sa panaginip ko tinitingnan ko rin ang phone ko for new message. sa totoo lang tinext ko kasi siya bago ako matulog. sabi ko "ayusin na natin para sa anak natin".
parang ganun lang kadali. mabigat yun. kumplikado. maraming sabit.
maraming maraming sabit kapag nagmahal at nagka-anak ka sa may sabit.
pag magkasama kami at may nakasalubong siya na kakilala, pag nagtanong ang kanilang mga mata, ipapakilala niya ako "asawa ko."
ang sarap sanang pakinggan kung totoo, kung legal, kung walang ibang masasaktan, at hindi nakakahiya.
pero minsan, pikit mata mo na lang lalasapin, papaanurin sa iyong bloodstream, hanggang matangay ka sa delusion.
ganun. ang magmahal.
ano ba ang tamang pagmamahal, ano ba ang maling pagmamahal.
sana pwedeng i-wikipedia.
or siguro mas mabuti na wag na lang i-define.
sabi nila, love is 70% pain, 30% joy. pero enough na daw yung 30% para maging 100% kang happy.
tatlong araw na akong hindi masaya, wala kasi akong 70% pain at 30% joy.

litrato hugot sa deviantart.com