Wednesday, October 13, 2010

Glentot

masamang masama ang gising ko kaninang umaga. paputol-putol ksi ang tulog ko, check ksi ako ng check sa cp ko kung may text na galing kay Talutot. putang-inang hindot na hayop na 'yun, nakatiis na naman. sa ngayon, malapit ng mag-24 hours na wala akong balita sa hindut na sponsor ng cute na bulinggit sa aking sinapupunan. hindi ko alam kung ano na namang klaseng kalintikan ang tumama sa hinayupak na lalaki na yun at nakalimot na namang mag-text.

alam na alam naman nya na dun ako galit na galit. puta, sa text na nga lang siya babawi, hindi pa nya magawa tang-ina siya. dati nakakagawa siya ng paraan para makapagtext sakin lalo na pag nasa bahay si Wifey. dati nga nagawa pa nyang makitext sa kasakay niya sa jeep nung naubusan siya ng load ksi kailangan namin magkita dun sa far-far-away Mall, nalintikan na ksi kami dati nung dun kami nagdate sa not-so-far-away Mall, may nakakita sa amin na katrabaho ni Wifey at mega sumbong ang hitad. buti na lang likas na dakila at inhinyero sa paggawa ng kasinungalingan si Talulot at nakalusot.

so mabalik ako sa almost 24 hours na no text from Talulot na kwento ko, magkaka-migraine na ata ako sa sobrang inis. ayoko din naman siyang itext para naman maramdaman nya ang agony ng maghintay sa wala. hindi ko lng alam kung may pakiramdam pa siya hudas sya, malay ko ba kung na-salvaged siya at nilalanggam na sa mga damuhan sa may Daang Hari. leche. wala akong pakialam, ang importante magtext sya at balitaan man lang nya ako kung humihinga pa sya.

hay, ang dami ko ng nilitanya... pero bago ko makalimutan, para nga pala kay Totsky (Glentot) itong entry na 'to, na nagbigay ng genuine na haplos ng kasiyahan sa puso ko kanina at nakatulong para mapigilan sa pagreach ng aking dugo sa boiling point. salamat Totsky sa pag-endorso ng aking blog sa iyong mga bright and beautiful na mga followers. kumbinsido ako na lahat sila ay open-minded at walang mangbabalahura sa akin dahil kung hindi sila bright matagal ka na rin nilang binalahura. :P Salamat talaga, you rock dude! minsan tuloy naiisip ko na kapag wala akong nakuhang kapalit ni Talulot na maaaring maghatid sa akin sa dambana, ikaw na lng ang kakaladkarin ko. shempre isang malaking joke 'to... hehehe. alam kong mabuti kang tao :)




para sa iyo 'to Glentot nang lalo kang mamukadkad! (originally laurel wreath yan, pero nakornihan ako, eh gusto kong mas maging korni, kaya roses na lng... mwehehe)

sa lahat po ng nagbisita sa aking blog, maraming maraming tengks... yaan nyo pipilitin ko kayong aliwin ng aking mga kwentong kalintikan, kalandian, pagsusumakit, pagdadalamhati, pagtitiis, at sabi ng mga kaibigan ko, pagpapakagaga sa aking quest bilang isang mabuting kerida. pakibaba po ng mga kilay :)

10 comments:

  1. at para lang nanalo sa Olympics ang olive ni Glen hahaha

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  2. hehe, chingoy, palitaan ko na pala, parang korni... hehe :P

    ReplyDelete
  3. wow ang tindi nito. pag siniswerte nga naman ang isang tao. not just 1 rose, not a dozen but a bunch of pink roses

    ReplyDelete
  4. isang dosena na kuya, bilangin mo hehe.

    ReplyDelete
  5. hehehe answet! este sweet pala. :P

    ReplyDelete
  6. babalik balikan kita lagi :-)

    nagbackread ako simula March ahahaha adik lng & gusto kita :-)

    take care always & hug kita sa blogroll ko.

    ReplyDelete
  7. Hahaha ano ba yan ako pa huling nakakita nito! ROW 4 talaga ako!!! kasi naman hindi nag-update yung link mo a blogroll ko di ko tuloy napansin buti na lang inabutan ko bago pa malanta nang tuluyan!

    Alam mo ba may kakilala pa akong isang blogger na medyo may kaparehong sitwasyon sayo, isa rin syang... secret lover... hehehe. At ang nakakapagtaka, pareho kayo ng layout ng blog, ganitong ganito rin (recently nga lang nagpalit na sya). What's with this layout at bakit sya appealing sa mga babaeng may lihim?

    At sa joke mo, isang malaking I DO! bwahahaha

    ReplyDelete
  8. glentotsky, hindi ba si pokwing (pokw4ng) ang iyong tinutukoy? the first time i visited her blog ganito rin layout nya, pero ngayon iba na, naglalagablab na kadiliman na ang paepek na layout nya.

    talaga I DO na? panu yan, dadalhin na namin ng magiging baby ko ang apelyido mo? :P

    ReplyDelete
  9. Hahaha cge! At tama ka si Ate Powkie nga at mukhang magkakilala na kayo!

    ReplyDelete