Saturday, August 27, 2011

Siya

simula ng magbreak kami madalang pa sa patak ng ulan sa tag araw ang pagdating ng text nya. shempre nga naman break na kami, we should not be communicating with each other at all. eh siya kasi makulit... minsan ako. pero isa lang ang tiyak ko, hindi pa kami over sa isa't isa.

pano ako nakatiyak?

isang araw kinailangan ko siyang tawagan, shet isa pala sa pinakamahirap na gawin yun, ang tawagan sa phone ang ex mo. katakot takot na pagre-rehearse nga ang ginawa ko, kulang na lang isulat ko ang mga linyang sasabihin ko, baka mautal ako, masamid, baka isipin nya na deads pa rin ako sa kanya. sobrang leche.

pano kung hindi nya sagutin, mas sobrang booset!

anyways, kailangan ko kasi siyang makausap dahil kailangan na naming asikasuhin ang birth registration ni bebeboo. yes, sa sampung kaibigan ko, 9 at kalahati ang tumutol na ipagamit ko kay bebeboo ang apelyido ni talulot. naghuhumindig na "ano????!" "wag!!!!" ang kanilang chorus. patok.

why not?

selfish daw ako.

ginaganun na nga nya kayong mag ina, bibigyan mo pa siya ng credit?! kung kaya mong magpakababa, wag mo nang idamay ang anak mo.

cliche.

shempre ayoko nang magpakawindang sa myopic nilang punto.

mas lalo siguro akong magiging selfish kung ipagkakait ko kay bebeboo ang kanyang karapatan na magkaroon ng kumpletong pangalan: first, middle at last names ng dahil lang sa galit o inis o pride. imagine, pag apelyido ko ang gagamitin ni bebeboo wala siyang middle name, so hanggat hindi siya nale-legitimize, habang buhay niya ipapaliwanag sa tuwing magfi-fill out siya ng bio data o raffle ticket kung bakit wala siyang middle name. ikaw kaya ang magpa-toxic ng ganun, matutuwa ka?

pride lang naman yan... pride, pride, pride and a bit hatred.

anyways, wala namang problema. sila lang ang namumrublema.

okay naman kay talulot, i-aacknowledge daw niya si bebeboo.

ayun, mabalik ako... tinext ko pala muna sya, sabi ko, "tatawag ako, may sasabihin akong importante tungkol sa anak naten, sagutin mo."

pormal ang aming naging pag uusap. pinapauwi ko sya para maayos na ang birth certificate ni bebeboo sa lalong madaling panahon.

maraming kadramahan ang nangyari bago kami tuluyang nagkita.

saturday ang usapan naming magkita dahil kinakailangan na nyang bumalik ng bicol ng sunday afternoon at may klase na sya kinabukasan.

buti na lang pumayag mag-witness yung taga civil registrar at sa bahay na lang niya mag-personal appearance si talulot at doon mag-autograph.

maghapon at magdamag ng saturday akong naghintay pero ni anino ng pesteng si talulot hindi man lang lumitaw. tinry ko ring imiscall several times ang cp nya pero patay din. shet, tatakasan ata ako ni talulot ah, napuno na naman ang utak ko ng mga murderous thoughts.

dumating ang linggo, last chance na 'to. pag hindi pa siya sumipot, ipapadukot ko na talaga siya sa new people's army! joke, takot ko lang.

i-cut ko na yung ibang drama. paulit-ulit na lang kase.

alas 3 na ng hapon nung bumungad siya sa may pinto. pareho kaming parang binuhusan ng natunaw na yelo galing sa Arctic Sea. hindi namin malaman ang sasabihin namin sa isa't isa.

pinatuloy ko sya. si bebeboo agad ang hinanap nya. kinuha ko si bebeboo sa kwarto at ibinigay ko sa kanya. inuubo si bebeboo, iyak ng iyak. ilang sandali niyang pinagmasdan si bebeboo at pagkatapos nun ibinalik din nya agad sa akin.

kita ko lungkot sa mata nya. nginangatngat siya ng guilt.

"sensya ka na wala akong magawa."

"meron kang magagawa kung gugustuhin mo lang."

marami akong gustong sabihin sa kanya, isumbat baga. pero naisip ko hindi makakatulong yun para mabago ang disposisyon nya. hindi naman ako nagkulang, minsan sobra-sobra pa.

sabi nya, nalulunod na daw siya sa sumbat.

minsan kasalanan ko rin, alam ko.

pagkatapos nun, pumunta na kami dun sa bahay ng taga registar. umuulan nun, maliit ang payong namin, so hindi ko maiwasan na magdikit ang aming mga braso. may mga pinong kuryente na umaararo sa aking balat. namimiss ko sya.

kalandian pa rin ang inaaatupag ko.

sumakay kami ng tricyle, wala kaming masyadong imikan. tumingin ako sa overhead mirror, nakatingin pala sya sakin.

ako na ang bumasag ng silence. hindi ko napigilan.

"bat hindi ka dumating kahapon, maghapon akong naghintay, kahit 3210 nakakasend pa rin ng text." mabigat ang boses ko.

"eh maghapong nakabantay sakin si W (wifey)."

hindi na ako nag isip ng follow up questions. hindi kailagan ng follow up questions sa tulad ni talulot na allergic sa pagpapaliwanag, isa sa pinaka-hate nya yung gawin. bobo kasi yun gumawa ng kasinungalingan, laging sablay.

anyway, matapos ang dalisay na pagpapanggap sa harap ng witness na "in good terms" kami, buong tikas na pinirmahan na ni talulot ang apat na kopya ng birth registration form ni bebeboo. kita ko ang saya sa mukha niya.


umalis na kami, umuulan, nakapayong pa rin kami.

ang hindi ko agad napansin, nakakapit na pala ako ng mahigpit sa braso nya at nakaakbay na pala siya sa'kin, at nagkukwentuhan kami na parang walang nangyari,na parang kami na ulit na wala ng paliwanagan. basta ganun.

tapos bigla nya akong tinanong, pwede mo ba akong matulungan na i-verify kung "totoo" ang kasal namin ni W.

sa loob loob ko, ngeh, bakit ako? at tsaka gano ka kaseryoso, bakit kung mapatunayan ko bang japeks ang kasal nyo eh ako ang aakayin mo sa dambana? pero shempre sa isip ko lang yun.

"o sige."

natahimik siya. naglakad na kami papuntang sakayan. basang basa na kami pareho. may mumunting kamunduhan na naglaro sa aking isip, "saan kaya kami pupunta? magyaya kaya siya? hindi pwede sa bahay, hindi pa ako nagpapalit ng bed sheet, nakakahiya kay bebeboo, bagay may malapit na motel, isang sakay lang, haha."

isang matinding tugssh sa sarili nung huminto kami sa may sakayan ng jeep.

"sakay ka na, may pupuntahan pa ako." pormal nyang sabi.

"hah? hindi man lang ba tayo magja-jollibee"? paawa kong sabi.

inginuso nya yung jollibee sa di kalayuan.

"jollibee, ayan lang oh, eh kung may makakita sa'tin, andun lang yung sakayan papuntang T baka may makakita sa'tin na katrabaho ni W".

huminga na lang ako ng malalim.

"o sige, de umalis ka na, ano pang hinihintay mo? ako na lang mag-isa ang maghihintay ng jeep," ayoko syang tingnan, baka biglang mangilid ang luha ko. kakahiya.

Bigla akong tumawid ng kalsada, naguguluhan siyang hinabol ako.

Nakita ko ang Mercury, kelangan ko ng refuge. naisip ko rin na wala ng baby wipes si bebeboo.

Sumunod siya sa akin, hinila nya ako sa braso, buti na lang andun kami sa may tagong gilid ng drug store.

"Teka..." tiningnan nya ako sa mukha, tapos bumaba sa katawan ko. Pilyo siyang napangiti.

"Sexy ka na naman ha, baka humanap ka ng kapalit ko, lagot ka sakin."

Tapos bigla nya akong hinalikan sa labi ng mabilis.

Napatulala ako.

"Teka, tayo ba? Tayo na ba ulet?"

Wala na akong pakialam kay kuya na nagtitinda ng nilagang mani na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Oo naman, kailangan pa bang itanong yun? Uwi ka na agad, baka naiyak na si baby, babalik ako mamayang gabi sa bahay nyo bago ako bumiyahe." Sabay talikod ni
talulot at saka tumakbo sa ulanan. Gusto ko syang ihatid ng tanaw pero ang bilis nyang nawala...

May kung anong hindi ko maipaliwananag na nakasabit sa aking puso na kailangan ng paliwanag.

Para akong isang kahon na iniwang nakabuyangyang pagkatapos buksan para usisain ang laman.

Naisip ko, sadyang may mga bagay na dapat mong itanong at mabigyan ng kasagutan dahil kailangan mo ng mapanghahawakan. Pero ayaw nga niya ng paliwanagan... mas safe daw yun.

Yun Siya.

9 comments:

  1. Congrats at may birth Certn na si bebeboo mo. =).
    Ingat2 lang ha?

    ReplyDelete
  2. tsk tsk. adik! LOL. naaintindihan ko naman kung bakit ganyan ang nararamdaman mo. minsan kung sno yung poison sa buhay mo eh yun yung hinahanap-hanap mo. kaso minsan kasi parang si talulot eh paasa. tapos iiwan ka nyang hintay nang hintay. nagiging unfair sya sa inyong dalawa ni W, at lalo na dun sa anak nyo. ilang taon na nga ba sya? parang hindi pa kasi mature yung actions nya eh.

    ReplyDelete
  3. I super agree! natamaan dn ako sa comment ni Glentot. hahaha. Ang hirap nga talaga maging tanga, hehehe

    ReplyDelete
  4. may tanong nga pala ako. Arranged marriage ba si talulot mo at si W? may anak naba sila? Nagtaka kasi ako bakit nya pinapa verify kung totoo o hnd ang kasal nila.. ahihih.. Nakikiosyoso lang.

    ReplyDelete
  5. hi kOtz, hmmm... mahabang kwento eh. basta ang pagkakaalam ko buntis na nun si W tapos siya yung sobrang insistent na magpakasal sila. si W nag-arranged ng lahat lahat. ang siste, brgy captain "DAW" ang nagkasal sa kanila. shempre sa law natin hindi naman authorized magkasal yun di ba? parang ceremonial lang. so convinced si talulot na japeyks kasal nila. yup, may anak din sila. 3 years old. may isa pa siyang panganay, hay iba pang kwento yun. ang dami ko ng naka line up na susulatin :)

    ReplyDelete
  6. so ibig mo sabihin tatlo panganay nya? wow! bigtime! at asan naman ang mga anak nya?nasusustentohan ba nya mga anak nya? hay... ilang taon na nga pala sya?
    may point si Glentot sa sinabi nya. masyadong childish..

    ReplyDelete
  7. he just turned 25. panganay? madame...

    ReplyDelete
  8. is he a Virgo? hmmm...
    Wow.. Nagpapadami sya ng lahi..

    ReplyDelete