napadpad ako sa isang blog kanina. nagkwento yung author tungkol sa kanyang "quest" na makilala ang hindi nakagisnang ama. nakakatuwa kasi never nyang tinry na gamitin ang radio or television networks para manawagan. effective sana na medium 'yun, exponential ang rate ng pag spread ng impormasyon pero shempre nakakahiya lang kaya... ipangalandakan mo ba naman sa buong pilipinas na desperado kang naghahanap ng isang iresponsableng tatay. ewan ko, hindi lang talaga ako big fan ng mga ganyang drama.
so, ang ginamit nyang tool para hanapin si tatay ay si Mr. Google, at nagkataon naman na naging mabait sa kanya ang tadhana. mabilis na natunton ni totoy si tatay sa isang malayong probinsya sa Kabikulan (check na konek pa), at kunektado daw sa militar si tatay.
nagkausap sila sa telepono, simpleng kumustahan, pangakuan na hindi mabilang, pangako na bibisitahin si totoy sa maynila, pero lahat ay nauwi sa pagkapako. May lahi palang indian si tatay. malakas ang kutob ko na nagpapa-5-6 din sya.
pero ang nakakabilib kay totoy, mas malakas pa sa bagsik ni bagyong ondoy ang kanyang fighting spirit. sa kabila ng nakakalunos na pang-iisnab ni tatay eh nakuha pa rin niyang maging positibo na isang araw eh magkaka-MTV silang dalawa. joke. i mean, na magkikita sila face to face at magyayakapan. dinadaan ko lang sa joke kasi sa totoo lang, may kurot ang kwento nya.
naalala ko tuloy bigla si bebeboo ko. alam ko isang araw hahanapin niya si talulot. isang araw magtatanong sya. isang araw gagayahin niya ang ginawa ni totoy at ayokong ganun din ang maranasan nya.
sa totoo lang, ang tagal hinanap ni totoy si tatay militar. painstaking ang process, puno ng pag-asam, pag-asa sa isang one-time big time na "pasabog" sa sandaling dumating ang panahon ng kanilang pagkikita. pero hindi iyon nangyari, kung nangyari man, ano kaya ang pwedeng kasunod? pag asa at pag asam pa rin ba?
larawan hiram kay Pareng Google
aws.. i was thinking about that last time nag nagbabas ako ng blog mo.. basta palakihin mo lang ng mabuti si bebeboo. if incase hahanapin nya si pudra nya, then ipakilala mo.. pero yun lang.. at least hnd ka naman naging madamot. in the end si bebeboo mo dn naman magdedecide kung sino papanigan nya. and for sure sayo yun.. basta wag mo lang sya turu-an natanim ng galit kay pudrax nya.. ^_^
ReplyDelete