kumukulingling ang tenga ko, humahakab ang dibdib ko at naninigas ang aking kalamnan sa tuwing maririnig ko ang salitang Bicol.
ang Bicol ay si Talulot at si Talulot ay ang Bicol.
nandun na sya... para ipagpatuloy ang kurso nyang Criminology... parang ang layo layo na tuloy ng Bicol, parang mas malayo pa sa Iceland, parang isa ng pangarap para sa akin ang makarating doon, para muli siyang makita.
Mahigit isang buwan na kaming break. Maraming beses na kaming nag-break before, pero since hindi naman kami geographically apart nagkakasundo rin kami agad the following day, usually laging siya ang sumusuko. Magtetext lang siya ng "i love you mahal" at burado na agad ang malagim na kahapon, back to makasalanang mundo at hinaharap na naman kami.
Pero this time, parang totoo na. Buong pait kong sinusuong ang katotohanan na "wala na kami" kasabay ng pagtakbo ng segundo, minuto at oras na nananatiling tahimik ang cellphone ko at wala ng tumatawag sa akin ng mahal.
Nginangatngat ako ng lungkot.
Napupuno ang aking isip ng mga hinala at pasakit sa sarili. Naisip ko "siguro sa oras na ito, may iba na siyang tinetext ng "mahal kumain ka na ba? i love you"; o baka kaya may iba ng nakayakap sa kanyang baywang habang nakaangkas sa kanyang motor; o baka natutulog silang magkatabi ng bago niyang babae pagkatapos ang isang mainit na pagniniig; o baka naman nasa loob sila ng isang bakanteng classroom habang pinagsasaluhan ang mainit at hindi mapatid patid na halikan; o baka magkasama silang tumutusok ng fishballs sa labas ng kanilang school at hihipan muna ni talulot ang umuusok na fishball bago isubo sa kasama niyang babae at ngingiti ang babae sa kanya ng ubod ng tamis sabay bulong ng "i lav u". putang ina.
pero bago ninyo ako pagalitan sa ginagawa kong senseless na pagpapakasakit sa sarili, maniniwala ba kayo na 3 sa abovementioned na mga hinala ko ay totoo.
YES.
may bago na... agad.
alam ko kasi ang password ni Talulot sa fb, at samahan pa ng mga makasalanang kamay at marupok na pagtitimpi. binuksan ko ang kanyang fb. nabasa ko sa fb ang chat nila. puno ng landian, puno ng "pagmamahalan".
excerpt ng kanilang convo:
EF: hoy lalake, luv u! hapi monthsary.
Talulot: i love you too so much. hapi monthsary too. san tayo bukas? sawa na ako sa P, sa iba naman tayo pumunta. san kita sunduin?
EF: san pa de dun sa pinagbabaan mo saken dati, sa may likod ng INC.
Talulot: cge mahal, eh kumain ka na ba? teka, palitan mo nga profile pic mo sa fb. kita na apdo mo jan ah. baka may umagaw pa sa gf ko!
EF: haha, ganun? anong gusto mong ipalit ko, yung pic ba nating dalawa?
Talulot: cge, bukas mas maganda kung magdadamit pangkasal ka, para tuloy na tayo sa simbahan. hehe
EF: ganun? huh!
5 seconds na walang reply.
Talulot: hoy babae ang tagal mo nmang magreply. sinu bang mga kachat ng gf ko?
EF: wala poh... hmmm... kakabadtriffffff!
Talulot: bakit naman mahal ko?
~~~this should end here~~~
hindi na kinaya ng katawang lupa ko na basahin pa ang the rest ng kanilang kalintikan.
(iba pa lang ang pakiramdam kapag ang mahal mo na pinakamamahal ay may iba ng tinatawag ng mahal at yung pagtawag niya ng mahal eh kaparehas na kaparehas kung pano ka nya tinatawag ng mahal nung nagmamahalan pa kayo ng buong wagas.)
nanikip ang aking dibdib at nag init ang dulo ng aking mga tenga at sulok ng aking mga mata. gusto kong sumigaw at magmura at manuntok, manampal, magmura ng magmura ng magmura.
tinext ko agad si Talulot.
"EF pala ha, i love you so much ba kamo, tang ina!"
himalang nagreply agad si Talulot. simula kasi nung nagbreak kami pag nagtext ako sa kanya after 45 years pa bago siya magreply.
"hindi ako ang kachat nyan, si Onel, tropa ko yan, puro ka talaga hinala"
"leche! nagpakatanga man ako dahil minahal kita, hindi ako tanga sa ibang aspeto. tang ina!"
"i love you so much ha, tang ina! as in tang ina!"
at walang katapusan ang pag putang ina ko sa text, pero walang "MO".
pero kung tutuusin wala na akong K na awayin sya dahil wala na nga kami. at ang nakakatawa don, nagpaaway siya.
ang p-a-t-h-e-t-i-c ko.
alam ko yun. at hindi ko kailangang i-explain ang sarili ko.
ipo-post ko dito ang kalintikang profile pic nila at wala nang hahadlang. silently nagwi-wish ako na kung saan man ito sa BICOL, sana biglang bumuka ang lupa at lamunin silang dalawa at mabuhay sa ilalim ng lupa ang mga dinosaurs at gawin silang Bicol Express!
oh di ba ipinilit na ma-justify ang title ng blog entry.
abangan ninyo ang aking next na entry exclusively about EA, masaya yun, pramis!
Hmm ang masasabi ko lang matapos itong mabasa, (kasi hindi koa naman alam ang buong detalye ng paghihiwalay ninyo), na sana inisip nyang meron syang anak sa iyo. Kung ayaw nyang mahiya sa iyo, sana mahiya sya sa anak nya. Minsan ganun ang sukatan ko sa kalidad ng isang tao. Kung kayang-kaya mong i-neglect ang anak mo, hindi ka quality human being... Sorry hindi ko alam ang buong kwento kaya mahirap magreact hehehe. Welcome back.
ReplyDeletende ako natutuwa sa sitwasyon mo pero natutuwa ako sa pagkukwento mo. ang lutong magmura. putang ina talaga. =)
ReplyDeleteisang blog na naman ang aking inaabangan at tinatambayan.. =). Ingat po kayo lagi! kaya nyo nyan! ^_^
ReplyDeleteyaan nyo na ang wlang kwenta na yun.. He doesn't deserve you. Kakarmahin din yan. More Power sayo at sa baby mo! ^_^ God Bless!