hindi ko pa siya kayang bitawan.
hindi ito isang bagay na na-realized ko lang, ito ay ang totoo.
sa sampung kaibigan ko, 9 at kalahati ang paulit ulit na nagsasabi sakin na kalimutan na sya, mag move on na at mukha at titi lang siya, wala ng hihigit pa roon.
matuto kang mang iwan, matuto kang lumimot.
alam ko naman ang mali at tama at hindi ko kailangan ng PhD sa astrophysics para maintindihan ang pagkakaiba ng dalawa.
simple lang, hindi lang akong willing.
ginogoyo ko ang sarili ko kung sasabihin kong kaya ko na at isa yung krimen sa sariling pagkatao.
mahal ko sya.
~~~
pero may ginagawa naman ako sa maniwala kayo at sa hindi.
tinext ko siya dati.
wg na wg ka ng magpaparamdam sa akin kahit na kelan, pakiusap lang. kalimutan mo na kami, umalis ka na sa buhay namin ng anak mo at ganun din ang gagawin ko, bye.
hindi masakit sa kalooban dahil alam ko na hindi ako seryoso sa sinasabi ko. at hindi siya makakatiis.
kinagabihan...
magtetext siya.
kumusta na ang anak ko?
hindi ako magrereply. mangingiti ako na parang baliw.
sa loob loob ko, buhay pa...
dadaan ang ilang araw. ako naman ang magtetext.
papa-check up ko ang anak mo.
bilis bilis siyang magrereply.
bakit, may sakit na naman ba?
hindi na ako magrereply, hindi na rin siya magtetext.
pero alam kong nag iisip sya... kilala ko sya para i-assume yun.
ramdam na ramdam ko sya. sa kaloob looban ko, sa dilim ng aking kwarto, sa halimuyak ng bawat hininga ng anak namin, sa mga toothbrush at tuwalyang nakasabit sa aking banyo, nandun sya, humihinga. hindi aalis.
alam ko yun at tama ako.
I think you should get some help.... kasi you're circling down the same path...
ReplyDeletei agree with glentot! sabi nga nang kanta.. "Learning to love yourself
ReplyDeleteIt is the greatest love of all"
ang pangit naman sabihin na kung saan ka masaya doon ka. pero noticeable naman na hnd ka masaya kundi sinsaktan mo lang sarili mo. Try to pray. =). it can really help.
=) Good Luck Sayo!
ouch ouch ouch!
ReplyDeleteif you feel like you can't make it..
ReplyDeleteconvince yourself you can...
encourage yourself that you can...
keep on cheering yourself you can....
nobody can help you but you yourself alone.. and then you'll realize..
you already made it through...
SMILE...
in time.. everything will be alright..
in time...
salamat k0tz, mahal kita!
ReplyDelete