sagipin mo ako habang may oras pa. kaya mo naman e, manindigan ka lang! papayagan kitang sumiksik sa natitira pang puwang. so squeeze in with all your fucking might!
hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, yung tama, yung rasyunal, yung makakatulong sa paghubog ng isang malusog na pagkatao. pero mas pinili kong magkulang sa pamamagitan ng pagiging sobra. sobra na kitang iniisip, sobra na kitang pinag-aaksayahan ng lugar at oras sa puso at isipan ko, sobra na ang oras na ginugugol ko sa pagbulong sa buwan na sana ay ibulong niya sayo ang aking pangalan, sobrang dami ng entries sa blog na 'to ang tungkol sayo, sobrang dalas ko ng nababanggit kung kanino na lang ang sobrang intimate na nangyari sa ating dalawa, sobrang dalas at sobrang tagal ang ginagawa kong pagtitig sa iyong larawan habang nakaakbay ka sa kanya kahit sobra na akong nasasaktan.
alam ko naman ang dapat kong gawin, ayoko lang gawin, hindi pa ako handang bitiwan ka.
naiisip pa rin kita. sa kabila ng masalimuot na mga alon ay nakukuha mo pa ring payapang mamangka sa magulo kong isipan. siguro dahil hinahayaan pa rin kita na managwan, o baka ako mismo ang nagbigay sayo ng bangka. pilit kong itinatago sa iyo ang tanawin ng pangpang, dahil natatakot akong baka maisipan mong lumisan at ganap na mawala sa aking lawak. ngunit kung dagat man ang aking utak, hinding hindi kita kayang lunurin at paglahuin na lamang na parang bula.
you gave me something so special, so comfortable i almost forgot all the looming troubles. so hopeful i almost felt so perfectly secured. so well i almost believed in perfection. the beauty, how my face bathed in the warm rays of the waking sun. so you, with me, i almost forgot about him.
matindi ang nararamdaman kong pagka-miss sa kanya sa nakaraang apat na araw. pag pumipikit ko, nakikita ko ang paglapit ng kanyang mukha sa aking mukha. mahigit 2 weeks na ang nakakaraan pero nalalasahan ko pa rin siya sa aking bibig. at hindi ko itatanggi na gustong-gusto ko itong nilalasap sa aking gunita. hindi ko mabilang kung ilang beses kaming naghalikan, kung gano katagal, sana mas matagal pa...sana. kahit halos ikaguho ng mundo ko at ng buo kong pagkatao ang nangyari sa aming dalawa, hindi ko magawang magsisi. at hindi ko rin magawang kalimutan yun at siya ng basta-basta. sabi ng kaibigan ko na napagkwentuhan ko, pano mo basta-basta makakalimutan ang isang tao na pinagkatiwalaan mo ng halos kalahati ng iyong buhay. kala ko kasi basta lang nangyari, basta lang nairaos, basta lang natapos. hindi pala. mas mahirap ang naiiwan kesa sa lumalayo. mas mahirap ang lumingon kesa maglakad sa patutunguhan. mas mahirap uminda ng sakit dahil hindi ko iyon pwedeng ipaalam sa kanya. dahil may usapan kami. usapan na walang pakialaman pagkatapos. kung kailangan mang maulit ay iyon ay nakadepende sa kanya, sa kagustuhan nya. pero ayun, bigla na lang siyang nawala. hindi pa natatapos ang aming usapan. may kailangan pa siyang i-fulfill. kala ko hindi ako maaapektuhan. na papasok sa isang tenga at ilalabas lamang sa kabila. na mabilis kong mapapadaan ang maghapon na hindi ko siya nararamdaman sa loob ko. may naiwan siyang bakas sa pagkatao ko na kailanman ay hindi na mabubura. hay, todo drama talaga to.
binigla niya ako. ni talulot. hindi ko inaasahan na sa gabing yun magaganap ang hindi ko inaasahan, bagamat matagal ng pinapangarap, iniisip, kinatatakutan. basta ayun. mabilis. walang second thought. parang kidlat na 'sige, kita tayo'. tapos ayun, nagkita kami. kamuntik pa ngang hindi. kasi ang tagal nya. natatakot ako. parami ng parami ang mga palakang nagtatalunan sa dibdib ko. palalim na kasi ng palalim ang gabi, gayundin ang kaba ko. paalis na sana ako, patawid. tapos bigla siyang dumating. nagreklamo agad ako, ang tagal mo, kanina pa ako dito. kala ko di ka na dadating, pauwi na sana ako. reklamo ng para bang matagal na kaming magkakilala. reklamo ng para bang girlfriend na hindi agad nasipot sa takdang oras ng boyfriend. tapos ayun, pinakasakay niya ako sa kanyang napakagwapong motor. hindi ako sure kung kanya nga talaga yun. hindi na importante sakin yun. tinuruan pa nga niya ako ng 'proper' na pagsakay. may gustong sabihin na utak ko, parang may gustong ibulong. parang may isang parte na nagsasabi na 'may mali' sa ginagawa ko at gagawin ko, at gagawin namin. pero unti-unti iyong nilamon ng pagpaspas ng hangin sa aking buhok, balat habang nakasakay ako sa kanyang motor at mahigpit na nakakapit ang aking mga kamay sa kanyang balikat. parang tinangay ng hangin ang nararamdaman kong kaba at napalitan ng pagkalasing.
hinawakan niya ako sa kamay, inakay ako. ang lambot, parang gusto kong mapapikit sa tuwa. agad na pumanaw ang takot sa dibdib ko. wala na akong pakialam kung saan niya ako gustong dalhin. bahala ka na, iyong iyo na ako. wala akong naramdaman ni katiting na pagprotesta. hindi ko naisip na useless, kasi gusto ko naman ang nangyayari, ang mangyayari. 'slide' inga ng penguin dun sa fight club na movie nung nahanap ng bida ang kanyang inner chakra. that was my inner chakra and to slide is the only option i've got and the only thing that i wanted to do. pinagtimpla nya ako ng kape. matabang, matamis. hindi ko ininom. mabaho sa hininga ang kape. gusto ko hindi amoy kape ang hininga ko pag hinalikan na niya ako. pero humigop ako ng dalawang beses. maliliit na lagok, gusto kong ipakita sa kaniya kung gano ako ka-relaxed.
tapos niyaya niya ako sa kwarto, shet. totoo na 'to. wala ng atrasan. wala ng makapipigil kahit delubyo. tapos ayun. ayun. ayun na nga. biglang nagdilim. madilim na madilim. naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mainit na hininga sa aking kabuuan at nag-amoy maputlang rosas ang lahat.