Sunday, May 23, 2010

Hanggang

naiisip pa rin kita. sa kabila ng masalimuot na mga alon ay nakukuha mo pa ring payapang mamangka sa magulo kong isipan. siguro dahil hinahayaan pa rin kita na managwan, o baka ako mismo ang nagbigay sayo ng bangka. pilit kong itinatago sa iyo ang tanawin ng pangpang, dahil natatakot akong baka maisipan mong lumisan at ganap na mawala sa aking lawak. ngunit kung dagat man ang aking utak, hinding hindi kita kayang lunurin at paglahuin na lamang na parang bula.



image from buzznet.com



in drowning in my own senses.

No comments:

Post a Comment