mang maramot at malupit na dahilan, hindi ko alam. bwisit nga eh.

pero ngayon, nagiging maramot na naman ang pagkakataon. hindi ko alam, unti unti siyang nawawala, unti-unti siyang pinagdadamot sa akin, nahihirapan ako na hulihin siya, nahihirapan akong makipagkumpetensya para sa kanya, nahihirapan akong angkinin siya ng buong-buo, nahihirapan ako na isiksik ang aming mga ala-ala sa kanyang gunita. gusto kong hanapin nya ako, kailanganin, at wag akong pakawalan. dahil more than willing ako. para sa ngayon, para sa aming dalawa.

ngayon lang ako sobra-sobrang nagkaloob ng ganito.

Rasyunal



hindi ko alam kung ano ang nagtulak sayo para ibigay ang password ng fb account mo. unang una hindi ko hiningi, inoffer mo. pero sino ba naman ako para hindi magka-interest na tandaan, gamitin, mag-pry, at mangalikot ng mga bagay na pwede kong ikasakit.

marami akong nalaman... natutunan tungkol sa pagkatao mo. hindi ka simpleng dalhin. minu-minuto ay naghahanap ka, gustong kumawala, gustong tumikim ng bago, ng maganda, ng mas maganda.

magaling ang taste mo talaga sa babae. magaling kang pumili. napaka-diversified.

hindi pala kita pwedeng ismolin.

lalo tuloy akong natakot, nalungkot, nag-isip, erase, simula nung makilala kita, yan ang kinalimutan kong gawin ang mag-isip... ng rasyunal.

tinanong ako ng kaibigan ko kung mahal kita, shempre wala akong ibang isasagot kundi ang naghuhumindig na OO. tanong pa nya, sige nga bakit mo sya mahal. haler? hindi nga rasyunal di ba, may matino ba dapat na sagot dun?

Ngayon

hindi ko ata kaya ito. hindi ko kayang matulog, magising sa gitna ng pagtulog, at magising sa umaga na hindi kita iniisip. sabi ng kaibigan ko, ngayon lang yan, bukas, sa makalawa, sa isang linggo o isang tao, wala na yan. wala akong pakialam sa araw na narating, ang importante sa akin ay ang nararamdaman ko ngayon, habang ikaw ay nasa akin. habang ikaw ay nawawala sa aking paningin, habang ang katangian ng iyong halimuyak ay unti-unting tinatangay palayo ng hangin, habang ang iyong mukha ay sa litrato na lang ng iba ko nakikita... kaakbay mo siya. hindi ko kaya.

sayang ang mga tumatakbong minuto na hindi tayo magkasama. parang itinutulak ako nito sa pagtanda na walang inspirasyon at sigla. nakakatakot isipin. nakakabaliw.

hinahanap ng mga daliri ko ang iyong mukha.

kailan pa kita makikita, mahal ko.