Sunday, November 21, 2010

Kamuntik

make or break ang naging motto ko nung nakaraang linggo. panggabi si wifey, the rule is sa akin si talulot matutulog. na ipinangako naman nya days before that. pero knowing talulot, sa 100 pangako nya, swerte na kung isa dun eh matupad. so ang internal agreement ko at ng aking sarili, i.e. the sane part of me (para na kong si gollum nito), pag monday pa lang hindi siya natulog sa bahay, Done na ang title ng next blog entry ko.

pero bago kasi yun, maraming beses nya akong ginawan ng kawalanghiyaan. nandun na nagpramis syang susunduin ako sa crossing mendez dahil galing akong batangas. inabot na ako ng dilim at ulan at naubos na ang mga bus (hindi ko alam na nag reroute pala dahil may okasyon) sa kalye eh ni multo man lang nya hindi nagpakita. although may late text naman sya na hindi na siya makakarating kasi kasama nya si W. but i learned a totally different story. hindi ko na lng idedetalye dito at baka duguin ako. basta pakshet talaga sha.

tapos yun nga, last week, monday-thursday and saturday siya natulog sa bahay. nag-away kasi kami nung friday dahil sa ibang babae na naman. kapal din ng apog ng hudas, babae na nga nya ako, nambababae pa sha ng iba. may kamanyakan din talagang angkin. pero kahit ata gilitan ko sha, talagang hindi aamin.

pag magkasama kaming natutulog, hindi ako makatulog. ginagawa nya akong dantayan. yun na lng ata ang silbi ko sa kanya. at gusto nya parang naka-mighty bond ang katawan ko sa kanya. kung adik ako sa kiss, adik naman siya sa yakapan. feeling nya dun siya makaka-compensate sa lahat ng atraso nya sakin. eh hindi lang ako makareklamo na hindi na ako makahinga at naninigas na ang mga muscles ko sa pagkakapulupot nya. pero nonetheless, dahil sa mahal na mahal ko ang hindot, napipilitan narin akong i-enjoy ang aming yakapan moments.

pag sa bahay siya natutulog, nagpapa-alarm siya sakin ng 5:00 am kasi before 6 ang dating sa bahay nila ni W. So dapat may ample time siya para mag-stage ng gimik na sa bahay nila siya nagpalipas ng gabi.

nung wednesday morning pagkatapos niyang lumipad paalis ng bahay kasi 5:30 pala na-iset ko sa alarm, nakarecieved agad ako ng text sa kanya na nawawala ang susi nya at hindi siya makapasok sa bahay. hanap naman ako sa ilalim ng kama, sa sahig, sa ilalim ng unan, pati suot kong panty unconsciously na binuklat ko sa taranta. putek, wala talaga. mas kinabahan ata ako kesa sa kanya. pag nahuli si talulot ni W sa labas ng bahay nila, patay patay na. buti na lang ang talulot at may history ata ng pagiging member ng Akyat Bahay Gang eh, naisipan baklasin ang bintana ng apartment nila para maabot ang door knob at mai-unlock sa loob. hay, kahit lipos man ng kasamaan at kawalanghiyaan ang aming ginagawa, pinagkalooban parin kami ng munting luck. thank you lord! nakapasok si talulot at naibalik ang binaklas na bintana bago dumating ng bahay si W. maswerte pa rin kami kahit papaano.

kahapon, Sunday, isa pang kamuntik ang nangyari. dahil sa Monday to Friday lang pala nakaset ang alarm ko, hindi namin namalayan na umagang umaga na pala. kung hindi pa nagsecond round yung bungangerang tindera ng pandesal hindi ko mamamalayan na mag-aalas siyeta na pala. pag tingin ko time sa cp ko, 6:51. halos maihulog ko sa kama si talulot sa pagkagulat. pati siya napatalon sa taranta. gusto kong matawa na maawa habang pinapanood ko sha habang nagdudumaling isinisuot ang pantalon. pero shempre papabayaan ko ba naman siyang magmukhang katawa-tawa. So ako na ang nagsuot sa kanya ng shirt nya at sinuklayan ko pa. pero nakuha pa rin namin na magyakapan ng 15 seconds bago sya tuluyang tumakbong pauwi.

buti na lang at 7:30 na daw dumating from work si W. at naisagawa pa ni talulot ang usual na gimik nya.

pero lam nyo guys, nakakapagod na.

marami pa akong kwento na mga kamuntiks. basta abangan nyo na lang at para sa mga gustong magmura, pigilin nyo na muna at nakakaiyak ang next entry ko.

13 comments:

  1. hirap din talaga, ano?

    ingat lang sa mga kamuntik. hindi laging swerte. mas dapat alerto para iwas buliyaso.

    keep them coming. i love reading your blog.

    - thom

    ReplyDelete
  2. Oh no!!! Parang ayoko ata ng mga nakakaiyak na entry... Pero, dahil follower mo ko, babasahin ko pa rin yan. Kainis lang yung pambababae nya ha, hindi nakukuntento. Parang nafi-feel ko tuloy yung nafi-feel mo...

    ReplyDelete
  3. OMG!I can't wait for the next blog entry. What's good about your entries is that they're fresh (recently happened), and you tell every detail from the heart. I'll be praying for you girl. Be strong!

    ReplyDelete
  4. Sabi nga nung isang commenter dati na hindi ko maalala kung sino, since nagawa nya sa asawa nya, magagawa rin nya sayo...

    Natawa ako ng konti dun sa nawalang susi incident, pero yang mga close calls na yan, one day baka diyan kayo mabuking at eskandaluhin ka ni W.

    Sige aabangan ko yang next entry baka makarelate ako. Hahaha! Ingat parati.

    ReplyDelete
  5. nakakatakot din pala ang mga kamuntik

    ReplyDelete
  6. kaya daming nasisirang pamilya e, dahil sa mga tulad nyong babae

    ReplyDelete
  7. ingat ingat sa kamuntik bka mabuking.. mhirap na.. hihihi..
    nice blog...

    ReplyDelete
  8. @Anonymous, wow.

    Hindi naman mga "kabit" ang sumisira sa pamilya kundi yung mismong asawa na naghanap ng iba. Kung hindi sila naghanap, walang magiging third party.

    Myrtea, don't take offense.

    ReplyDelete
  9. @everybody, thanks peeps. source ko na kayo ng strength and practical wisdom! im just waiting for the right time, kung kelan man yun, hindi ko pa alam. minsan kasi akala ko eto na yung "time" to let go, pero the funny thing is, nangyari na rin yan last month, last week, the other day, latest is kaninang umaga.

    pero things wont happen if you are not willing to do anything to make them happen. in my case, alam kong mali na to from the beginning, but willingness to get off the track isn't on my side. makulit ang magmahal, ipipilit hanggat pwede, itutuloy hangga't pwede pa.

    @anonymous: natural lang ang ganyang reaksyon, wala na akong magagawa run. but bear this in mind, not all keridas or kabits are created the same. i dont see any need to explain myself.

    ReplyDelete
  10. @glentot, pwede bang ikaw na lng ang mahalin ko? haha. joke yun shempre. para mejo masaya. :P

    ReplyDelete
  11. pati suot kong panty unconsciously na binuklat ko sa taranta. <---nakakatawa naman ito at nagawa mo talaga sa katarantahan

    Nasayo naman yan Maputlang Rosas kung hahayaan mong gawin din sayo yung ginagawa niya sa W nya. Sana lang maging okay na ang sitwasyon nyo sa mga darating na panahon.

    ReplyDelete
  12. gusto ko nang maiyak, asan na yung next entry?

    ReplyDelete