nagising ako kaninang madaling araw. hindi ko maintindihan kung giniginaw ako o naiinitan. nagkumot ako, pero pinawisan. antok pero hindi makatulog. tiningnan ko ang phone ko, walang new message.
sa panaginip ko tinitingnan ko rin ang phone ko for new message. sa totoo lang tinext ko kasi siya bago ako matulog. sabi ko "ayusin na natin para sa anak natin".
parang ganun lang kadali. mabigat yun. kumplikado. maraming sabit.
maraming maraming sabit kapag nagmahal at nagka-anak ka sa may sabit.
pag magkasama kami at may nakasalubong siya na kakilala, pag nagtanong ang kanilang mga mata, ipapakilala niya ako "asawa ko."
ang sarap sanang pakinggan kung totoo, kung legal, kung walang ibang masasaktan, at hindi nakakahiya.
pero minsan, pikit mata mo na lang lalasapin, papaanurin sa iyong bloodstream, hanggang matangay ka sa delusion.
ganun. ang magmahal.
ano ba ang tamang pagmamahal, ano ba ang maling pagmamahal.
sana pwedeng i-wikipedia.
or siguro mas mabuti na wag na lang i-define.
sabi nila, love is 70% pain, 30% joy. pero enough na daw yung 30% para maging 100% kang happy.
tatlong araw na akong hindi masaya, wala kasi akong 70% pain at 30% joy.
litrato hugot sa deviantart.com
someday you'll look back to all of this at matatawa ka na lang. magsasawa ka rin.
ReplyDeletei super agree with him! hahahaha..
ReplyDeletena add na pala kita sa YM. pa confirm nalang =).
@glentot: sana matawa na ako soon. hehe
ReplyDelete:)
Sabi sa nabasa ko kanina lang...
ReplyDelete"Hindi ka makakamove on kung lagi mo tinitingnan ang profile nya. Kung lagi kang magpapatama sa status mo.
Kung gusto mo mag move on, puputulin mo lahat ng connections. Tapos.."
hehehe..
thanks kOtz, i keep telling myself:
ReplyDeleteuna, hindi ako magpaparamdam sa kanya para magtanong sya kung bakit o para bumalik sya.
hindi ako magpaparamdam sa kanya kasi... gusto ko na syang iwan o putulin na sya sa buhay ko.
mahirap na proseso, pero kailangang gawin PARA MANGYARI.
i agree.. kailangan talaga... don't worry it. malalampasan mo din yun. =). pasensya na. hnd tayo lagi nagkakaabot sa ym..
ReplyDelete