Tuesday, August 9, 2011

Wala na?

Nagdecide ako na iresurrect ang aking blog para sa isang matagal ng patay na relasyon.Oh nagulat kayo noh? Nakaya ko, well, wala namang ibang choice kasi iniwan ako. Punyemas!
Hindi mabilis sa kalooban ang ireminisce ang bawat himaymay ng minsang naging isang naglalagablab na pagmamahalan. Hindi ko ito ginagawa upang (1) pasakitan ang sarili, (2) kiligin ang tinggil, (3) maghimutok sa sinapit na kasawian, (4) humanap ng kakampi, o (5) dumami ang fans (charing!). Pwede bang sapat na rason yung wala lang, feel ko lang, hindi ko alam.

Basta ganun…

San ba ako tumigil? San ba ako mag uumpisa?

Wait, isang wagas na background muna para sa mga ngayon lang napadpad sa aking immoral na blog.


- nagmahal ako ng wagas at buong dalisay sa isang lalaking may asawa, itago na lang natin siya sa pangalang Talulot dahil sa korteng rose petal ang kanyang mga labi

- isang cp technician si Talulot na may pambihirang karisma sa lahat ng klase at uri ng nilalalang sa sansinukob. The LG Shine that started it all.

- Text, text, kulitan, meeting, mating

- Na nauwi sa PT result na dalawang guhit

- Na nagbunga ng isang cute na cute na bulinggit na napakasiba at napakakulit (two months old na pala ang aking si Mimeew, mahilig siya sa pusa)


Hiwalay na kami ngayon ni Talulot, tiyak marami sa aking mga readers ang papalakpak, dahil pinakaaabang abangan nila iyon.

Puro flashbacks ang gagawin kong kwento, pero magkagayun pa man maaaliw pa rin kayo, at maaaliw ako, at mamaya iiyak na ako, at dapat makiiyak din kayo. Okay lng na magdemand ako dahil hindi nyo naman ako kilala at hindi ako magkakaroon ng utang na loob sa inyo. Charing! Wala lang.

Isipin ko muna kung saan ako mag uumpisa, o random na lang siguro.

Bahala na ako, bahala na rin kayo.



No comments:

Post a Comment