Wednesday, August 18, 2010

Kaganapan

ayokong tumanda na hindi natitikman ang kaganapan ng ating mga pangarap. ang magkasama tayo ng hindi nagtatago, nagsisinungaling, nagkukubli at malaya sa kurot ng konsensya na nagpapaala sa ating kamalayan ng salitang ‘bawal’. gusto kong dumating ang oras na yun kung saan hindi na natin kailangan pang ibulong ang salitang ‘mahal’ dahil sa higit pa roon ang magbubuklod sa ating dalawa ng malaya sa anumang mga kondisyon at kaakibat nitong pasakit. gusto kong dumating ang oras na iyon habang nagpapaalam ang haring araw at wala ni anumang katiting na takot na tayong mararamdaman dahil magkasama tayong lalatagan ng dilim. gusto kong dumating ang oras na iyon na hindi na tayo magbubulong pa ng hiling sa tumatakas na bulalakaw dahil ganap na ang lahat para sa ating dalawa. gusto kong dumating ang oras na iyon kung saan tahimik na lang nating pagmamasdan ang kahubdan ng malapad at madilim na walang bituing langit at tuluyang tayong angkinin ng perpeksyon. gusto kong dumating iyon dahil hindi natin kailangan ng habang-buhay o magpakailanman para sabihin na tama ang ating pinili na pagmamahal.

3 comments:

  1. Ang sweet naman lalo na yung last line, parang pwedeng voice over sa isang madamdaming powerpoint presentation...

    ReplyDelete
  2. pambasag trip ka naman, okay na sana. salamat sa pag-comment. kauna-unahan ka, pwde kitang sabitan ng medalya. cheers!

    ReplyDelete
  3. Ang sakit sobra

    ReplyDelete