simula ng magbreak kami madalang pa sa patak ng ulan sa tag araw ang pagdating ng text nya. shempre nga naman break na kami, we should not be communicating with each other at all. eh siya kasi makulit... minsan ako. pero isa lang ang tiyak ko, hindi pa kami over sa isa't isa.
pano ako nakatiyak?
isang araw kinailangan ko siyang tawagan, shet isa pala sa pinakamahirap na gawin yun, ang tawagan sa phone ang ex mo. katakot takot na pagre-rehearse nga ang ginawa ko, kulang na lang isulat ko ang mga linyang sasabihin ko, baka mautal ako, masamid, baka isipin nya na deads pa rin ako sa kanya. sobrang leche.
pano kung hindi nya sagutin, mas sobrang booset!
anyways, kailangan ko kasi siyang makausap dahil kailangan na naming asikasuhin ang birth registration ni bebeboo. yes, sa sampung kaibigan ko, 9 at kalahati ang tumutol na ipagamit ko kay bebeboo ang apelyido ni talulot. naghuhumindig na "ano????!" "wag!!!!" ang kanilang chorus. patok.
why not?
selfish daw ako.
ginaganun na nga nya kayong mag ina, bibigyan mo pa siya ng credit?! kung kaya mong magpakababa, wag mo nang idamay ang anak mo.
cliche.
shempre ayoko nang magpakawindang sa myopic nilang punto.
mas lalo siguro akong magiging selfish kung ipagkakait ko kay bebeboo ang kanyang karapatan na magkaroon ng kumpletong pangalan: first, middle at last names ng dahil lang sa galit o inis o pride. imagine, pag apelyido ko ang gagamitin ni bebeboo wala siyang middle name, so hanggat hindi siya nale-legitimize, habang buhay niya ipapaliwanag sa tuwing magfi-fill out siya ng bio data o raffle ticket kung bakit wala siyang middle name. ikaw kaya ang magpa-toxic ng ganun, matutuwa ka?
pride lang naman yan... pride, pride, pride and a bit hatred.
anyways, wala namang problema. sila lang ang namumrublema.
okay naman kay talulot, i-aacknowledge daw niya si bebeboo.
ayun, mabalik ako... tinext ko pala muna sya, sabi ko, "tatawag ako, may sasabihin akong importante tungkol sa anak naten, sagutin mo."
pormal ang aming naging pag uusap. pinapauwi ko sya para maayos na ang birth certificate ni bebeboo sa lalong madaling panahon.
maraming kadramahan ang nangyari bago kami tuluyang nagkita.
saturday ang usapan naming magkita dahil kinakailangan na nyang bumalik ng bicol ng sunday afternoon at may klase na sya kinabukasan.
buti na lang pumayag mag-witness yung taga civil registrar at sa bahay na lang niya mag-personal appearance si talulot at doon mag-autograph.
maghapon at magdamag ng saturday akong naghintay pero ni anino ng pesteng si talulot hindi man lang lumitaw. tinry ko ring imiscall several times ang cp nya pero patay din. shet, tatakasan ata ako ni talulot ah, napuno na naman ang utak ko ng mga murderous thoughts.
dumating ang linggo, last chance na 'to. pag hindi pa siya sumipot, ipapadukot ko na talaga siya sa new people's army! joke, takot ko lang.
i-cut ko na yung ibang drama. paulit-ulit na lang kase.
alas 3 na ng hapon nung bumungad siya sa may pinto. pareho kaming parang binuhusan ng natunaw na yelo galing sa Arctic Sea. hindi namin malaman ang sasabihin namin sa isa't isa.
pinatuloy ko sya. si bebeboo agad ang hinanap nya. kinuha ko si bebeboo sa kwarto at ibinigay ko sa kanya. inuubo si bebeboo, iyak ng iyak. ilang sandali niyang pinagmasdan si bebeboo at pagkatapos nun ibinalik din nya agad sa akin.
kita ko lungkot sa mata nya. nginangatngat siya ng guilt.
"sensya ka na wala akong magawa."
"meron kang magagawa kung gugustuhin mo lang."
marami akong gustong sabihin sa kanya, isumbat baga. pero naisip ko hindi makakatulong yun para mabago ang disposisyon nya. hindi naman ako nagkulang, minsan sobra-sobra pa.
sabi nya, nalulunod na daw siya sa sumbat.
minsan kasalanan ko rin, alam ko.
pagkatapos nun, pumunta na kami dun sa bahay ng taga registar. umuulan nun, maliit ang payong namin, so hindi ko maiwasan na magdikit ang aming mga braso. may mga pinong kuryente na umaararo sa aking balat. namimiss ko sya.
kalandian pa rin ang inaaatupag ko.
sumakay kami ng tricyle, wala kaming masyadong imikan. tumingin ako sa overhead mirror, nakatingin pala sya sakin.
ako na ang bumasag ng silence. hindi ko napigilan.
"bat hindi ka dumating kahapon, maghapon akong naghintay, kahit 3210 nakakasend pa rin ng text." mabigat ang boses ko.
"eh maghapong nakabantay sakin si W (wifey)."
hindi na ako nag isip ng follow up questions. hindi kailagan ng follow up questions sa tulad ni talulot na allergic sa pagpapaliwanag, isa sa pinaka-hate nya yung gawin. bobo kasi yun gumawa ng kasinungalingan, laging sablay.
anyway, matapos ang dalisay na pagpapanggap sa harap ng witness na "in good terms" kami, buong tikas na pinirmahan na ni talulot ang apat na kopya ng birth registration form ni bebeboo. kita ko ang saya sa mukha niya.
umalis na kami, umuulan, nakapayong pa rin kami.
ang hindi ko agad napansin, nakakapit na pala ako ng mahigpit sa braso nya at nakaakbay na pala siya sa'kin, at nagkukwentuhan kami na parang walang nangyari,na parang kami na ulit na wala ng paliwanagan. basta ganun.
tapos bigla nya akong tinanong, pwede mo ba akong matulungan na i-verify kung "totoo" ang kasal namin ni W.
sa loob loob ko, ngeh, bakit ako? at tsaka gano ka kaseryoso, bakit kung mapatunayan ko bang japeks ang kasal nyo eh ako ang aakayin mo sa dambana? pero shempre sa isip ko lang yun.
"o sige."
natahimik siya. naglakad na kami papuntang sakayan. basang basa na kami pareho. may mumunting kamunduhan na naglaro sa aking isip, "saan kaya kami pupunta? magyaya kaya siya? hindi pwede sa bahay, hindi pa ako nagpapalit ng bed sheet, nakakahiya kay bebeboo, bagay may malapit na motel, isang sakay lang, haha."
isang matinding tugssh sa sarili nung huminto kami sa may sakayan ng jeep.
"sakay ka na, may pupuntahan pa ako." pormal nyang sabi.
"hah? hindi man lang ba tayo magja-jollibee"? paawa kong sabi.
inginuso nya yung jollibee sa di kalayuan.
"jollibee, ayan lang oh, eh kung may makakita sa'tin, andun lang yung sakayan papuntang T baka may makakita sa'tin na katrabaho ni W".
huminga na lang ako ng malalim.
"o sige, de umalis ka na, ano pang hinihintay mo? ako na lang mag-isa ang maghihintay ng jeep," ayoko syang tingnan, baka biglang mangilid ang luha ko. kakahiya.
Bigla akong tumawid ng kalsada, naguguluhan siyang hinabol ako.
Nakita ko ang Mercury, kelangan ko ng refuge. naisip ko rin na wala ng baby wipes si bebeboo.
Sumunod siya sa akin, hinila nya ako sa braso, buti na lang andun kami sa may tagong gilid ng drug store.
"Teka..." tiningnan nya ako sa mukha, tapos bumaba sa katawan ko. Pilyo siyang napangiti.
"Sexy ka na naman ha, baka humanap ka ng kapalit ko, lagot ka sakin."
Tapos bigla nya akong hinalikan sa labi ng mabilis.
Napatulala ako.
"Teka, tayo ba? Tayo na ba ulet?"
Wala na akong pakialam kay kuya na nagtitinda ng nilagang mani na kanina pa pala nakatingin sa amin.
"Oo naman, kailangan pa bang itanong yun? Uwi ka na agad, baka naiyak na si baby, babalik ako mamayang gabi sa bahay nyo bago ako bumiyahe." Sabay talikod ni
talulot at saka tumakbo sa ulanan. Gusto ko syang ihatid ng tanaw pero ang bilis nyang nawala...
May kung anong hindi ko maipaliwananag na nakasabit sa aking puso na kailangan ng paliwanag.
Para akong isang kahon na iniwang nakabuyangyang pagkatapos buksan para usisain ang laman.
Naisip ko, sadyang may mga bagay na dapat mong itanong at mabigyan ng kasagutan dahil kailangan mo ng mapanghahawakan. Pero ayaw nga niya ng paliwanagan... mas safe daw yun.
Yun Siya.
Saturday, August 27, 2011
Friday, August 26, 2011
Ako
hindi ko pa siya kayang bitawan.
hindi ito isang bagay na na-realized ko lang, ito ay ang totoo.
sa sampung kaibigan ko, 9 at kalahati ang paulit ulit na nagsasabi sakin na kalimutan na sya, mag move on na at mukha at titi lang siya, wala ng hihigit pa roon.
matuto kang mang iwan, matuto kang lumimot.
alam ko naman ang mali at tama at hindi ko kailangan ng PhD sa astrophysics para maintindihan ang pagkakaiba ng dalawa.
simple lang, hindi lang akong willing.
ginogoyo ko ang sarili ko kung sasabihin kong kaya ko na at isa yung krimen sa sariling pagkatao.
mahal ko sya.
~~~
pero may ginagawa naman ako sa maniwala kayo at sa hindi.
tinext ko siya dati.
wg na wg ka ng magpaparamdam sa akin kahit na kelan, pakiusap lang. kalimutan mo na kami, umalis ka na sa buhay namin ng anak mo at ganun din ang gagawin ko, bye.
hindi masakit sa kalooban dahil alam ko na hindi ako seryoso sa sinasabi ko. at hindi siya makakatiis.
kinagabihan...
magtetext siya.
kumusta na ang anak ko?
hindi ako magrereply. mangingiti ako na parang baliw.
sa loob loob ko, buhay pa...
dadaan ang ilang araw. ako naman ang magtetext.
papa-check up ko ang anak mo.
bilis bilis siyang magrereply.
bakit, may sakit na naman ba?
hindi na ako magrereply, hindi na rin siya magtetext.
pero alam kong nag iisip sya... kilala ko sya para i-assume yun.
ramdam na ramdam ko sya. sa kaloob looban ko, sa dilim ng aking kwarto, sa halimuyak ng bawat hininga ng anak namin, sa mga toothbrush at tuwalyang nakasabit sa aking banyo, nandun sya, humihinga. hindi aalis.
alam ko yun at tama ako.

Tuesday, August 9, 2011
Bicol
kumukulingling ang tenga ko, humahakab ang dibdib ko at naninigas ang aking kalamnan sa tuwing maririnig ko ang salitang Bicol.
ang Bicol ay si Talulot at si Talulot ay ang Bicol.
nandun na sya... para ipagpatuloy ang kurso nyang Criminology... parang ang layo layo na tuloy ng Bicol, parang mas malayo pa sa Iceland, parang isa ng pangarap para sa akin ang makarating doon, para muli siyang makita.
Mahigit isang buwan na kaming break. Maraming beses na kaming nag-break before, pero since hindi naman kami geographically apart nagkakasundo rin kami agad the following day, usually laging siya ang sumusuko. Magtetext lang siya ng "i love you mahal" at burado na agad ang malagim na kahapon, back to makasalanang mundo at hinaharap na naman kami.
Pero this time, parang totoo na. Buong pait kong sinusuong ang katotohanan na "wala na kami" kasabay ng pagtakbo ng segundo, minuto at oras na nananatiling tahimik ang cellphone ko at wala ng tumatawag sa akin ng mahal.
Nginangatngat ako ng lungkot.
Napupuno ang aking isip ng mga hinala at pasakit sa sarili. Naisip ko "siguro sa oras na ito, may iba na siyang tinetext ng "mahal kumain ka na ba? i love you"; o baka kaya may iba ng nakayakap sa kanyang baywang habang nakaangkas sa kanyang motor; o baka natutulog silang magkatabi ng bago niyang babae pagkatapos ang isang mainit na pagniniig; o baka naman nasa loob sila ng isang bakanteng classroom habang pinagsasaluhan ang mainit at hindi mapatid patid na halikan; o baka magkasama silang tumutusok ng fishballs sa labas ng kanilang school at hihipan muna ni talulot ang umuusok na fishball bago isubo sa kasama niyang babae at ngingiti ang babae sa kanya ng ubod ng tamis sabay bulong ng "i lav u". putang ina.
pero bago ninyo ako pagalitan sa ginagawa kong senseless na pagpapakasakit sa sarili, maniniwala ba kayo na 3 sa abovementioned na mga hinala ko ay totoo.
YES.
may bago na... agad.
alam ko kasi ang password ni Talulot sa fb, at samahan pa ng mga makasalanang kamay at marupok na pagtitimpi. binuksan ko ang kanyang fb. nabasa ko sa fb ang chat nila. puno ng landian, puno ng "pagmamahalan".
excerpt ng kanilang convo:
EF: hoy lalake, luv u! hapi monthsary.
Talulot: i love you too so much. hapi monthsary too. san tayo bukas? sawa na ako sa P, sa iba naman tayo pumunta. san kita sunduin?
EF: san pa de dun sa pinagbabaan mo saken dati, sa may likod ng INC.
Talulot: cge mahal, eh kumain ka na ba? teka, palitan mo nga profile pic mo sa fb. kita na apdo mo jan ah. baka may umagaw pa sa gf ko!
EF: haha, ganun? anong gusto mong ipalit ko, yung pic ba nating dalawa?
Talulot: cge, bukas mas maganda kung magdadamit pangkasal ka, para tuloy na tayo sa simbahan. hehe
EF: ganun? huh!
5 seconds na walang reply.
Talulot: hoy babae ang tagal mo nmang magreply. sinu bang mga kachat ng gf ko?
EF: wala poh... hmmm... kakabadtriffffff!
Talulot: bakit naman mahal ko?
~~~this should end here~~~
hindi na kinaya ng katawang lupa ko na basahin pa ang the rest ng kanilang kalintikan.
(iba pa lang ang pakiramdam kapag ang mahal mo na pinakamamahal ay may iba ng tinatawag ng mahal at yung pagtawag niya ng mahal eh kaparehas na kaparehas kung pano ka nya tinatawag ng mahal nung nagmamahalan pa kayo ng buong wagas.)
nanikip ang aking dibdib at nag init ang dulo ng aking mga tenga at sulok ng aking mga mata. gusto kong sumigaw at magmura at manuntok, manampal, magmura ng magmura ng magmura.
tinext ko agad si Talulot.
"EF pala ha, i love you so much ba kamo, tang ina!"
himalang nagreply agad si Talulot. simula kasi nung nagbreak kami pag nagtext ako sa kanya after 45 years pa bago siya magreply.
"hindi ako ang kachat nyan, si Onel, tropa ko yan, puro ka talaga hinala"
"leche! nagpakatanga man ako dahil minahal kita, hindi ako tanga sa ibang aspeto. tang ina!"
"i love you so much ha, tang ina! as in tang ina!"
at walang katapusan ang pag putang ina ko sa text, pero walang "MO".
pero kung tutuusin wala na akong K na awayin sya dahil wala na nga kami. at ang nakakatawa don, nagpaaway siya.
ang p-a-t-h-e-t-i-c ko.
alam ko yun. at hindi ko kailangang i-explain ang sarili ko.
ipo-post ko dito ang kalintikang profile pic nila at wala nang hahadlang. silently nagwi-wish ako na kung saan man ito sa BICOL, sana biglang bumuka ang lupa at lamunin silang dalawa at mabuhay sa ilalim ng lupa ang mga dinosaurs at gawin silang Bicol Express!
oh di ba ipinilit na ma-justify ang title ng blog entry.
abangan ninyo ang aking next na entry exclusively about EA, masaya yun, pramis!

Wala na?
Nagdecide ako na iresurrect ang aking blog para sa isang matagal ng patay na relasyon.Oh nagulat kayo noh? Nakaya ko, well, wala namang ibang choice kasi iniwan ako. Punyemas!
Hindi mabilis sa kalooban ang ireminisce ang bawat himaymay ng minsang naging isang naglalagablab na pagmamahalan. Hindi ko ito ginagawa upang (1) pasakitan ang sarili, (2) kiligin ang tinggil, (3) maghimutok sa sinapit na kasawian, (4) humanap ng kakampi, o (5) dumami ang fans (charing!). Pwede bang sapat na rason yung wala lang, feel ko lang, hindi ko alam.
Basta ganun…
San ba ako tumigil? San ba ako mag uumpisa?
Wait, isang wagas na background muna para sa mga ngayon lang napadpad sa aking immoral na blog.
- nagmahal ako ng wagas at buong dalisay sa isang lalaking may asawa, itago na lang natin siya sa pangalang Talulot dahil sa korteng rose petal ang kanyang mga labi
- isang cp technician si Talulot na may pambihirang karisma sa lahat ng klase at uri ng nilalalang sa sansinukob. The LG Shine that started it all.
- Text, text, kulitan, meeting, mating
- Na nauwi sa PT result na dalawang guhit
- Na nagbunga ng isang cute na cute na bulinggit na napakasiba at napakakulit (two months old na pala ang aking si Mimeew, mahilig siya sa pusa)
Hiwalay na kami ngayon ni Talulot, tiyak marami sa aking mga readers ang papalakpak, dahil pinakaaabang abangan nila iyon.
Puro flashbacks ang gagawin kong kwento, pero magkagayun pa man maaaliw pa rin kayo, at maaaliw ako, at mamaya iiyak na ako, at dapat makiiyak din kayo. Okay lng na magdemand ako dahil hindi nyo naman ako kilala at hindi ako magkakaroon ng utang na loob sa inyo. Charing! Wala lang.
Isipin ko muna kung saan ako mag uumpisa, o random na lang siguro.
Bahala na ako, bahala na rin kayo.

Subscribe to:
Posts (Atom)