Friday, March 8, 2013
Totoo
ang tagal tagal na pala since nung last entry ko. it's so overwhelming how things and people change that fast. hindi ako maka-catch up, minsan nakakatakot, parang ang dami mong nami-miss. i guess thats how things really are. may mga bagay talaga na kailangang tanggapin dahil yun sila at wala ka ng magagawa para baguhin pa ang mga iyon. no other option but to move forward at maging masaya kung ano yung meron ka at willing na maging sayo.
hindi para sa akin si talulot. at hindi siya magbabago para sa akin.
magiging hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko na sya mahal.
mahal ko pa rin siya. pero ayoko ng syang makasama. yun ang totoo.
masarap alalahanin ang mga pinagdaanan namin, ang maglinger at isi-isipin ang mga moments at kabaliwan na pinagsaluhan namin. pero ganun talaga lahat ng mga nagdaan na. lilingunin mo na lang, minsan may kahalong lungkot, minsan may kahalong saya.
hindi porke't gusto mo itong balikan at gunitain sa iyong ala-ala hindi ibig sabihin ay hindi ka nagmo-move forward.
bitter ako? oo. nasasaktan? oo. nagagalit? oo. pero kaya kong mabuhay ng wala sya. at hindi ko kailangang magpanggap.
dalawa pala ang naging anak namin ni talulot. two beautiful boys. they are my life.
matagal na kaming walang komunikasyon ni talulot. maaaring hindi niya kami nakakalimutan, unfair na sabihin ko tuluyan na nya kaming kinalimutan. hindi nakakalimot ang tao, ngunit hindi lahat kayang manindigan. kung ano man ang mga dahilan nya, siya lang ang nakakaalam. ayokong manghusga, ngunit may karapatan akong magalit.
marami pa ring katangungang naglalaro sa isip ko. hindi ko alam kung dapat ko ng isuko ang paghahanap ng kasagutan.
siguro naman walang masama doon.
hindi ko alam kung gaano katagal, but i'll heal.
google image
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
dalawa naging anak nyo? that's something.
ReplyDeleteyou'll heal. =)
long time...
kuhrach
yup, our wicked relationship bore me two boys. :) i love them both wholeheartedly. kumusta? i lost access na pala to my yahoo account where we used to chat.
Deletekumusta ka? ulet...
tagal mo rin hindi naka pagpost ah. :)
ReplyDeleteit takes determination to move on. and yeah.. time heals. pero syempre nandyan parin ang scar nun.
besides nandyan rin namn ng little boys mo to cheer you up.:)
Dalawa na? Last dalaw ko isa lang ah hehe matinik ka talaga... Well sana dire-diretso ka na sa healing ha. Kaya mo yan.
ReplyDeletewah.... ang haba ng back read ko.... para akong nagbasa ng isang novel. simula ng nagpapantasya ka pala ng sa knya hanggang sa dalawa na pla ang naging bunga.... i hope na magtuloy-tuloy na ang pagmove on mo. you have two beautiful baby boys, sila na lang ang pagtuunan mo ng time. if balang araw may dumating na magmamahal ng buong puso sa inyong magiina, wag kalimutan na wag mong ibigay ang buong-buo mong pagmamahal, kasi para un sa dalawa mong bebeboo. good luck and God bless.
ReplyDelete-yani