Thursday, August 26, 2010

Kapal

eto na naman ang isa pang bagong episode ng 'Kakapalan', ko, naming dalawa. simula kasi nang mawala na yung sawsaw na asungot sa buhay naming dalawa ni Talulot, nabawasan rin ang risk naming mapahamak na dalawa. Si Sawsaw kasi ang may pakulo na doon lagi sa bahay kami ni Talulot gumawa ng 'bawal'. ewan ko ba, pero nag-eenjoy kami ng sagad sagaran pag doon kami gumagawa... ng bawal. Hanggang sa maramdaman namin ni Talulot na si Sawsaw na ang halos ang nagpapatakbo ng love life naming dalawa. At doon nag-decide si Talulot na burahin na si Sawsaw sa aming mundo. Sabi ko nga sa kanya, hindi naman namin kailangan ng Event Organizer para maging happy ang lahat para sa amin. Amen si Talutot, kaya tsugi nya si Sawsaw. Fast-paced na ang kwento ko ha.

basta ayun, maraming drama ang nangyari, maraming mabibigat na hinanakit ang dumapo sa aking dibdib na halos ikawasak ko (lupet di ba) at maraming luha rin akong sinayang bago kami nagkaroon ng sariling 'kalayaan', yes yung sarili naming depinisyon ng 'kalayaan'.

lately nagkaroon kami ng bagong love nest ni Talutlot at iyon ay wala iba kundi ang aming bahay! yes, sa bahay. Una shempre pa-shy epek pa si Talulot, parang mayuming dalagang Pilipina na hindi makabasag pinggan. Sabi nga ng tita ko sakin, di lang pala siya pogi, mahiyain din pala sya. Sabi ko sa tita ko, kunyari lang yan, halimaw kaya yan. Pero shempre, sinabi ko ito ng hindi naririnig ni Talulot. Kahit halimaw si Talulot, sensitive sya. super!

Basta ayun,after ng work dumadaan siya sa bahay. once or twice a week. hindi pwedeng madalas pag 'bawal'... ksi bawal nga, magiging sobrang makasalanan na 'ko nun! buti na lang hindi ko nakasanayang mangumpisal at baka pag-floor waxin na lang ako ng pari ng sahig ng simbahan dahil hindi kayang i-adya ng isang libong ama namin at aba ginoong maria ang aking mga kasalanan.

anyway, nung pilot episode sa bahay namin medyo okay at wholesome pa ang mga events, shempre pareho pa naming wine-weigh weigh ang bago naming kapaligiran. at shempre nakakahiya rin kaya sa tita ko, kasi saling ket-ket lang ako sa bahay. nung mga succeeding episodes, medyo nag-iinsert na kami ng mga mumunting 'kamunduhan' pero keri pa ng walang mess at ingay. hanggang dumating yung kabanata na hindi na talaga namin kinaya pang magtimpi! hindi ko na lang idedetalye dito, i-work out nyo na lang ng konti ang inyong imahinasyon! basta ang masasabi ko lang, hindi lahat ng satisfaction ay makukuha sa mga bagay na minamadali. nairaraos, pero hindi total ang fun and experience. iba pa rin talaga ang maging malaya, kung hindi afford ang maging malaya, maging MALAYO man lang sana solb na.

tinanong ako one time ng kaibigan ko, hindi pala, ng maraming beses ng marami kong kaibigan, kung hindi raw ba ako natatakot sa ginagawa ko. sabi ko, marami na akong naranasang takot sa buhay, pero takot lang yan, ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong multo. pathetic ang sagot ko, kasi mali ang tanong nila. kayo na ang humusga.

5 comments:

  1. natawa ako dun sa kahit halimaw sya, sensitive sya... BWahahaha!!! =)

    naku... sana maging OK kayo ni Talulot... hahaha! ang funny pa ng screen name nya... wah!!! exciting... pogi pala sya... at bongga... nananabik din si talulot dahil hindi makapag-timpi... HAHAHA!!!

    I love this entry... =)

    ReplyDelete
  2. @vitori: superlicious na kapogian, through and through, left and right. come hell or high waters.

    Talulot kasi korteng petal ng rose ang malasutla nyang labi! sino bang hindi magiging makasalanan dun?

    @jag: bawal po kasi may Lord of the Wedding Ring na po sya. yun na yun.

    ReplyDelete
  3. kasalanan din ang relasyon ko ngayon..pero keber kasi masaya kami at wala pa namang nasasaktan kasi di pa nila alam! ngayon muna ang iisipin ko saka na ang bukas,hihihi

    ReplyDelete
  4. natawa nmn ako sa comment mo na d n ako dadaan dito kung moralista ako haha...paano yan immoral ako kc and2 n uli ako lol...but seriously, wala nmn akong karapatang manghusga ng tao...

    tnx sa dalaw parekoy!

    ReplyDelete