Tuesday, October 19, 2010

Intay... intay

sa lahat ng lalaking minahal ko kay Talulot ako pinaka - nahirapan, kinilig, nalibugan, at nasaktan.

sagad nga kasi...

tulad kahapon, bihis na ako, nakamake-up na, naka-sapatos at jacket na, nakalahat lahat na, nasa gate na ako ng bahay ng bigla akong tamaring pumasok. walang sabi-sabi na pumasok akong muli sa loob ng bahay, naghubad ng sapatos, pumasok sa kwarto, nagtanggal ng jacket, nagtanggal ng make-up, nagtanggal ng lahat lahat. binalot ang sarili sa blanket at sumuksok sa pinakasulok ng kama.

doon ako nag-iyak ng nag-iyak.

kasi bago yun, bago yung lahat lahat na yun, tnext ko si Talulot. sabi ko, 'dumaan ka naman sa akin bago ka pumasok sa work, giniginaw ako, yakapin mo kami ng baby natin...' sabay haplos sa aking tiyan... pero walang text na dumating. hintay pa ko ng onti. nagmiscol ako. tatlong beses. alam kong nasa bahay si Wifey, at nakatago na naman sa ilalim ng shoe rack ang fone ni Talulot. naghintay pa ulit ako. nawalan na ako ng pag-asa. makapasok na nga lang.

pero wala na pala akong ganang pumasok...

maghapon halos akong naghintay ng text galing sa kanya. daig ko pa ang naghihintay na may gumuhit na bulalakaw sa maulan na langit, pero umasa pa rin ako na may darating. nagtanghalian, nag-miryenda, ng-fb at nag-ym ng one to sawa, alas-kwartro, alas-singko, ala-sais, hapunan na, wala pa ring text. nagpasa-load pa ako sa kanya ng 5. (sorry, tao lang).

gusto ko nang mapraning, parang namamaga na ang puso ko sa lungkot. nasan ka mahal ko???!

sabi ng tita ko na hilung hilo na kakapanood sa akin, 'hayaan mo kasi sya, kung magtext sya salamat, kung hindi, sorry na lang. kaw lang nagpapahirap sa sarili mo'.

eh sa anung gagawin ko, hindi ko talaga kaya na hindi siya isipin, na hindi siya hanapin.

'adik ka na nga,' sabi ng tita ko.

pagkatapos kumain, nagpatayo-tayo ako sa may kumedor na mga ilang metro ang layo sa aking kwarto, bigla naramdaman kong nagvibrate ang aking phone, tumulay, umagos, gumapang ang kinig sa mga dingding, sa hangin, tungo sa aking pandinig. nanindig ang aking mga balahibo, alam kong siya ang nagtext. hindi ako nagkamali.

'mahal ko, i love you...' sabi ng text nya.

yun lang? eksplinasyon ang kailangan ko!

nasan ka? nasan ka maghapon?! bat hindi ka nagparamdam? kasama mo ba si best (yung bestfriend nyang girl na nahuli silang naghahalikan one time na pareho silang nalasing)? tang-inang best ka.

lalo akong napraning...

'san ka mahal ko, bat now ka lng txt'?

bilis ng reply nya.

'd2 sa cr... di ko mailabas fone ko, di pumasok si W. (Wifey)'. palagay ako pag nasa bahay sya, pag kasama niya si Wifey.

nakahinga ako ng maluwag...solb na ko...nasa bahay lang siya, wala siyang ibang pinuntahan, hindi niya kasama si best... napangiti ako.

nag-shower na ako, nagpatugtog pa ako ng Jack Johnson habang naliligo.

magaan na magaan na ang pakiramdam ko.

bigla kong narinig tawag ng pinsan ko.

'ate, nandito si kuya R!'

napatakbo ako sa may pinto. naaninag ko sya sa labas ng screen door na matamis na matamis na nakangiti.

napatalon ako ng yakap sa kanya. napaiyak ako...

inakay ko saya sa kwarto ko...

nahiga kami sa kama, nagtitigan, naghaplusan ng buhok, ng pisngi, ng labi, ng ilong... walang salitaan. hinalikan niya ako ng maraming maraming beses na 'i love you' ang pagitan. niyakap ko sya, madiin na madiin... matagal kaming ganun, mga 25 minutes.

bumangon siyang bigla... 'mahal, alis na ko ha, nautusan lng akong bumili ng tinapay, babaunin nya bukas sa work'.

niyakap ko siya ulit ng mahigpit na mahigpit. the best yun!

8 comments:

  1. sweet naman ni talulot talagang nakahanap pa ng paraan para mapuntahan ka :) yun ang msarap dun eh, mga nakaw na sandali..naks...:D

    ReplyDelete
  2. sweet naman!

    ramdam ko nararamdaman mo..kasi nga db may trophy din akong hawak pero wag mong pababayaan yung baby ha...yung nararamdaman mo eh nararamdaman din ni baby...sad din sya pag sad ka=) kaya dapat lagi kang happy!

    Ingat!!

    ReplyDelete
  3. halong sakit,kilig,ligaya at bitin ang nararamdaman ko sa story mo..tangena kasi...bakit pa ba dapat may ikalawa, ikatlo...

    pareho tayo....ako nga lang ang pangalawa...ahahaha...nagpasundot din kasi sakin.ayon..na adik na ako.lols

    ReplyDelete
  4. Alam mo, weird pakinggan pero naranasan ko na rin maghintay sa isang tao. Syempre hindi ako binuntis. Pero yung maghintay ng text...

    Iba-iba tayo ng itsura, ng estado, ng pinagdadanan, pero nakakatawa isipin na may pagkakapareho pa rin tayong mga tao... the capacity to wait for something we want. It's the same, everywhere I look.

    So ang masasabi ko ay keep waiting for him, hangga't masaya ka pa, just do it...

    ReplyDelete
  5. sino si wifey? malamang misis nya ahahaha! pa-slow effect.

    antaray. naranasan ko na ring maging kabet. maldita pa yung murat talagang binabantayan si JM ko. hehehe! pero ngayon pinaubaya ko na siya sa misis niya. wala naman din siyang mapapala sakin at wala rin akong mapapala sa kanya kundi subo. ahahaha!

    bastusan. pasensya naman. hehehe!
    daan ka naman sa blog kez neng!

    ReplyDelete
  6. @hartlesschiq - hmmm.. mejo sweet din naman si talulot, pero mas madalas yung nakakabwisit. hay hindi ko na nga alam kung saan ko pa hininugot ang pasensya ko. shet, hindi nae-exhaust.

    @pokw4ng - apir pala tayo! pero pihado ko mas masaya yung sayo. thanks nga pala for wishing me well, touched. :)

    @Maldito - tang-ena talaga! sabi ng tita ko, para yang sumpa, forever na nakadikit sa pagkatao mo. teka, wala bang naging bunga ang 'sundutan'?

    @Glentot - shet, seryoso ka palang tao! nahiya na tuloy akong makipagbastusan sayo. yeah, the agony of waiting for something that might not happen. hay, i had a handful of painful episodes pagdating jan. tang-ena ewan ko ba kung bakit tayo nagtyatyaga sa ganyan, hindi naman tayo kumikita.

    @Prince Fau - namasyal na ako at nagkumento. :)

    ReplyDelete
  7. Whaaa!!! hindi ko alam pero parang may masakit, may nakakainis, may nakakakilig at nakakangiti sa kwento mo.:-)

    ReplyDelete
  8. nakakakilig.. nakakabitin....nandon na ako tumayo pa... hehehe..sana maging frend din tau ;)) palagi ako nagbabasa ng blog..mo.. super nice..,,mahilig lang ako magbasa ng blog ng iba pero di ako makagawa ng sa akin... lol...

    ReplyDelete