Tuesday, November 9, 2010

Naglalaho

kung gaano ako katagal na walang entry, ganoon ding katagal akong hindi inuwian ni talulot. humahaba na ang listahan ng kanyang mga dahilan. laging no. 1 dun eh yung "mahal, ndi ako makatakas, laging nakabantay sakin si W (wifey)". "Mahal, hindi ako makapunta, txt ng txt sakin si W, nagpapasundo. nakakainis". hanggang sa pinakapathetic at pinakamababaw na "mahal, sensya na, antok na ako, pahinga ka na lng din, love you. mwuah".

pakshet no?! minsan hintay ako hanggang 11:30 para lang makareceive ng mga ganung klaseng text. pero dahil malakas ang fighting spirit ko, hintay pa rin ako till 1:00 to 1:30 AM hoping na makareceive ng follow up text na "mahal, biglang nagpanggabi si W, jan ako 2log", pero shempre magkakapakpak muna ang mga butiki bago ako makatanggap ng ganung klaseng text. in short, nauuwi ako na gising magdamag at nagngingitngit sa kaibuturan ng aking kaluluwa. hindi pala kayang i-influence ng fighting spirit ko ang conviction ni talulot.

expected na ang mangyayari kinabukasan, "this means war!". pero cold or silent war yun. hindi ako magte-text at magpaparamdam buong maghapon. naturalmente, magkukunwari siyang concerned at hahanapin ako "mahal, bat di ka txt?" "sn ka ba mahal, magtxt ka nga". hindi pa rin ako magtetext, maghihintay ako hanggang sa tawagan nya ko. pero as soon as lumapat sa aking tainga ang lamig ng kanyang boses habang sinasabi ang katagang "mahal". natutunaw instantly lahat ng hinanakit ko. pero shempre, hindi ko yun papahalata, maggagalit-galitan ako, isusumbat sa kanya na napuyat na naman ako kakahintay, at hindi pwedeng hindi siya magkaka-apir sa bahay kinagabihan para pag-usapan ang nangyari. shempre, katakut takot na sorry na naman sha at "cge, cge, punta talaga ako mamaya, gagawa ako ng paraan para makatakas". AND THE UGLY CYCLE GOES ON AND ON.

wala talaga akong sawa. sabi ng tita ko, masokista daw ako.

pero sa totoo lang, NAGSASAWA na ako. napapagod na ako. at higit sa lahat naaawa na ako sa sarili ko at sa baby namin.

how do you unlove a person?

hanggang hindi ko nahahanapan ng kasagutan 'yan at hindi ko na-aactualize sa sarili ko ang kasagutan dyan, the cycle won't break and it'll be uglier the next time around.

kagabi pala, ganado siya magtext. i took the very rare opportunity para magpahaging.

me: mahal, uwi na ko in 10 minutes, nasa baba na service ko. mag-iingat ka pag uwi. magtxt ka ha. i repeat, magtext ka.

after 1 and a half hours at nasa byahe pa rin ako pauwi.

me (pa rin): mahal, malapit na ako sa T. magtext ka nman.

after 1 hour nasa bahay na ako.

talulot: mahal, dami nyo na pala saking text ni W (wifey). sobrang busy sa work, nakalimutan kong may cp pala ako. kumain ka na ba mahal ko?

hintay ako ng 30 minutes bago magreply.

me: ahh. bahay na ako mahal, yup, tapos na. sumasakit na nman tiyan ko.

talulot: bakit mahal? baka masyado kang napagod sa ofis.

me: mejo, tagtag sa byahe. wawa nman baby natin. mag-ilove you ka para mawala bilis!

talulot: i love you mahal, mwuah. okay na ba yan?

peste! manhid, ibig kong sabihin, pumunta ka sa bahay at dito mo ko sabihan ng i love you!

pero low IQ talaga si talulot pagdating sa pagiging sensitive sa mga needs ko.

me: mahal, pano kung isang araw bigla na lng akong mawala, anong magiging reaksyon mo.

talulot: bat ka naman mawawala?

pakshet ulet, bakit ba ako nagka-bf na low IQ?

me: lam mo, ang tao daw kasi pag napagod na kakahintay, minsan naglalaho na lang siya na parang bula.

no reply si talulot hanggang the following morning. sana tinamaan sya. kung hindi man ng text ko, kahit kidlat na lng...

13 comments:

  1. kadalasan naman hindi mo ma-a-unlove ang isang tao eh. masasanay ka na lang na ganun siya lagi hanggang sa maging hindi ka na interesado sa situation niyo. Yun tipong, andyan man siya o wala ay OK lang. then later on mare-realize mo na, moving forward ka na. it takes time. God bless!

    ReplyDelete
  2. Anna's right. Suddenly you will just realize that you don't miss him as much and you don't care as much. Take it one day at a time. Just focus on loving yourself and the baby inside you. ♥

    ReplyDelete
  3. Bawal ma-stress, meron kang baby. Pero what Anna and Angel said were right, it would take time and you'll realize nakalimutan mo na pala sya. God bless!

    ReplyDelete
  4. naiinis ako sayo pero at the same time naiintindihan kita!

    hay naku!! wag mong pababayaan ang baby MO..hayaan mo na sya..malaki na sya at dalawa pa nagmamahal sa kanya..Wifey at ikaw...eh sa inyo ng baby mo..kayo lang! gets mo?

    pakialamera ako...tsuree...ahahahaha

    ReplyDelete
  5. the irony of loving......time will come you will say to urself thats it..time to let go and move on...with or without him.....

    parang kanta lang di ba?ahahaa

    ReplyDelete
  6. Iba talaga ang pakiramdam kapag interesado ka sa binabasa mo, yung mga ibang blogs skip reading lang ako pero dito parang bigay na bigay naman ako magbasa as in hataw. Tama yan, pahabulin mo naman sya minsan, wag nga lang sana mangyari na kapag hindi na sya sumagot eh ikaw naman ang mag-first move, iisipin nya eh kayang-kaya ka nya...

    ReplyDelete
  7. I've been checking your blog daily to check for a new entry.

    20 days? medyo mahaba yon considering you're in the same city(?)

    Pag hindi na kaya, let go. Baka dumating yung iba pang hindi magandang emotions which are not good for you and even more for the baby.

    That's what i've been telling her too ...

    ReplyDelete
  8. thanks guys... your comments hit home.

    ReplyDelete
  9. @anonymous: actually we're in the same barangay. just some 127 steps apart.

    her? same situation as mine?

    ReplyDelete
  10. Mas bongga pa sa conflict ng mga teleserye or telenovelas ang love story mo kaya like the others, I also wait for a new entry every day! I guess what I'm really waiting for is the entry that would be entitled "Finally" or "Goodbye" or "Adios" or...basta something to that effect. Pero matindi ang tama ng statement na, "How do you unlove a person?" Alam mo ba, sa statement na yan, naramdaman ko ang hirap na pinagdaraanan mo, despite not even knowing each other in person! I'll be praying for you and the baby. And I'll be waiting for that entry. Be strong. :)

    ReplyDelete
  11. I really feel sorry for what you've going through. Sana lang wag mo hayaan ma stress ang sarili mo dahil kay talulot. Kawawa naman baby mo. Sa tingin ko kaya hindi mo pa magawang iwan si talulot kasi wala ka pang ibang pag babalingan ng pag mamahal na binibigay mo sa kanya. Hintayin mong mahanganak ka at magbabago ang buhay mo. Ma rerealize mo na hindi mo na kailangan si talulot kasi meron ka ng bagong pag babalingan ng pag mamahal mo :)

    I wish you and your baby well.. Magiging maayos din ang lahat..

    ReplyDelete
  12. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. though meron tayong pagkakapareho noon. pero ngayon kasi na unlove ko na ang taong nagpapahirap sakin noon.

    at wala kaming baby. sila meron.

    at hindi ako babae. yung wifey nya lang. ahahaha!

    take care of yourself. and take care of your baby.

    ReplyDelete
  13. Tama si Anonymous, pagdating ng baby mo, hindi ka na madedepress may bago ka nang love of your life!

    ReplyDelete