Wednesday, October 20, 2010

Best

kinasusuklaman ko si best. siya yung girl na bestfriend ni talulot na sabi ni talulot besfriend nya since highschool na sabi naman ng kuya ni Talulot ex ni Talulot nung college. kung sino man sa kanila ang nagsasabi ng totoo, hindi na importante, basta hate ko si best and i hate talulot even more whenever he's with best.

irrational na kasuklaman ko sya, wala naman siyang direktang ginagawa sakin na masama. si talulot ang nagiging masama sa akin pag kasama niya si best. pag si best ang kasama nya, nagpapatay siya ng phone, nabubura siyang bigla sa pisngi ng planeta at maging ang latest version ng GIS technology ay hindi siya/sila kayang i-locate. basta para kay best, drop everything ang motto ni talulot. at yun ang walang kapantay kong himutok.

maraming beses na akong winalanghiya ni talulot ng dahil kay best. dati, naka-sked na akong magpasama sa kanya sa clinic pero nahuli ko sa landian nila sa fb na may napipinto silang pagkikita. pero hindi ko pinahalata kay talulot na may napick-up ako from their nakakagigil na exchanges ng posts sa fb. silent lang ako. sinamahan nman niya ako sa clinic, pero uneasy ako. lagi ko syang binabato ng matatalim na sulyap. tapos sabi ni talulot 'mahal, punta ako mamayang hapon sa manila, may bibilhin ako'. hindi ako umimik, umagwat ako sa pagkakaupo. napailing si talulot. sungkit na sungkit ko ang puta. 'mahal.... hindi ako makikipagkita kay best okay'.
hindi ako umimik. wow, si talulot can read minds. baka kaya na rin nyang magteleport!
tanong ko bat nman sa hapon pa, sarado na mga tindahan, wag mo nga akong gawing tanga.

naggalit galitan si talulot. 'e di kung gusto mo sumama ka'. semplang ako. 'sasama talaga ako.' badtrip sya. tang-ina. gusto kong ihambalos sa mukha nya yung sofang inuupuan namin sa clinic. alas-4 ng hapon daw kmi aalis. parang ayokong magkahiwalay kami ng hindi ko sinasabi sa kanya lahat ng hinanakit ko. sinabi ko lahat lahat ng nasa isip ko. lalo siyang nabadtrip. second motto niya 'awayin mo na lahat wag lang si best'. putang-ina ka talaga best! to cut it short, nagkasamaan kami ng loob.

isinakay niya ako ng jeep ng walang imik.

pagsakay ko sa jeep, may dumating na text galing kay talulot "wag na tayong umalis mamayang 4, wala na akong gana".

tangna mu.

ways ways ka.

nagbait-baitan ako.

'mahal naman, maliit na tampuhan lang papaapekto ka. basta tuloy tayo punta ng manila mamayang 4 ha, libre kita sa pamasahe. hehe'

10:30 ng umaga yun.

dumating ang 3:30 pm wala siyang text, 4:00 pm tahimik pa rin. tapos tinext ko sya, ano mahal, aalis pa ba tayo? deadma sya. inis na inis ako. inis sa sukdulang inis. parang gusto kong ibato lahat ng mahawakan ko.

tumakbo ang oras, every 15 minutes ko syang tinetext, kinukumusta ko kung anong gawa nya, kung nagsnack na sya, kung inaantok ba sya. pero deadma ang hinayupak. i gave up.

10:00 pm. sabi ko, last text ko na 'to. pag di ka reply. bukas, break na tayo. pero sa isip ko lng yun.

'mahal, paramdam ka naman, sorry na kanina. wag na tayong mainis ok?' (ang pathetic ko, shet i hate myself!)

wala pa ring text.

10:35, at last nagvi-vibrate ang phone. galing sa kanya. nanginginig kong binasa.

text nya 'mahal, d2 si best.'

para akong binuhusan ng natunaw na yelo galing sa Arctic Sea.

gustong manginig sa galit ang buo kong katawan. 'kaya pala, kaya pala ayaw magreply, kasama ang best na puta, malandi talaga, porket hindi sila nabigyan ng chance na mag-meet sa manila, dumayo ng cavite para lang mairaos ang pakikita. talagang isa't kalahating malandi rin eh ang pokpokita...'

pero magkaganun paman, nakuha ko pa ring makipagplastikan sa text.

'talaga mahal, daan kayo sa bahay, pakilala mo sha sakin...'

sumagot 'cge mahal'.

nanahimik ako habang kimkim ang galit sa puso ko. hindi ako nagtext, ayokong isipin ni talulot na ginagambala ko thru text ang kanilang bonding moments ni best.

maaga akong nahiga pero as expected, hindi dumating ang antok.

hindi ko alam kung anong klaseng diversion ang pwede kong gawin para hindi sila maisip... naisip ko pa ngang magpakulot. pero wala atang beauty salon na bukas 24 hours. nagbilang na lng ako ng tik-tak tik-tak.

1:35 am, nagtext si talulot 'mahal, nag-inuman kami ni best d2 sa bahay (insert: night shift si wifey kaya nagawa nyang sa bahay nila iuwi si best). wag kng mag-alala mahal, sa sofa ako matutulog, siya sa kwarto. at saka best ko 'to, yan ang pakatandaan mo.'

hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, i want to see heads rolling. tumawid ako sa kabilang kwarto, naghihilik na tita ko. sa kanya ako naginiyak ng nag-iniyak. simple lang at effortless ang sagot ng tita kong keber 'itulog mo na lang yan, wag kang masokista, nagpapakamatay ka sa hinagpis samantalang sila nagsasaya. wag kang gaga ha.'

forever na tama ang tita ko...

pinilit kong makatulog, and i dreamed a very ugly dream. hay bumababa na talaga emotional intelligence ko. hindi dapat 'to. kailangang higpitan ang mga lumuluwag na turnilyo, i-re-align windang na mga nerve endings. bat nga ba ako papaapekto sa kanila.

kinabukasan... bumangon ako na parang walang akong gustong patayin the previous day. dumaan ang maghapon na walang text galing kay talulot. sabi ko katapusan na namin to...

14 comments:

  1. basta kung ano man ang maging desisyon mo, pag-isipang mabuti at maging handa sa consequences... :)

    ReplyDelete
  2. hmmm parang ang sarap isahog ni best sa tinolang manok...ahahaha

    nakaranas na ako ng ganyan! parang gusto kong bumili ng away ng mga oras na yun...hirap no...literal na parang kinukurot ang dibdib mo!

    ReplyDelete
  3. minsan naiinis ako sa mga 3rd party...dahil ang landi landi nila...mas masarap yung walang kasalo sa pagmamahal ng isang tao..pero wala talaga akong karapatan na magmalinis dahil kahit ako mismo isa ring dakilang taga sundot at ikatlong gulong....

    sana nga meron kang happy ending...dahil yung pareho satin na merong kahati...mukhang konti lang yung chance....tangena naman eh....hu hu h..

    ReplyDelete
  4. If he can cheat with you, HE CAN CHEAT ON YOU! Sana matauhan ka na.. Hindi tamang nagpapakababa ka para sa lalaki.. Sobrang cliche pero YOU DESERVE someone na tlagang mamahalin ka at concern sa nararamdaman mo. If he truly cares about you at alam nya na nasasaktan ka pag magkasama sila, hindi na sya dapat nakikipag kita sa kanya. Humanap ka na ng iba. Someone na unattached at sayong sayo lang. Hindi madali pero hindi mo maa-achieve kung hindi mo sisimulan subukan.

    Sorry, unsolicited advice. But I really believe that you deserve so much better. It's time na utak naman ang paganahin mo. Tama na ang pusong pagod :)

    ReplyDelete
  5. @anonymous - tagos sa puso. salamat kaibigan. matagal ko ng gustong gustong pag-aralan yan, kasi pagod na rin ako...

    ReplyDelete
  6. natatawa ako kasi feel na feel ko ang panggigigil mo. relaks lang.

    OW din ako kaya nakarelate ako. di ko sasabihin kung ano ang dapat mong gawin pero kung ako nasa sitwasyon mo... being the other woman, kahit gaano ko nanggagalaite sa lalake, lalawakan ko ang pang-unawa ko at hahabaan pa ang aking pasensya at imbes na awayin ko cia, pag-aaralan ko kung pano cia lalong mapapalapit saken.

    di ko dapat sabihin to kasi baka magalit saken si anonymous dahil ineencourage kita. hehe. seriously, natatakot ako for you kasi feeling ko di mo pa kontrolado sarili mong emosyon; pwede kang ma-adik sa sitwasyon mo. sabihin na lang naten na maswerte ako kasi rehabilitated na ko... ata.

    gudlak, myrtea. =)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. @Kurach - pwede bang magpaturo... magparehabilitate? seriously...

    ReplyDelete
  9. ay myrtea, di ako expert para magtherapy sayo pero pwede tayo magpalitan ng mga kwento.

    kung interested ka, email mo ko. kuhrach@yahoo.com

    ReplyDelete
  10. Hi girl, nakita ko ung blog mo sa blog ni glen and binasa ko lahat ng entries mo from start to finish (one reading ha?) so nakita ko ung history ng pagkahumaling mo kay talulot (ang cute ng code name mo sa kanya) pero hindi cute ang ginagawa nyang pagpapahintay at pangdededma sayo! isa lang ang masasabi ko about best, parang hindi lang sya basta best sa buhay ni talulot, sorry ha, but i guess i can see better because i am totally out of the situation, sabi nga eh, i have a completely objective point of view. yun naman eh tingin ko lang. well, sana maging ok ka na. take care of yourself and your baby.

    ReplyDelete
  11. Ang hirap mag-isip dahil wala kami sa sitwasyon mo pero habang binabasa ko yung post mo, naiinis ako hehehehe kasi kung ako ikaw (pero wag mong gagawin ha) sumugod na ako dun at sinilip sila at naki-party-party hehehehe

    kidding aside, tama ang tita mo at kahit ako ay yan din ang masasabi ko pero syempre mas nakakamukhang tanga naman kung papabayaan mo naman na ganun na lang palagi. Siguro pagusapan ninyo ang ganyang bagay bago mahuli ang lahat.

    ReplyDelete
  12. Aaaaarggh nakakainis bakit ako ang laging huling nakakabasa ng posts mo! Excited pa naman ako sa mga kaganapan sa kembangan nyo ni talulot. Alam mo, habang binabasa ko, pati ako naaasar kasi ganyan din ako dati, hintay nang hintay ng text. Minsan nga nandun na ako sa meeting place, wala pa rin syang text. Only to find, kasama rin nya ang friends nya. Buti na lang college pa lang ako nun at madali madistract sa ibang bagay, wala lang, naalala ko lang uli dahil sa pagbabasa, kahit lampas na ako sa stage na yun. Alam ko ang nararamdaman mo, pero aminin mo, masarap magselos ano?

    Ewan ko, iba lang ako mag-isip.

    ReplyDelete
  13. @anonymous: naku nahiya tuloy ako...the term "pagkahumaling". pero salamat, salamat and thanks :) me and my baby are doing pretty well, kahit wala sha lagi dito.

    @klet makulet: kay talulot hindi uso ang usapan, ang uso sa'min isnaban, hanggang sa parang mga baliw na magbabati na lng na parang walang nangyari. nakakasawa rin yung ganung cycle.

    @glentot: bonggadero ka naman kasi! pang finale lagi drama mo, which always works. hehe. anong masarap sa pagseselos? ilang tabo na kaya sa banyo ang nabasag/naputol ko kakapupok (hindi sa ulo ko ha though wish ko sa ulo ni best at ni talulot)sa kung saan pwedeng ipukpok. yun lng kasi ang least destructive way na alam ko to release my anger, tsaka mas mura ang tabo kesa sa timba.

    ReplyDelete
  14. First time here, hope you don't mind. Mashado lang ako affected when I read this post. Parang nafifeel ko rin yun sinulat mo dito.

    When you feel you don't have enough strength to move on or to let go, pray for it. Pray that you could forgive and forget so that you'll start being happy again.

    This is what I did when I couldn't seem to let go of a very bad relationship. Sobrang hurt and kagagahan talaga ang nangyari sakin but I still couldn't get out. I prayed that I would have the strength to stop loving him.

    And now, I'm in a much, much better place. God answered my prayers through family, old friends and new friends. ♥

    Hoping the same for you, sweetie!

    ReplyDelete