Thursday, December 9, 2010

Jen- Part 2

TANG INA MO JEN, GUSTO PA RIN KITANG BALATAN NG BUHAY!

Kaya?

nakipagcool-off ako kay talulot kanina. alam kong hindi cool ang cool off, pang high school drama, hindi pang grown ups.

pero mas mabuti na yun kesa sa wala.

nakipagcool-off ako dahil sa maraming maraming bagay. bukas ko na lang ie-enumerate ang mga reasons mga guys. mag-pa-five na kasi...

Wednesday, December 1, 2010

Ewan

tutula muna nga ako, tagal ko na ring hindi ginagawa 'to.

ang title... hmmm. hindi na masyadong iniisip:

Gusto

gusto kitang hawakan
pero saan kita hahanapin
sa balong malalim
pero madilim, ewan...

gusto kitang hagkan
pero kailan pa kita makikita
natunaw na ang kamay ng orasan
at malapit ng mag-umaga, ewan...

gusto kitang maramdaman
yung tagos sa kaibuturan
pero pag niyayakap kita
malamig ka pa sa kaning bahaw, ewan...

gusto kitang maangkin
sabi mo kasi peke naman pati singsing
gusto nga kita ulit tanungin
pero tinulugan mo na ako, ewan...

gusto na kitang kalimutan
itapon sa basurahan
gusto kong makitang bangawin ka
pero paulit-ulit naman kitang dinadampot
pano nga ba ako makakalimot, ewan..
.


mahal ko talaga sya guys!!!

Monday, November 29, 2010

Jen - Part 1

sinabi ko sa kanya "ayokong makipagkumpitensya at higit sa lahat ayokong nakikipagsiksikan. kasyang kasya lang kaming dalawa, kaya wag na siyang magdagdag ng isa pa, at isa pa, at isa pa... dahil pag ganun, ako na lang ang aalis".

ganun katinik sa mga babae si talulot. hindi ko alam kung anong klaseng bertud mayroon ang taong yun pero bata, matanda, bakla, kolehiyala, highschool, matrona, professional, pokpokita, mukhang balde, may ngipin o wala, ika nga, eh naaakit sa kanya.

hindi ito pagyayabang, pero ganyan klaseng karisma mayroon si talulot ko.

dalawang linggong straight na kaming away pusa at dalawang linggo na rin akong gustong mambalat ng buhay ng dahil sa isang babae.

na-dislodged tuloy nya sa No. 1 si Best sa listahan ko ng mga kinamumuhian at gustong burahin sa Planet Earth.

itago na lang natin ang new girl on the block sa pangalang Jen (putang ina, eto talaga ang nick ng malanding bubaitang iyon).

dahil nga sa alam ko ang password niya sa yahoo, hindi ko malabanan ang temptation na hindi icheck from time to time ang inbox nya sa mga fb notifications kung may mga narereceived syang mga private messages sa mga nilalandi niya at gusto siyang landiin.

eto nga. tatlong messages galing kay Jen ang nagpasingkit sa aking mga mata.

una: "d rin pla makakatiis na di magtxt. :P ingat lagi, olways smyle!"

pangalawa: "hi, olways smyle po ha, ingat ka!"

pangatlo: "sige na nman, accept mo na ako [sa fb], para d2 na lng tayo frends".

hindi muna ako nag-react, kasi mukhang harmless naman at hindi pa nagko-cross sa line.

so copy-paste ko lahat ng messages na 'to at itinago ko ang print out at hihintayin ang tamang time ng pagde-declare ng war!

pag may napapansin kasi akong mga katulad nito, hindi ko sya agad kinukumpronta about it. ipon-ipon muna ako ng mga ebidensya, gusto ko marami, concrete, para pag enough na, isang biglang buhos sa makapal niyang mukha. One time, big time ika nga.

So yung mga nakaraang gabi na sa bahay siya natutulog, bukod sa pangre-reyp sa kanya eh may iba pa akong krimen na isinasagawa. alam kong sobrang violation na 'to ng kanyang privacy, pero tawag lang talaga ng pangangailangan.

hinihintay ko syang makatulog ng mahimbing na mahimbing. wala kasing masyadong indikasyon na mahimbing na ang tulog nya kasi hindi siya marunong maghilik, minsan lang kapag napagod after sex. so, ang ginagawa ko, pinipitik ko lightly ang dulo ng ilong nya, pag deadma siya, yun na ang time para isagawa ang aking maitim na misyon.

mangangapa ako sa dilim at kakapain ko sa sabitan ang kayang hinubad na pantalon at nenenokin ko ang kanyang cellphone, dadalhin ko sa banyo si cellphone at doon ko babasahin lahat ng mga messages both sa inbox at sa sent items. usually, mga text messages galing kay Wifey at mga replies nya kay Wifey ang nandun. hindi ako masyadong interesado dun. iba ang gusto kong makita. Tapos, one night, binggo, isang new message (unopened) ang galing kay Jen.

eto ang sabi "hindi ko makalimutan ang iyong ngiti na nagpatingkad sa araw ko. masayang, masaya ako grabe, ingat lagi".

delete ko agad pagkabasa.

nag-add up, tugma.

flashback. sometime in September, nag-away kami dahil sa hindi nya pagtext sakin ng halos kalahating araw. so bilang ganti, hindi ako nagtext the whole day. kinagabihan nag appear siya sa bahay at nagtatanong kung anong nangyari sakin at hindi ako nagtext. sabi ko lng, pano ako magte-text, eh malay ko ba kung buhay pa sya at sya itong hindi nagtetext.

sabi nya, nagtext kaya ako!

nagtext naman siya sa totoo lang, pero isa lang at tipid na tipid pa.

sabi ko, talaga? wala akong nare-receive!

sabi nya ulet, nagtext ako mamatay man ako, 3 beses!

sinungaling at cheap ang puta, ng dahil lang sa text, isasangkalan ang buhay. pareho na lang kami, pero mas sinungaling sya.

sabi ko, talaga lang ha! patingin nga ng sent items mo?

nagdudumali nga siyang ipakita sakin ang cp nya.

checked ko si inbox.

sabi ko, kitam, eh wala ka naman talagang text sakin.

napakamot sya.

sabi nya, eh, oo nga, dinelete ko nga pala, baka makita ni W.

ngayon ko lang narecall na halos ang laman ng sent items nya ay puro para kay Jen.

na-recall ko din na sinita ko sya mindlessly tungkol dun.

sabi ko, kita mo na, nakakatext ka sa Jen na 'to tapos sakin hindi?!

sabi nya, eh mahal, kliente ko 'yan! ano ka ba naman?

shet....

connect ko na ang mga dots.

i therefore conclude na:

1. yung tatlong pms sa fb nya
2. yung text message na cp nya
3. at mga sent messages sa inbox nya eh

galing at para lahat kay JEN at matagal na silang magka-text!

supporting evidence:

1. twice syang ina-add ni Jen sa fb pero hindi niya ina-accept.
2. nung tanungin ko sya kung may kilala siyang JenXXXXXX XXXXXXXX sabi nya wala daw siyang kilalang ganun.
3. para makasiguro na iisang Jen lang ang salarin, tinext ko yung Jen using other sim card at nakumpirma ko na iisang halimaw este katauhan lang pala yun.

chineck ko sa fb ang profile ni JenXXXXXX XXXXXXXX. at napag-alaman ko na pharmacy assistant siya sa XXXXXXXX Pharmacy na katapat na katapat lang ng shop ni Talulot.

21 years old, single, looking for a relationship, at maganda... well mejo, mas maganda pa rin ako. (bahala kayo kung gusto nyong seryosohin yung last. pwede naman...)

hindi pa ito ang nakakaiyak na part.

bukas na ulit mga friends....

Sunday, November 21, 2010

Kamuntik

make or break ang naging motto ko nung nakaraang linggo. panggabi si wifey, the rule is sa akin si talulot matutulog. na ipinangako naman nya days before that. pero knowing talulot, sa 100 pangako nya, swerte na kung isa dun eh matupad. so ang internal agreement ko at ng aking sarili, i.e. the sane part of me (para na kong si gollum nito), pag monday pa lang hindi siya natulog sa bahay, Done na ang title ng next blog entry ko.

pero bago kasi yun, maraming beses nya akong ginawan ng kawalanghiyaan. nandun na nagpramis syang susunduin ako sa crossing mendez dahil galing akong batangas. inabot na ako ng dilim at ulan at naubos na ang mga bus (hindi ko alam na nag reroute pala dahil may okasyon) sa kalye eh ni multo man lang nya hindi nagpakita. although may late text naman sya na hindi na siya makakarating kasi kasama nya si W. but i learned a totally different story. hindi ko na lng idedetalye dito at baka duguin ako. basta pakshet talaga sha.

tapos yun nga, last week, monday-thursday and saturday siya natulog sa bahay. nag-away kasi kami nung friday dahil sa ibang babae na naman. kapal din ng apog ng hudas, babae na nga nya ako, nambababae pa sha ng iba. may kamanyakan din talagang angkin. pero kahit ata gilitan ko sha, talagang hindi aamin.

pag magkasama kaming natutulog, hindi ako makatulog. ginagawa nya akong dantayan. yun na lng ata ang silbi ko sa kanya. at gusto nya parang naka-mighty bond ang katawan ko sa kanya. kung adik ako sa kiss, adik naman siya sa yakapan. feeling nya dun siya makaka-compensate sa lahat ng atraso nya sakin. eh hindi lang ako makareklamo na hindi na ako makahinga at naninigas na ang mga muscles ko sa pagkakapulupot nya. pero nonetheless, dahil sa mahal na mahal ko ang hindot, napipilitan narin akong i-enjoy ang aming yakapan moments.

pag sa bahay siya natutulog, nagpapa-alarm siya sakin ng 5:00 am kasi before 6 ang dating sa bahay nila ni W. So dapat may ample time siya para mag-stage ng gimik na sa bahay nila siya nagpalipas ng gabi.

nung wednesday morning pagkatapos niyang lumipad paalis ng bahay kasi 5:30 pala na-iset ko sa alarm, nakarecieved agad ako ng text sa kanya na nawawala ang susi nya at hindi siya makapasok sa bahay. hanap naman ako sa ilalim ng kama, sa sahig, sa ilalim ng unan, pati suot kong panty unconsciously na binuklat ko sa taranta. putek, wala talaga. mas kinabahan ata ako kesa sa kanya. pag nahuli si talulot ni W sa labas ng bahay nila, patay patay na. buti na lang ang talulot at may history ata ng pagiging member ng Akyat Bahay Gang eh, naisipan baklasin ang bintana ng apartment nila para maabot ang door knob at mai-unlock sa loob. hay, kahit lipos man ng kasamaan at kawalanghiyaan ang aming ginagawa, pinagkalooban parin kami ng munting luck. thank you lord! nakapasok si talulot at naibalik ang binaklas na bintana bago dumating ng bahay si W. maswerte pa rin kami kahit papaano.

kahapon, Sunday, isa pang kamuntik ang nangyari. dahil sa Monday to Friday lang pala nakaset ang alarm ko, hindi namin namalayan na umagang umaga na pala. kung hindi pa nagsecond round yung bungangerang tindera ng pandesal hindi ko mamamalayan na mag-aalas siyeta na pala. pag tingin ko time sa cp ko, 6:51. halos maihulog ko sa kama si talulot sa pagkagulat. pati siya napatalon sa taranta. gusto kong matawa na maawa habang pinapanood ko sha habang nagdudumaling isinisuot ang pantalon. pero shempre papabayaan ko ba naman siyang magmukhang katawa-tawa. So ako na ang nagsuot sa kanya ng shirt nya at sinuklayan ko pa. pero nakuha pa rin namin na magyakapan ng 15 seconds bago sya tuluyang tumakbong pauwi.

buti na lang at 7:30 na daw dumating from work si W. at naisagawa pa ni talulot ang usual na gimik nya.

pero lam nyo guys, nakakapagod na.

marami pa akong kwento na mga kamuntiks. basta abangan nyo na lang at para sa mga gustong magmura, pigilin nyo na muna at nakakaiyak ang next entry ko.

Tuesday, November 9, 2010

Naglalaho

kung gaano ako katagal na walang entry, ganoon ding katagal akong hindi inuwian ni talulot. humahaba na ang listahan ng kanyang mga dahilan. laging no. 1 dun eh yung "mahal, ndi ako makatakas, laging nakabantay sakin si W (wifey)". "Mahal, hindi ako makapunta, txt ng txt sakin si W, nagpapasundo. nakakainis". hanggang sa pinakapathetic at pinakamababaw na "mahal, sensya na, antok na ako, pahinga ka na lng din, love you. mwuah".

pakshet no?! minsan hintay ako hanggang 11:30 para lang makareceive ng mga ganung klaseng text. pero dahil malakas ang fighting spirit ko, hintay pa rin ako till 1:00 to 1:30 AM hoping na makareceive ng follow up text na "mahal, biglang nagpanggabi si W, jan ako 2log", pero shempre magkakapakpak muna ang mga butiki bago ako makatanggap ng ganung klaseng text. in short, nauuwi ako na gising magdamag at nagngingitngit sa kaibuturan ng aking kaluluwa. hindi pala kayang i-influence ng fighting spirit ko ang conviction ni talulot.

expected na ang mangyayari kinabukasan, "this means war!". pero cold or silent war yun. hindi ako magte-text at magpaparamdam buong maghapon. naturalmente, magkukunwari siyang concerned at hahanapin ako "mahal, bat di ka txt?" "sn ka ba mahal, magtxt ka nga". hindi pa rin ako magtetext, maghihintay ako hanggang sa tawagan nya ko. pero as soon as lumapat sa aking tainga ang lamig ng kanyang boses habang sinasabi ang katagang "mahal". natutunaw instantly lahat ng hinanakit ko. pero shempre, hindi ko yun papahalata, maggagalit-galitan ako, isusumbat sa kanya na napuyat na naman ako kakahintay, at hindi pwedeng hindi siya magkaka-apir sa bahay kinagabihan para pag-usapan ang nangyari. shempre, katakut takot na sorry na naman sha at "cge, cge, punta talaga ako mamaya, gagawa ako ng paraan para makatakas". AND THE UGLY CYCLE GOES ON AND ON.

wala talaga akong sawa. sabi ng tita ko, masokista daw ako.

pero sa totoo lang, NAGSASAWA na ako. napapagod na ako. at higit sa lahat naaawa na ako sa sarili ko at sa baby namin.

how do you unlove a person?

hanggang hindi ko nahahanapan ng kasagutan 'yan at hindi ko na-aactualize sa sarili ko ang kasagutan dyan, the cycle won't break and it'll be uglier the next time around.

kagabi pala, ganado siya magtext. i took the very rare opportunity para magpahaging.

me: mahal, uwi na ko in 10 minutes, nasa baba na service ko. mag-iingat ka pag uwi. magtxt ka ha. i repeat, magtext ka.

after 1 and a half hours at nasa byahe pa rin ako pauwi.

me (pa rin): mahal, malapit na ako sa T. magtext ka nman.

after 1 hour nasa bahay na ako.

talulot: mahal, dami nyo na pala saking text ni W (wifey). sobrang busy sa work, nakalimutan kong may cp pala ako. kumain ka na ba mahal ko?

hintay ako ng 30 minutes bago magreply.

me: ahh. bahay na ako mahal, yup, tapos na. sumasakit na nman tiyan ko.

talulot: bakit mahal? baka masyado kang napagod sa ofis.

me: mejo, tagtag sa byahe. wawa nman baby natin. mag-ilove you ka para mawala bilis!

talulot: i love you mahal, mwuah. okay na ba yan?

peste! manhid, ibig kong sabihin, pumunta ka sa bahay at dito mo ko sabihan ng i love you!

pero low IQ talaga si talulot pagdating sa pagiging sensitive sa mga needs ko.

me: mahal, pano kung isang araw bigla na lng akong mawala, anong magiging reaksyon mo.

talulot: bat ka naman mawawala?

pakshet ulet, bakit ba ako nagka-bf na low IQ?

me: lam mo, ang tao daw kasi pag napagod na kakahintay, minsan naglalaho na lang siya na parang bula.

no reply si talulot hanggang the following morning. sana tinamaan sya. kung hindi man ng text ko, kahit kidlat na lng...

Wednesday, October 20, 2010

Best

kinasusuklaman ko si best. siya yung girl na bestfriend ni talulot na sabi ni talulot besfriend nya since highschool na sabi naman ng kuya ni Talulot ex ni Talulot nung college. kung sino man sa kanila ang nagsasabi ng totoo, hindi na importante, basta hate ko si best and i hate talulot even more whenever he's with best.

irrational na kasuklaman ko sya, wala naman siyang direktang ginagawa sakin na masama. si talulot ang nagiging masama sa akin pag kasama niya si best. pag si best ang kasama nya, nagpapatay siya ng phone, nabubura siyang bigla sa pisngi ng planeta at maging ang latest version ng GIS technology ay hindi siya/sila kayang i-locate. basta para kay best, drop everything ang motto ni talulot. at yun ang walang kapantay kong himutok.

maraming beses na akong winalanghiya ni talulot ng dahil kay best. dati, naka-sked na akong magpasama sa kanya sa clinic pero nahuli ko sa landian nila sa fb na may napipinto silang pagkikita. pero hindi ko pinahalata kay talulot na may napick-up ako from their nakakagigil na exchanges ng posts sa fb. silent lang ako. sinamahan nman niya ako sa clinic, pero uneasy ako. lagi ko syang binabato ng matatalim na sulyap. tapos sabi ni talulot 'mahal, punta ako mamayang hapon sa manila, may bibilhin ako'. hindi ako umimik, umagwat ako sa pagkakaupo. napailing si talulot. sungkit na sungkit ko ang puta. 'mahal.... hindi ako makikipagkita kay best okay'.
hindi ako umimik. wow, si talulot can read minds. baka kaya na rin nyang magteleport!
tanong ko bat nman sa hapon pa, sarado na mga tindahan, wag mo nga akong gawing tanga.

naggalit galitan si talulot. 'e di kung gusto mo sumama ka'. semplang ako. 'sasama talaga ako.' badtrip sya. tang-ina. gusto kong ihambalos sa mukha nya yung sofang inuupuan namin sa clinic. alas-4 ng hapon daw kmi aalis. parang ayokong magkahiwalay kami ng hindi ko sinasabi sa kanya lahat ng hinanakit ko. sinabi ko lahat lahat ng nasa isip ko. lalo siyang nabadtrip. second motto niya 'awayin mo na lahat wag lang si best'. putang-ina ka talaga best! to cut it short, nagkasamaan kami ng loob.

isinakay niya ako ng jeep ng walang imik.

pagsakay ko sa jeep, may dumating na text galing kay talulot "wag na tayong umalis mamayang 4, wala na akong gana".

tangna mu.

ways ways ka.

nagbait-baitan ako.

'mahal naman, maliit na tampuhan lang papaapekto ka. basta tuloy tayo punta ng manila mamayang 4 ha, libre kita sa pamasahe. hehe'

10:30 ng umaga yun.

dumating ang 3:30 pm wala siyang text, 4:00 pm tahimik pa rin. tapos tinext ko sya, ano mahal, aalis pa ba tayo? deadma sya. inis na inis ako. inis sa sukdulang inis. parang gusto kong ibato lahat ng mahawakan ko.

tumakbo ang oras, every 15 minutes ko syang tinetext, kinukumusta ko kung anong gawa nya, kung nagsnack na sya, kung inaantok ba sya. pero deadma ang hinayupak. i gave up.

10:00 pm. sabi ko, last text ko na 'to. pag di ka reply. bukas, break na tayo. pero sa isip ko lng yun.

'mahal, paramdam ka naman, sorry na kanina. wag na tayong mainis ok?' (ang pathetic ko, shet i hate myself!)

wala pa ring text.

10:35, at last nagvi-vibrate ang phone. galing sa kanya. nanginginig kong binasa.

text nya 'mahal, d2 si best.'

para akong binuhusan ng natunaw na yelo galing sa Arctic Sea.

gustong manginig sa galit ang buo kong katawan. 'kaya pala, kaya pala ayaw magreply, kasama ang best na puta, malandi talaga, porket hindi sila nabigyan ng chance na mag-meet sa manila, dumayo ng cavite para lang mairaos ang pakikita. talagang isa't kalahating malandi rin eh ang pokpokita...'

pero magkaganun paman, nakuha ko pa ring makipagplastikan sa text.

'talaga mahal, daan kayo sa bahay, pakilala mo sha sakin...'

sumagot 'cge mahal'.

nanahimik ako habang kimkim ang galit sa puso ko. hindi ako nagtext, ayokong isipin ni talulot na ginagambala ko thru text ang kanilang bonding moments ni best.

maaga akong nahiga pero as expected, hindi dumating ang antok.

hindi ko alam kung anong klaseng diversion ang pwede kong gawin para hindi sila maisip... naisip ko pa ngang magpakulot. pero wala atang beauty salon na bukas 24 hours. nagbilang na lng ako ng tik-tak tik-tak.

1:35 am, nagtext si talulot 'mahal, nag-inuman kami ni best d2 sa bahay (insert: night shift si wifey kaya nagawa nyang sa bahay nila iuwi si best). wag kng mag-alala mahal, sa sofa ako matutulog, siya sa kwarto. at saka best ko 'to, yan ang pakatandaan mo.'

hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, i want to see heads rolling. tumawid ako sa kabilang kwarto, naghihilik na tita ko. sa kanya ako naginiyak ng nag-iniyak. simple lang at effortless ang sagot ng tita kong keber 'itulog mo na lang yan, wag kang masokista, nagpapakamatay ka sa hinagpis samantalang sila nagsasaya. wag kang gaga ha.'

forever na tama ang tita ko...

pinilit kong makatulog, and i dreamed a very ugly dream. hay bumababa na talaga emotional intelligence ko. hindi dapat 'to. kailangang higpitan ang mga lumuluwag na turnilyo, i-re-align windang na mga nerve endings. bat nga ba ako papaapekto sa kanila.

kinabukasan... bumangon ako na parang walang akong gustong patayin the previous day. dumaan ang maghapon na walang text galing kay talulot. sabi ko katapusan na namin to...

Tuesday, October 19, 2010

Intay... intay

sa lahat ng lalaking minahal ko kay Talulot ako pinaka - nahirapan, kinilig, nalibugan, at nasaktan.

sagad nga kasi...

tulad kahapon, bihis na ako, nakamake-up na, naka-sapatos at jacket na, nakalahat lahat na, nasa gate na ako ng bahay ng bigla akong tamaring pumasok. walang sabi-sabi na pumasok akong muli sa loob ng bahay, naghubad ng sapatos, pumasok sa kwarto, nagtanggal ng jacket, nagtanggal ng make-up, nagtanggal ng lahat lahat. binalot ang sarili sa blanket at sumuksok sa pinakasulok ng kama.

doon ako nag-iyak ng nag-iyak.

kasi bago yun, bago yung lahat lahat na yun, tnext ko si Talulot. sabi ko, 'dumaan ka naman sa akin bago ka pumasok sa work, giniginaw ako, yakapin mo kami ng baby natin...' sabay haplos sa aking tiyan... pero walang text na dumating. hintay pa ko ng onti. nagmiscol ako. tatlong beses. alam kong nasa bahay si Wifey, at nakatago na naman sa ilalim ng shoe rack ang fone ni Talulot. naghintay pa ulit ako. nawalan na ako ng pag-asa. makapasok na nga lang.

pero wala na pala akong ganang pumasok...

maghapon halos akong naghintay ng text galing sa kanya. daig ko pa ang naghihintay na may gumuhit na bulalakaw sa maulan na langit, pero umasa pa rin ako na may darating. nagtanghalian, nag-miryenda, ng-fb at nag-ym ng one to sawa, alas-kwartro, alas-singko, ala-sais, hapunan na, wala pa ring text. nagpasa-load pa ako sa kanya ng 5. (sorry, tao lang).

gusto ko nang mapraning, parang namamaga na ang puso ko sa lungkot. nasan ka mahal ko???!

sabi ng tita ko na hilung hilo na kakapanood sa akin, 'hayaan mo kasi sya, kung magtext sya salamat, kung hindi, sorry na lang. kaw lang nagpapahirap sa sarili mo'.

eh sa anung gagawin ko, hindi ko talaga kaya na hindi siya isipin, na hindi siya hanapin.

'adik ka na nga,' sabi ng tita ko.

pagkatapos kumain, nagpatayo-tayo ako sa may kumedor na mga ilang metro ang layo sa aking kwarto, bigla naramdaman kong nagvibrate ang aking phone, tumulay, umagos, gumapang ang kinig sa mga dingding, sa hangin, tungo sa aking pandinig. nanindig ang aking mga balahibo, alam kong siya ang nagtext. hindi ako nagkamali.

'mahal ko, i love you...' sabi ng text nya.

yun lang? eksplinasyon ang kailangan ko!

nasan ka? nasan ka maghapon?! bat hindi ka nagparamdam? kasama mo ba si best (yung bestfriend nyang girl na nahuli silang naghahalikan one time na pareho silang nalasing)? tang-inang best ka.

lalo akong napraning...

'san ka mahal ko, bat now ka lng txt'?

bilis ng reply nya.

'd2 sa cr... di ko mailabas fone ko, di pumasok si W. (Wifey)'. palagay ako pag nasa bahay sya, pag kasama niya si Wifey.

nakahinga ako ng maluwag...solb na ko...nasa bahay lang siya, wala siyang ibang pinuntahan, hindi niya kasama si best... napangiti ako.

nag-shower na ako, nagpatugtog pa ako ng Jack Johnson habang naliligo.

magaan na magaan na ang pakiramdam ko.

bigla kong narinig tawag ng pinsan ko.

'ate, nandito si kuya R!'

napatakbo ako sa may pinto. naaninag ko sya sa labas ng screen door na matamis na matamis na nakangiti.

napatalon ako ng yakap sa kanya. napaiyak ako...

inakay ko saya sa kwarto ko...

nahiga kami sa kama, nagtitigan, naghaplusan ng buhok, ng pisngi, ng labi, ng ilong... walang salitaan. hinalikan niya ako ng maraming maraming beses na 'i love you' ang pagitan. niyakap ko sya, madiin na madiin... matagal kaming ganun, mga 25 minutes.

bumangon siyang bigla... 'mahal, alis na ko ha, nautusan lng akong bumili ng tinapay, babaunin nya bukas sa work'.

niyakap ko siya ulit ng mahigpit na mahigpit. the best yun!

Wednesday, October 13, 2010

Glentot

masamang masama ang gising ko kaninang umaga. paputol-putol ksi ang tulog ko, check ksi ako ng check sa cp ko kung may text na galing kay Talutot. putang-inang hindot na hayop na 'yun, nakatiis na naman. sa ngayon, malapit ng mag-24 hours na wala akong balita sa hindut na sponsor ng cute na bulinggit sa aking sinapupunan. hindi ko alam kung ano na namang klaseng kalintikan ang tumama sa hinayupak na lalaki na yun at nakalimot na namang mag-text.

alam na alam naman nya na dun ako galit na galit. puta, sa text na nga lang siya babawi, hindi pa nya magawa tang-ina siya. dati nakakagawa siya ng paraan para makapagtext sakin lalo na pag nasa bahay si Wifey. dati nga nagawa pa nyang makitext sa kasakay niya sa jeep nung naubusan siya ng load ksi kailangan namin magkita dun sa far-far-away Mall, nalintikan na ksi kami dati nung dun kami nagdate sa not-so-far-away Mall, may nakakita sa amin na katrabaho ni Wifey at mega sumbong ang hitad. buti na lang likas na dakila at inhinyero sa paggawa ng kasinungalingan si Talulot at nakalusot.

so mabalik ako sa almost 24 hours na no text from Talulot na kwento ko, magkaka-migraine na ata ako sa sobrang inis. ayoko din naman siyang itext para naman maramdaman nya ang agony ng maghintay sa wala. hindi ko lng alam kung may pakiramdam pa siya hudas sya, malay ko ba kung na-salvaged siya at nilalanggam na sa mga damuhan sa may Daang Hari. leche. wala akong pakialam, ang importante magtext sya at balitaan man lang nya ako kung humihinga pa sya.

hay, ang dami ko ng nilitanya... pero bago ko makalimutan, para nga pala kay Totsky (Glentot) itong entry na 'to, na nagbigay ng genuine na haplos ng kasiyahan sa puso ko kanina at nakatulong para mapigilan sa pagreach ng aking dugo sa boiling point. salamat Totsky sa pag-endorso ng aking blog sa iyong mga bright and beautiful na mga followers. kumbinsido ako na lahat sila ay open-minded at walang mangbabalahura sa akin dahil kung hindi sila bright matagal ka na rin nilang binalahura. :P Salamat talaga, you rock dude! minsan tuloy naiisip ko na kapag wala akong nakuhang kapalit ni Talulot na maaaring maghatid sa akin sa dambana, ikaw na lng ang kakaladkarin ko. shempre isang malaking joke 'to... hehehe. alam kong mabuti kang tao :)




para sa iyo 'to Glentot nang lalo kang mamukadkad! (originally laurel wreath yan, pero nakornihan ako, eh gusto kong mas maging korni, kaya roses na lng... mwehehe)

sa lahat po ng nagbisita sa aking blog, maraming maraming tengks... yaan nyo pipilitin ko kayong aliwin ng aking mga kwentong kalintikan, kalandian, pagsusumakit, pagdadalamhati, pagtitiis, at sabi ng mga kaibigan ko, pagpapakagaga sa aking quest bilang isang mabuting kerida. pakibaba po ng mga kilay :)

Monday, October 11, 2010

Positive

maari nyo sigurong sabihin na lalong nadagdagan ang aming kasalanan dahil dito:




bukod sa aming dalawa ni Talulot, hindi ko alam kung ilan sa mga kaibigan ko ang genuinely na masaya for me... alam ko yung 'im happy for you' na tipid na tipid na text reply eh euphemism lng sa "isa ka talagang malanding kaibigan, ilang beses ka na naming pinaalalahanan pero you were overpowered by landi beyond words, leche, hindi kami magnininang para sa bastardo/bastarda mong anak"... joke, overreacting lng ako. pero tingin ko, ayaw man nilang ibuka ang kanilang bibig pero ito ang tumatakbo sa kanilang isipan. wish ko lng sana magbago pa sa darating na panahon.

basta ako, masaya, isa itong blessing na hindi ko ipagpapalit kahit sampung Talulot pa ang umalis at dumating sa buhay ko.

Mommy na si Mrytea!

Wednesday, September 22, 2010

Sagad 1

pwede ko na atang i-claim na sagad na talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

sagad sa buto, sa kaluluwa, sa atay at balunbalunan, sa lahat lahat sa akin.

sabi ng mga taong malapit sa akin na alam ang pinasok kong sitwasyon, dapat daw hindi sagad magmahal, hindi 100%, magtira ka man lang daw ng .027807352329% para sa sarili mo... para daw pag dumating ang oras na BIG SHIT and all other things fail, at kailangan nyong maghiwalay, hindi ka lantang nilalang na sa Mental pupulutin.

sabi ko naman, anong magagawa ko kung talagang doon papunta. ganun ata ang pag-ibig, hindi siya parang kendi na kapag nangalahati na sa iyong bibig ay iluluwa mo at ibabalik sa balot nito dahil nagi-guilty kang ubusin. kung kagagahan tong ginagawa ko, mas kagagahan yun. ano nga ba ang pwede mo pang gawin pag talagang doon napunta sa 100% NA PAGMAMAHAL, NA WALANG PAG-IIMBOT AT BUONG KATAPATAN.

on a side note, pang-gabi si wifey sa trabaho nung dalawang nakaraang linggo. yung first week, twice siyang natulog sa akin, the rest of the week nag-away bata kami. putcha, kala ko katapusan na namin at katapusan ko na! jusko, ang hirap pala ng ganitong laging natatakot, kakaba-kaba na baka eto na yung LAST na magkayakap kami at parehong nangangarap na isang araw magiging MALAYA na kami. dream on girl! ang sarap sarap langhapin ng kanyang hininga. shet, parang bagong bukas na lemon square CUPCAKE. adik. adik.

tapos nun at ng sandamukal na kadramahan at paglalakad na mistulang baliw mag-isa sa SM, nagkabati kami, courtesy naman naming dalawa yun. pero mas lamang ng konti ang effort ko. ganoon ata talaga ang No. 2, kailangan lagi i-level-up ang effort at pasensya. patience, patience, and a stone heart.

nung magkabati kami, isang linggong straight siyang natulog sa akin, isang linggo rin akong puyat na puyat. hindi ko ata mabilang ang tinamo kong bukol ko sa pagkaka-untog sa bintana ng van o sa ulo ng katabi ko tuwing umaga papasok sa ofis.

AT SAKA, nabinyagan din sa wakas ang bago naming kama. lam nyo ba, bumili ksi ako ng new bed, kasi medyo malapit ng sumuko yung padded na folding bed ko, hindi na ata nya kaya ang dusa na mag-accommodate ng dalawang full grown adults na na hindi lang pagtulog ang ginagawa. lam nyo na. tapos ayun, medyo nakakaiyak 'to, basta ako naiyak, ewan ko lang kayo. ilang araw din kaming nagtitigan sa dilim nung bagong bili kong kama. after kasing ma-deliver, andun lang siya sa sulok ng kwarto ko na mistulang nagmamakaawa na may mamansin sa kanya at i-assemble siya. bago kami mag-away, i told him that i bought "us" a new bed. tapos nangako siya na siya ang mag-assemble, lintek, yun na nga lang contribution nya no. shempre nag-expect ako. but it turned out na isang linggo pa pala ang hihintayin ko at ayun magkasama kaming nagtitigan sa dilim, ako at ang ia-assemble palang namin na kama. to cut the agony of waiting short, umuwi siya isang gabi sa akin at napilitan niyang ia-assemble si kama kahit 1:30 na ng madaling araw. ayun, yun na yun. at naganap ang maluwalhating pagbinyag!

teka, magpa-five na pala. need to rush home. layo pa kami ng uuwian ko. sabi nya dadaan siya mamayang gabi para lang yakapin at halikan ako. ksi itong week na to pang-umaga si wifey so si wifey ang kasama niyang matulog sa gabi.

PART 2 bukas.....

Sunday, August 29, 2010

Hormonal

naiinis ako sa kanya. sobra. pero hindi ko sya masumbatan. at iyon ang mas nakakapagpainis sa akin. marami kasing naglalaro sa malikot kong diwa. na baka marami din siyang nilalaro sa dako pa roon. putah sya. tang-ina nya pag nagkataon. pag nagkaroon ng katotohanan ang aking kutob. lagot siya sa di lang lagot. pati hininga nya ako rin ang lalagot.

nanggigigil ako, pano ba kagatin ang sariling ngipin.

gusto kong sumigaw at mamugot.

sa sobrang inis.

sabi nung ni-like kong status sa fb "the best response to anger is silence"

i think it works either way. "the immediate response to SILENCE is ANGER" especially if you are the waiting party.

putah sya. ayoko ng nananahimik siya. nagagalit ako!

hindi ko alam kung pano ilalabas ang inis. hindi kayang idaan sa libog 'to. o sa pagkain ng Cornetto. o sa pagsama sa iba at makipaglambutsingan ng nasusuka. tangena, ang hirap ng stick to one ka...


makapagmukmok na nga lang. sandali lang to.

Thursday, August 26, 2010

Kapal

eto na naman ang isa pang bagong episode ng 'Kakapalan', ko, naming dalawa. simula kasi nang mawala na yung sawsaw na asungot sa buhay naming dalawa ni Talulot, nabawasan rin ang risk naming mapahamak na dalawa. Si Sawsaw kasi ang may pakulo na doon lagi sa bahay kami ni Talulot gumawa ng 'bawal'. ewan ko ba, pero nag-eenjoy kami ng sagad sagaran pag doon kami gumagawa... ng bawal. Hanggang sa maramdaman namin ni Talulot na si Sawsaw na ang halos ang nagpapatakbo ng love life naming dalawa. At doon nag-decide si Talulot na burahin na si Sawsaw sa aming mundo. Sabi ko nga sa kanya, hindi naman namin kailangan ng Event Organizer para maging happy ang lahat para sa amin. Amen si Talutot, kaya tsugi nya si Sawsaw. Fast-paced na ang kwento ko ha.

basta ayun, maraming drama ang nangyari, maraming mabibigat na hinanakit ang dumapo sa aking dibdib na halos ikawasak ko (lupet di ba) at maraming luha rin akong sinayang bago kami nagkaroon ng sariling 'kalayaan', yes yung sarili naming depinisyon ng 'kalayaan'.

lately nagkaroon kami ng bagong love nest ni Talutlot at iyon ay wala iba kundi ang aming bahay! yes, sa bahay. Una shempre pa-shy epek pa si Talulot, parang mayuming dalagang Pilipina na hindi makabasag pinggan. Sabi nga ng tita ko sakin, di lang pala siya pogi, mahiyain din pala sya. Sabi ko sa tita ko, kunyari lang yan, halimaw kaya yan. Pero shempre, sinabi ko ito ng hindi naririnig ni Talulot. Kahit halimaw si Talulot, sensitive sya. super!

Basta ayun,after ng work dumadaan siya sa bahay. once or twice a week. hindi pwedeng madalas pag 'bawal'... ksi bawal nga, magiging sobrang makasalanan na 'ko nun! buti na lang hindi ko nakasanayang mangumpisal at baka pag-floor waxin na lang ako ng pari ng sahig ng simbahan dahil hindi kayang i-adya ng isang libong ama namin at aba ginoong maria ang aking mga kasalanan.

anyway, nung pilot episode sa bahay namin medyo okay at wholesome pa ang mga events, shempre pareho pa naming wine-weigh weigh ang bago naming kapaligiran. at shempre nakakahiya rin kaya sa tita ko, kasi saling ket-ket lang ako sa bahay. nung mga succeeding episodes, medyo nag-iinsert na kami ng mga mumunting 'kamunduhan' pero keri pa ng walang mess at ingay. hanggang dumating yung kabanata na hindi na talaga namin kinaya pang magtimpi! hindi ko na lang idedetalye dito, i-work out nyo na lang ng konti ang inyong imahinasyon! basta ang masasabi ko lang, hindi lahat ng satisfaction ay makukuha sa mga bagay na minamadali. nairaraos, pero hindi total ang fun and experience. iba pa rin talaga ang maging malaya, kung hindi afford ang maging malaya, maging MALAYO man lang sana solb na.

tinanong ako one time ng kaibigan ko, hindi pala, ng maraming beses ng marami kong kaibigan, kung hindi raw ba ako natatakot sa ginagawa ko. sabi ko, marami na akong naranasang takot sa buhay, pero takot lang yan, ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong multo. pathetic ang sagot ko, kasi mali ang tanong nila. kayo na ang humusga.

Wednesday, August 18, 2010

Kaganapan

ayokong tumanda na hindi natitikman ang kaganapan ng ating mga pangarap. ang magkasama tayo ng hindi nagtatago, nagsisinungaling, nagkukubli at malaya sa kurot ng konsensya na nagpapaala sa ating kamalayan ng salitang ‘bawal’. gusto kong dumating ang oras na yun kung saan hindi na natin kailangan pang ibulong ang salitang ‘mahal’ dahil sa higit pa roon ang magbubuklod sa ating dalawa ng malaya sa anumang mga kondisyon at kaakibat nitong pasakit. gusto kong dumating ang oras na iyon habang nagpapaalam ang haring araw at wala ni anumang katiting na takot na tayong mararamdaman dahil magkasama tayong lalatagan ng dilim. gusto kong dumating ang oras na iyon na hindi na tayo magbubulong pa ng hiling sa tumatakas na bulalakaw dahil ganap na ang lahat para sa ating dalawa. gusto kong dumating ang oras na iyon kung saan tahimik na lang nating pagmamasdan ang kahubdan ng malapad at madilim na walang bituing langit at tuluyang tayong angkinin ng perpeksyon. gusto kong dumating iyon dahil hindi natin kailangan ng habang-buhay o magpakailanman para sabihin na tama ang ating pinili na pagmamahal.

Monday, August 9, 2010

Dyeta

kung nakapagsasalita lang itong blog na'to, matagal na siguro ako nitong minura o sinigawan ng "Pwede ba, tama na, binging bingi na akoooooo!!!!! pwede ba iba naman?!" Pwes, that's what you are designed for. ang maging sumbungan, kwentuhan ng mga walang mga kawawaan at paulit-ulit na saya at hinanakit. leche. talaga.

nami-miss ko na naman sya. yung miss na miss na wala akong ibang maisip kundi siya.

ADIK!

adik ang tawag nya sa'kin lately. kasi gusto ko walang hingahan pag naghahalikan kami. ginagawa kong pa-contest. lagi naman siyang talo. haha. ways ways.

naalala ko dati from one of our nakaw na episodes. bago ako umalis. nag-kiss kami na para bang wala ng bukas. shet, mahigit isang oras ata na kiliti lang ang pahinga. sobrang na-enjoy naman. after nun, pakiramdam ko naubusan ako ng laway, pramis. tuyong tuyo ang lalamunan ko, feeling ko nga magkaka-sore throat ako eh. shet, pero di pa ulit naulit yung ganung kalufet na halikan. looking forward ako.

kaso lagi naman nya akong dinidyeta. natawa siya sa term DYETA.

Kagabi


kamuntik mo na naman akong durugin kagabi. ang sama mo talaga. sana ma-realize mo yan agad. kasi hinding hindi ko ipo-point out. matuto kang makiramdam kung may katotohanan man ang lagi mong sinasabi na mahal mo ko. dapat alam mo kung kelan at pano ako masasaktan ng maging ng pinaka-simple mong ginagawa o bagay na dapat ginawa mo pero hindi mo ginawa.

gusto ko sanang sabihin sayo na nagsagawa pa ako ng marubdob na pananaliksik kung paano ka mapapasaya. noong hapon. kasi sabi mo, gusto mong magkita tayo ng gabi. shet, ganun na ata kalaki at kagarbo ang deboto ko sayo. ang swerte swerte mo kung alam mo lang.

tapos nung nagparamdam ka naman, dun sa oras na kapus na kapos na ako at safe na safe ka na. naman! tama ba yun mahal ko. pero ako pa rin ang nagkadarapang puntahan ka. shet! why do i have to subject my self to such inconceivable level. pero hindi ko na yun inisip kasi habang buhay kong ipagngingitngit yung tuwing maaalala ko. basta.

tapos ayun nagkita tayo. nakita mo naman siguro kung gano naging kaningning ang aking mga mata ng masayaran ang iyong presensiya. ang guapo guapo mo; suot mo yung paborito kong shirt. gusto ko tuloy isipin at papaniwalain ang sarili ko na sinuot mo yun dahil you were really meaning to meet up with me. noon pa lang gusto na kitang sunggaban, yakapin, halikan at ipasok sa kaloob looban ko. o say mo, ang bangis di ba.

gaya ng mga gasgas na linya ng mga nagmamahal ng malupet, sana hindi tumakbo ang oras habang kapiling ka, sana habang magkahawak kamay tayong nakasakay ng bus pauwi e humaba ng humaba pa ang daan sa ating harapan para hindi agad tayo dumating sa ating bababaan. nag-offer pa nga akong iuwi mo ako sa inyo. pero hindi ko alam kung bakit ka tumanggi.

tapos dun ka bumaba sa amin, kung saan mo ako nakaplanong isadlak/itapon. masaya naman ako at nagstay ka ng medyo matagal. hinayaan mong maka-score ako ng 10 halik! nakakainis ka talaga. kung pwede lang sanang itanikala kita kagabi, kahit sinabi ng description ng personality ng iyong zodiac ang mga huwag na huwag. pero anong magagawa ko, ayokong mabaliw sa pagtitimpi. mahal na mahal na kita. potah.


image from:www.agnesdoart.com



Thursday, August 5, 2010

Tanaw

hangga't maari pinipilit kong one-word lang maging title ng blog entries ko. ewan ko, basta lang. ok din palang mag-set ng sariling mong rule at gawin ang lahat wag lang itong mabali, kahit minsan.

shet, na-miss ko palang mag-blog. pangatlong entry ko na ito for today.

actually, dapat balik-tanaw ang title ng blog ko. pero nga im sticking with my own self-imposed rule. hehe... basta.

ayun, nag balik-tanaw pala ako sa mga old posts ko, grabe, halos lahat pala tungkol sa kanya, kay Talulot, na labis labis kong minahal at minamahal.

natatawa ako, hindi makapaniwala, sa dami ng mga naganap simula nung maging pantasya ko pa lang siya at subject ng aking makamundong imahinasyon (hehe, adik) hanggang sa ngayon na halos nasaulo na ata namin ang kasulok-sulukan ng aming katawan. maraming beses na kaming nag-sex simula noon, dalawang beses na rin akong umasa na mabubuntis nya ako, pero sa kung ano mang maramot at malupit na dahilan, hindi ko alam. bwisit nga eh.

pero ngayon, nagiging maramot na naman ang pagkakataon. hindi ko alam, unti unti siyang nawawala, unti-unti siyang pinagdadamot sa akin, nahihirapan ako na hulihin siya, nahihirapan akong makipagkumpetensya para sa kanya, nahihirapan akong angkinin siya ng buong-buo, nahihirapan ako na isiksik ang aming mga ala-ala sa kanyang gunita. gusto kong hanapin nya ako, kailanganin, at wag akong pakawalan. dahil more than willing ako. para sa ngayon, para sa aming dalawa.

ngayon lang ako sobra-sobrang nagkaloob ng ganito.

Rasyunal



hindi ko alam kung ano ang nagtulak sayo para ibigay ang password ng fb account mo. unang una hindi ko hiningi, inoffer mo. pero sino ba naman ako para hindi magka-interest na tandaan, gamitin, mag-pry, at mangalikot ng mga bagay na pwede kong ikasakit.

marami akong nalaman... natutunan tungkol sa pagkatao mo. hindi ka simpleng dalhin. minu-minuto ay naghahanap ka, gustong kumawala, gustong tumikim ng bago, ng maganda, ng mas maganda.

magaling ang taste mo talaga sa babae. magaling kang pumili. napaka-diversified.

hindi pala kita pwedeng ismolin.

lalo tuloy akong natakot, nalungkot, nag-isip, erase, simula nung makilala kita, yan ang kinalimutan kong gawin ang mag-isip... ng rasyunal.

tinanong ako ng kaibigan ko kung mahal kita, shempre wala akong ibang isasagot kundi ang naghuhumindig na OO. tanong pa nya, sige nga bakit mo sya mahal. haler? hindi nga rasyunal di ba, may matino ba dapat na sagot dun?

Ngayon

hindi ko ata kaya ito. hindi ko kayang matulog, magising sa gitna ng pagtulog, at magising sa umaga na hindi kita iniisip. sabi ng kaibigan ko, ngayon lang yan, bukas, sa makalawa, sa isang linggo o isang tao, wala na yan. wala akong pakialam sa araw na narating, ang importante sa akin ay ang nararamdaman ko ngayon, habang ikaw ay nasa akin. habang ikaw ay nawawala sa aking paningin, habang ang katangian ng iyong halimuyak ay unti-unting tinatangay palayo ng hangin, habang ang iyong mukha ay sa litrato na lang ng iba ko nakikita... kaakbay mo siya. hindi ko kaya.

sayang ang mga tumatakbong minuto na hindi tayo magkasama. parang itinutulak ako nito sa pagtanda na walang inspirasyon at sigla. nakakatakot isipin. nakakabaliw.

hinahanap ng mga daliri ko ang iyong mukha.

kailan pa kita makikita, mahal ko.

Saturday, July 31, 2010

Sadista

masahol ka pa dito. binibigyan mo ako ng buhay para unti-unti lang patayin. ang masaklap pa dun, sineseryoso ko, ikaw pala hindi. hinahayaan mo akong mamatay at langgamin sa isang tabi. pero pumapayag ako.
ganun kita kamahal, at ganun ko ginagawang tanga ang sarili ko.

sadista ka man, masokista naman ako.

minsan iniisip ko kung pano ako makakaganti sayo.

wala namang masisira sayo e, walang kwenta ka namang tao, ako lang ang nakakakita ng kwenta mo. hindi ko rin maintindihan kung bakit. ayokong mag-isip.

Sunday, June 20, 2010

Talaga

hindi ko ata kaya na di ka mahalin.
para akong mababaliw........... god!

Saturday, June 19, 2010

Naghihintay


bakit habang lalong tumatagal, lalo akong naiinip. habang lumalayo, mas lalong di ko kayang labanan ang lumapit. mas lalo kang hindi nagpaparamdam, mas lalo kang nagsusumiksik sa himaymay ko. mas lalo kang tumatahimik, mas lalo kang isinisigaw ng utak ko. mas lalo kong iniisip kung gano ka kawalang kwenta, mas lalo akong naeengganyo na mahalin ka. mas lalo akong nagkakaroon na pag-asa na magiging tayo, na magiging okay ang lahat, na sabay tayong sasakay isang araw ng bus at matutulog ako sa iyong mainit at masuyong akbay dahil kinabukasan, paggising natin, nasa bicol na tayo.

Wednesday, June 16, 2010

Mahal



bakit kung umasta ako e para bang mahal na kita. dapat ko bang ipaalam sa'yo ito. ayokong ako lang mag-isa ang makaramdam. kailangan na maramdaman ko rin mula sa'yo. tulungan mo ako, tumingin ka, kausapin mo ako, hanapin mo ako, kailanganin mo ako, nakahanda naman ako e, kaya kong bumaba, para sa iyo. hangga't nararamdaman ko pa.

image from: http://secretmemoirsofahornyhousewife.files.wordpress.com

Monday, June 7, 2010

Hindi


image from epilogue.net



hindi kita maintindihan. hindi ko tayo maintindihan. o baka naman wala talagang dapat intindihin. pero sana itigil na lang, kung wala rin lang kapupuntahan!

Wednesday, June 2, 2010

Wag

wag kang magparamdam kung hindi mo kayang magpakita. wag kang magtanong kung hindi mo kailangan ng kasagutan. wag kang hihingi kung pandagdag lang sa kulang. wag kang magpapaalaala kung ikaluluha ko lang. wag kang gagalaw kung ayaw mong tingnan kita. wag kang magtatanong kung wala kang nakahanda na susunod na tanong. wag kang makikibalita kung ipagkikibit-balikat mo lang ang iyong maririnig. wag mo akong hanapin kung hindi mo ako kailangan.

Monday, May 31, 2010

Savior


image from: photos-room.com

sagipin mo ako habang may oras pa. kaya mo naman e, manindigan ka lang! papayagan kitang sumiksik sa natitira pang puwang. so squeeze in with all your fucking might!


now na ha?

Sunday, May 30, 2010

Sobra


hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, yung tama, yung rasyunal, yung makakatulong sa paghubog ng isang malusog na pagkatao. pero mas pinili kong magkulang sa pamamagitan ng pagiging sobra. sobra na kitang iniisip, sobra na kitang pinag-aaksayahan ng lugar at oras sa puso at isipan ko, sobra na ang oras na ginugugol ko sa pagbulong sa buwan na sana ay ibulong niya sayo ang aking pangalan, sobrang dami ng entries sa blog na 'to ang tungkol sayo, sobrang dalas ko ng nababanggit kung kanino na lang ang sobrang intimate na nangyari sa ating dalawa, sobrang dalas at sobrang tagal ang ginagawa kong pagtitig sa iyong larawan habang nakaakbay ka sa kanya kahit sobra na akong nasasaktan.

alam ko naman ang dapat kong gawin, ayoko lang gawin, hindi pa ako handang bitiwan ka.




Saturday, May 29, 2010

Either 2

yes, it's BLOOM, that's how things turned out to be... but my heart remains in DOOM.



image from: talimarotz.com

Thursday, May 27, 2010

Either

BLOOM or DOOM?

malalaman sa mga susunod na nalalapit na oras o araw.

depende...depende...

Sunday, May 23, 2010

Hanggang

naiisip pa rin kita. sa kabila ng masalimuot na mga alon ay nakukuha mo pa ring payapang mamangka sa magulo kong isipan. siguro dahil hinahayaan pa rin kita na managwan, o baka ako mismo ang nagbigay sayo ng bangka. pilit kong itinatago sa iyo ang tanawin ng pangpang, dahil natatakot akong baka maisipan mong lumisan at ganap na mawala sa aking lawak. ngunit kung dagat man ang aking utak, hinding hindi kita kayang lunurin at paglahuin na lamang na parang bula.



image from buzznet.com



in drowning in my own senses.

Arigatou


you gave me something so special, so comfortable i almost forgot all the looming troubles. so hopeful i almost felt so perfectly secured. so well i almost believed in perfection. the beauty, how my face bathed in the warm rays of the waking sun. so you, with me, i almost forgot about him.

arigatou...

Thursday, May 20, 2010

Hinahanap


matindi ang nararamdaman kong pagka-miss sa kanya sa nakaraang apat na araw. pag pumipikit ko, nakikita ko ang paglapit ng kanyang mukha sa aking mukha. mahigit 2 weeks na ang nakakaraan pero nalalasahan ko pa rin siya sa aking bibig. at hindi ko itatanggi na gustong-gusto ko itong nilalasap sa aking gunita. hindi ko mabilang kung ilang beses kaming naghalikan, kung gano katagal, sana mas matagal pa...sana. kahit halos ikaguho ng mundo ko at ng buo kong pagkatao ang nangyari sa aming dalawa, hindi ko magawang magsisi. at hindi ko rin magawang kalimutan yun at siya ng basta-basta. sabi ng kaibigan ko na napagkwentuhan ko, pano mo basta-basta makakalimutan ang isang tao na pinagkatiwalaan mo ng halos kalahati ng iyong buhay. kala ko kasi basta lang nangyari, basta lang nairaos, basta lang natapos. hindi pala. mas mahirap ang naiiwan kesa sa lumalayo. mas mahirap ang lumingon kesa maglakad sa patutunguhan. mas mahirap uminda ng sakit dahil hindi ko iyon pwedeng ipaalam sa kanya. dahil may usapan kami. usapan na walang pakialaman pagkatapos. kung kailangan mang maulit ay iyon ay nakadepende sa kanya, sa kagustuhan nya. pero ayun, bigla na lang siyang nawala. hindi pa natatapos ang aming usapan. may kailangan pa siyang i-fulfill. kala ko hindi ako maaapektuhan. na papasok sa isang tenga at ilalabas lamang sa kabila. na mabilis kong mapapadaan ang maghapon na hindi ko siya nararamdaman sa loob ko. may naiwan siyang bakas sa pagkatao ko na kailanman ay hindi na mabubura. hay, todo drama talaga to.

nami-miss ko talaga sya. sobra.


Little Childre movie poster


Monday, May 3, 2010

Naganap

binigla niya ako. ni talulot. hindi ko inaasahan na sa gabing yun magaganap ang hindi ko inaasahan, bagamat matagal ng pinapangarap, iniisip, kinatatakutan. basta ayun. mabilis. walang second thought. parang kidlat na 'sige, kita tayo'. tapos ayun, nagkita kami. kamuntik pa ngang hindi. kasi ang tagal nya. natatakot ako. parami ng parami ang mga palakang nagtatalunan sa dibdib ko. palalim na kasi ng palalim ang gabi, gayundin ang kaba ko. paalis na sana ako, patawid. tapos bigla siyang dumating. nagreklamo agad ako, ang tagal mo, kanina pa ako dito. kala ko di ka na dadating, pauwi na sana ako. reklamo ng para bang matagal na kaming magkakilala. reklamo ng para bang girlfriend na hindi agad nasipot sa takdang oras ng boyfriend. tapos ayun, pinakasakay niya ako sa kanyang napakagwapong motor. hindi ako sure kung kanya nga talaga yun. hindi na importante sakin yun. tinuruan pa nga niya ako ng 'proper' na pagsakay. may gustong sabihin na utak ko, parang may gustong ibulong. parang may isang parte na nagsasabi na 'may mali' sa ginagawa ko at gagawin ko, at gagawin namin. pero unti-unti iyong nilamon ng pagpaspas ng hangin sa aking buhok, balat habang nakasakay ako sa kanyang motor at mahigpit na nakakapit ang aking mga kamay sa kanyang balikat. parang tinangay ng hangin ang nararamdaman kong kaba at napalitan ng pagkalasing.

hinawakan niya ako sa kamay, inakay ako. ang lambot, parang gusto kong mapapikit sa tuwa. agad na pumanaw ang takot sa dibdib ko. wala na akong pakialam kung saan niya ako gustong dalhin. bahala ka na, iyong iyo na ako. wala akong naramdaman ni katiting na pagprotesta. hindi ko naisip na useless, kasi gusto ko naman ang nangyayari, ang mangyayari. 'slide' inga ng penguin dun sa fight club na movie nung nahanap ng bida ang kanyang inner chakra. that was my inner chakra and to slide is the only option i've got and the only thing that i wanted to do.


pinagtimpla nya ako ng kape. matabang, matamis. hindi ko ininom. mabaho sa hininga ang kape. gusto ko hindi amoy kape ang hininga ko pag hinalikan na niya ako. pero humigop ako ng dalawang beses. maliliit na lagok, gusto kong ipakita sa kaniya kung gano ako ka-relaxed.

tapos niyaya niya ako sa kwarto, shet. totoo na 'to. wala ng atrasan. wala ng makapipigil kahit delubyo. tapos ayun. ayun. ayun na nga. biglang nagdilim. madilim na madilim. naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mainit na hininga sa aking kabuuan at nag-amoy maputlang rosas ang lahat.

Tuesday, April 27, 2010

Keber


image from www.windandwings.com


hay hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao na masyadong kinakarir ang pagiging miserable. yung tipong ngingitian mo tapos ngingiwian ka na para bang utang na loob mo pa sa kanila na nginitian mo sila. pwes, kung feeling mo e isinaklob sayo ang langit at naging unfair sa iyo ang mga bagay bagay e that doesnt give you the license na maging hostile ka rin sa iba. ano bang paki ko sayo. ngitian ka ng maayos, de ngumiti ka ng maayos in return. feeling mo baby ka? pwes for your information, hindi ka nakakatuwa at hindi ko kailangan ang kaartehan mo. sarilinin mo na lang ang inis mo. i dont need any of those. tinry naman kitang pakinggan minsan, pero god, you are so pathetic and so full of yourself. hindi ka ganun ka-special para i-assume na pagaaksahan ka ng oras ng diyos para ipa-feel sayo that life can sometimes suck. life really sucks, that's the reality. pero kung iiinsist mo pa rin na god is behind all the troubles and shits that come your way, well, go fuck yourself and shut the fuck up.

you're boring and i dont need your shit!

Monday, April 26, 2010

Emosyon

magkakahalo na naman ang mga emosyon na aking nararamdaman. hmmm. lungkot, kasi parang talagang wala, as in wala, hindi ako looking forward, mukhang hindi ka rin naman. yaan na natin, mas okay ata na ganito tayo. sayang, wala na akong ibang pagbabalingan ng desperasyon. hindi naman sa ginagawa kitang safety net, e ano ba naman sayo, di mo naman alam. kung malaman mo, siguro bonus na lang para sakin pag nalaman kong natutuwa ka. bahala ka na nga, siguro nga B ka. ikaw, kung masaya ka ng ganyan.

hhmmm. namimiss ko pa rin si talulot. kagabi habang nag-aabang ako ng dyip, umaasa na masasagi ko siya ng paningin, umaasa sa madamot na pagkakataon, kala ko nakita ko sya. grabe, nagtalunan ang libo-libong palaka sa aking dibdib at sikmura. hay grabe, swerte mo talaga. pasalamat ka at iniisip pa rin kita. ikaw pa rin ang nakikita ko kapag akong pumipikit, hininga mo pa rin ang pinapanga-pangarap kong masamyo. labi mo pa rin ang pinapangarap kong mahalikan. hayyyy. text kaya kita.

sa ngayon, isa lang nakikita kong paraan to get through the day. to remain as light and tranquil as i could be. nandyan ka naman e.

image from the movie Stealing Beauty

Hindi

lam mo, narealized ko. o baka sabihin mo talagang kinareer ko. narealized ko, lam mo minsan ang realization e spur of the moment decision that you will have to uphold no matter what, narealized ko na, judging from how the things are going at this point, narealized ko na, considering the level of comfort when we come face to face or in close proximity with one another, narealized ko na, considering things in the long run and where things could go, realized ko na hindi talaga PWEDE. i have to give up on you boss.

Friday, April 23, 2010

Talulot 2



Talulot... talulot!!!!! talulot, talulot, talulottttttttttttt!!!



grabe, sarap mong halikan!

sana hindi na kayo magkabalikan

idadarang ko ang wedding ring mo sa kalan!

sabihin mo lang, sabihin mo lang!

Wednesday, April 21, 2010

Lungkot 2

tinext ko nga pala si talulot nung nakaraang gabi. nag-hi lang ako, nagpa-cute pero wa epek. for the first time, inisnab niya ang text ko. after 15 minutes tahimik pa rin ang cp ko. may kumukurot na sa aking lungkot. tiningnan ko pa nga nung magising ako ng madaling araw, pero anino lang ng boring na wallpaper ng cp ko ang nandun. shet, ano kayang drama nya. naggawa pa ako ng samo't saring pathetic na mga excuses, baka naman pumalya lang ang cp ko at sa pader ng intramuros tumama ang text ko. baka naman, na-snatch yung cellphone nya, pero naalala ko, sino bang magkakainterest na numenok ng pipitsuging cp na mukhang lego. baka naman, na-lowbat. pero haler, para namang sa mt hibok-hibok lang uso ang charger. o baka naman hindi nya na-received, hmmm, pathetic talaga. nakakainis kasi nami-miss ko sya, ang kanyang maningning na mga mata na parang spiral ng maaromang kapeng hinahalo, nakalalango. hay swerte talaga nya kasi iniisip ko sya, malas ko kasi hindi ko naman alam kung ganun din siya.
hay nakakalungkot... hay.

Tuesday, April 20, 2010

Cute

ang cute ng hair mo. pero shempre di ko pwedeng sabihin sayo.
kasi, kasi wala lang.
baka ka mailang
baka hindi mo na ako kausapin
siya na lang
at malulungkot na naman ang puso ko
at mabablangko ang isipan
at hindi makapagtrabaho
at kumilos ng normal
ayoko ng kinakabahan
kaya ang kape ko ay isang tasa lang
baka marinig mo ang lagabog
ng dibdib ko na tila sasabog
minsan lang naman mangyari yun
kapag pa-epek ka
yung tipong di kita kayang sakyan
di bale laro-laro lang ata naman
at hindi mauuwi sa seryosohan
di pwede, di maaari, dahil ayokong laging kinakabahan.

intiendes?



Monday, April 19, 2010

Bored


image from: http://blogs.sltrib.com



magsalita ka naman. kanina ka pa tahimik. lam mo namang lagi naman akong willing na makinig sayo. lam mo naman na gustong gusto kong naririnig na binibigkas mo ang aking pangalan. pero tahimik ka talaga. hindi ko tuloy alam ang dapat kong isipin sa maaaring iniisip mo. o baka hindi mo naman talaga ako iniisip gaya ng iniisip ko. pero okay na rin siguro na manghula na lang ako, na makiramdam, at least may possibility. shet, dapat bumilib ka sa sarili mo kasi iniisip kita. na binibigyan kita ng marangyang pwesto sa aking utak. bongga ka rin!

ikaw rin! ikaw na nandun kung saan ako umaalis at umuuwi. ikaw na laging abot ko ng tanaw. ikaw na kahit anino ay hindi ko masumpungan. ilang jeep na ang aking pinalampas at inabangan, ngunit ni minsan ay hindi kita nakasakay. minsan pilit kong hinahanap ang kislap ng iyong mga mata sa mata ng iba, pero nakatingin lang sila. nalulungkot tuloy ako kasi hindi kita makita.
shet. wag ka sanang mawala. paramdam ka naman para madagdagan naman ng kulay blue ang inaantok na kalangitan.

text kaya kita?
inip na ako grabe.

Thursday, April 15, 2010

Nami-miss


image from: www.wallcoo.net


Nami-miss ko na sya, nami-miss na kita. pareho ko silang nami-miss. Siya na nandun, kita na nandyan lang. pero wala ata sa kanila ang nakakaalam. sana mali ako. sana isang araw may magsalita. kung sinong mauna may premyong naglalagablab na kisspirin at yakapsul. wag naman sana silang magsabay...na mawala sa aking gunita dahil mawawalan ako ng isang nakaeenganyong dahilan kung bakit kailangan kong gumising tuwing umaga at tingnan ng may ngiti ang bughaw na langit.

Wednesday, April 14, 2010

Lungkot


image from: ofcrayonandpastels.blogspot.com

hindi ko alam kung ang dagundong na dumadagan sa aking dibdib ay dahil sa iniinom kong kape na malamig na pala ngayon o dahil sa iyong presensiya na bahagya ko ng maramdaman. kala ko kasi wala na, nag-evaporate na, kasi natuon ang aking paningin at atensyon sa ibang direksyon.
malayo-layo rin ang aking inilayo, natuwa sa mga tanawin, nalibang pasumandali. naisip ko pa nga na doo'y maglagi.
pero nung tumingala ako sa langit, nakita ko ang iyong mukha. aparisyon.
aparisyong hindi banal, aparisyon para pasakitan ako. hilahin ako sa isang lugar na kailanman ay hindi ko mararamdamang ako ay kabilang. pakiramdam ko kasi, ilulugmok mo lang ako sa isang tabi kasi hindi mo ako maaaring isama.
okay lang naman ata, siguro, sa akin na bumalik. dahil wala naman akong ibang pupuntahan, uuwian.

pero naman, wag mo naman ipakita sa akin kung sakaling maglalakad ka ng palayo na hawak-hawak ang kaniyang kamay.

Tuesday, April 13, 2010

Text

gustong gusto kitang i-text
tuksong-tukso
ngali-ngali ko ngang igapos ang mga kamay ko
ibato ko kaya ang cellphone ko
wasak-wasakin sa maliliit na piraso
tapos ipunin ko at itapon sa mukha mo
o ayan, gawin mo ulit
kasi gusto kita ulit makita
sabihin mong sobrang tigas ng ulo ko
naiinis ako pag ganito
di mailabas ang kabog ng dibdib ko
sugurin kaya kita sa shop mo
at halikan hanggang makalas ang buto mo!

Iisipin

naaaliw ako sa isiping nandyan ka lang
na pag napadaan ang jeep kong sinasakyan ay saglit kang mamataan
nalulunod sa isiping baka isang araw mag-krus ang ating daan
napapangiti ako sa isiping makikita ko na naman ang iyong ngiti
na nagpatingkad sa kulay ng langit
naluluha ako sa isiping hindi ko maaaring salatin
ang lambing sa iyong mga mata
na nagpipikit at nagbubukas hindi para sa akin
nalulungkot ako sa isiping unti-unti kang maglalaho sa aking
gunita
kasabay ng papapalit ng tag-araw sa tag-ulan
at paglisan ng mga bus na hindi nakararating sa kanilang himpilan
nalulungkot akong isipin na baka isang araw hindi na kita naiisip
na isang araw ay mararaanan ko na lang ang iyong shop
na wala ng bakas ng kahit katiting na pag-asam




Sunday, April 11, 2010

Nahuhumaling - Part 2

image from: http://iyaktawa.com

okay. magiging indulgent na naman ako to the point of becoming profoundly pathetic, hopeless and desperate again. anong gusto mong gawin ko, charmed talaga ako! shet ka talaga. sana nung nagkakilala tayo nagsaklob ka na lang ng bayong para hindi ko na lang nasilayan ang nakatutunaw mong ngiti na mas malamig at mas nakakalunod kesa sa Arctic Sea. ang babaw ko talaga, superficial talaga ako minsan. pero di ba mas efficient magpenetrate ang isang liquid when it hits the surface first, then it trickles down till it dissolves the entire thing rendering its wholeness completely indistinguishable from its original form. shet ganun ka sakin!

wala akong masabing may sensible o kabuluhan sa nararamdaman ko kasi wala naman syang sense to begin with. hindi rin kailangang ng dibdibang review of emotions or pagra-rationalize kasi irrational namang talaga magkagusto ako sayo at naisin ka kahit sa ilang naglalagablab na sandali dahil okay, now i can say it all out, may-asawa kang tao. at magiging desperadang kabit ako pag nagkataon, which is hindi ko pinangarap na maging sa buong buhay ko. pero anong gagawin ko, e charmed nga ako e. kung may problema ka dun, wala na akong magagawa.

sa ngayon, enjoy ko lang muna ang pantasya kahit hanggang sa boundary lang ng malambot kong kama.





Saturday, April 10, 2010

Sunget

sinungitan niya ako ng bongga kanina
kala mo hindi ako kakilala
para tinext ko lang naman
sabi ko 'lang lang, naisip lang kita'
ang kanyang reply ay tila panghuhusga
'bakit ba, ex o asawa ba kita'
ayoko sanang maapektuhan
pero may kurot akong naramdaman
may kumukot sa aking kamalayan
baka nga mayroon nang nararamdaman
gaga talaga ako kahit kailan
di na natuto kahit isang libong beses ng nasaktan
parang babaeng paulit-ulit naaagasan
sabi ko naman sa sarili
face value mo lang naman ang habol ko
pero palabo ng palabo
pagulo ng pagulo
pagusto ako ng pagusto
siluin mo na kasi ako!

Tuesday, April 6, 2010

Donor

tinanong ko na nga pala si talutot kung pwede ko siyang gamitin as sperm donor. singbilis ng kidlat ang kanyang reply. "oo nw n b?" hindi rin siya masyadong hot no? dalawang bagay lang and ibig sabihin nun either na "malibog lang siyang talaga" o "he's not taking me seriously". pero shempre mas pabor sakin yung first. ibig sabihin nun katuparan na ng aking pantasya! yes. ibig kong sabihin, pantasya na magka-baby. haha. playful ako ngayon so you have to bear with me. shempre bonus na lang yung matikman ko sya. physically speaking, siya yung tipo ng lalaki hindi mo palalampasin ang chance na maka-one night stand mo. tapos naghihitsa pala no? patay tayo diyan.
anyway, kung seryoso nga siya, i have to be emotionally and mentally prepared. siguro naman hindi ko na isasama yung 'financially' kasi hindi naman siya pokpok para magpabayad. 'financially' could come later pag 'positive' na. hay oo nga pala, i have to make sure that he's physically healthy. pero judging from his appearance, mukha naman siyang healthy at masigla. pero shempre we dont know what lies underneath di ba? mukha naman siyang malinis sa katawan and not taking prohibited drugs kasi lagi namang nagniningning na parang christmas light sa capitolyo ang kanyang mga mata.
hay, pero shempre natatakot ako. pano kung sadista pala sya, o nananakal pag sobrang aroused na, o nagtatransform into a vicious manananggal! manananggal ng damit pwede pa! haha. i was just trying to sound funny kasi inaantok ako.

medyo nakakatakot, nakakainsecure, nakakadiri, nakakadegrade?

san nya kaya ako dadalhin, san ko kaya siya pwedeng dalhin?
magiging gentle kaya siya? o harsh as a buhawi.

naeexcite talaga ako sa idea, natatakot pag naroon na. hindi butterflies ang kumakawala sa aking sikmura pag naiisip ko, kundi mga palaka.

Sunday, April 4, 2010

Talulot




mas nakikita ko ang pungay ng iyong mga mata
kapag pumipikit ako
mas matagal
mas malinaw, tila mas malapit
ka
mas nalalanghap ko ang halimuyak ng iyong hininga
sabay sa pagbasa ng iyong korteng talulot na mga labi
habang ang iyong imahe ay nakaukit
sa dilim
nag-iisa
hindi kita pwede samahan diyan
pagkat kahit anong oras
pwede tayong sabay na maglaho

Friday, April 2, 2010

Maasim


nanaginip na naman ako kagabi, kakaibang panaginip, gaya rin ng ilang daang-libong gabing dumaan sa aking buhay. mapanaginip kasi akong tao, at feeling ko rin ako ang may mga pinaka-weird na panaginip sa buong universe. feeling ko lang naman.

sa panaginip ko kagabi, kasama ko daw yung kaibigan ko. may pinuntahan daw kaming bahay, bungalow lang siya, mahaba at simple, may terrace. tapos yung loob madilim at maraming books, enough to give an impression na mga intellectuals ang nakatira roon. i never got to see the inside of the house pero sa panaginip ko parang may idea na ako ng hitsura ng loob. sa panaginip ko raw ay iniinvite ako ng may-ari na doon na lang tumira kasi mas malapit daw yun sa work ko. my mind is agreeing but there's something that holds me back.

naghihintay daw kami sa terrace ng bahay, tapos may mga tao raw o bisita na dumating para dumalaw dun sa kalapit na bahay. isang family. parang grandparents, isang teenager na lalaki, mas nakababatang babae, tapos isang nasa mid-20s na guy na maputi at kulot. cute yung guy and he automatically caught my attention.

sabi ko daw sa friend ko, uy ang cute nung guy pero bago pa man niya nakita, pumasok na sa loob yung family. nanghinayang ako. kahit sa panaginip, deads ako sa mga cute. malandi.

tapos, nagpaalam na daw kami ng friend ko dun sa may-ari ng bahay kasi nagstart ng dumilim at wala naman kaming plan to stay for the night.

tapos naglakad na kaming pauwi, papadalim na. pero may feeling of content at easiness ako na kasama ko ang friend ko na uuwi kahit madilim na and there's no feeling of rushing out or anything. it's one of those cozy evening walks that you're happy to be spending with a friend. tapos may nadaanan kaming puno ng sampalok. ang daming bunga ng sampalok, abot kamay lang ang mga bunga niyon. tapos yung shape ng bunga nya pabilog na mataba, parang hallow. niyaya ko siyang mamitas. ang dami naming napitas, di na nga ako makaintay at kumain na ako habang namimitas. ang tamis grabe, nakain ko pa nga ang balat kasi sobrang brittle nung pinisa ko, dumikit sa laman.

tapos, nakarating kami sa metro train. sa ibabaw daw ng kalsada siya umaandar, parang walang rails. sumakay daw kami. sandali lang ang biyahe. nagpaalam ako sa kanya kasi una akong bumaba. latag na latag na daw ang dilim, pero wala akong takot o lungkot kasi alam ko na sa panaginip ko magkikita rin kami kinabukasan. i alighted the train light as a happy bird.

tapos nagising na ako.

noon ko narealized na totoo nga yata ang sinasabi ng marami, na kabaliktaran ang mga panaginip sa totoong buhay.

narealized ko na sa
totoong buhay, maasim ang sampalok at maasim na rin ang aming pagkakaibigan.




image from: http://www.filipinoherbshealingwonders.filipinovegetarianrecipe.com

Monday, March 29, 2010

bading


sabi niya, nila, ni ano, at ni ano pa na BADING ka raw. ayokong makinig sa kanila, bagamat nahahalata ko, naguisumigaw ang mga senyales, kasing ingay at kasing gaslaw mo. pero gusto kita, kahit hindi kita masyadong kakilala. gusto ko ang lungkot sa iyong mga mata, dahil nakaka-konekta ako. diba dati nagkasalubong tayo sa corridor, suot mo nun ang suot mo ngayon. nakakabighani. nakagawa pa nga ako ng tula.

i love the pain i see in your eyes
doesnt matter if i'm mistaken somehow
don't care if you meant nothing at all

all i know is the moment of isolation that unites us two

at least for a second or two.


ayun, pero sana sabihin mo sa akin ng diretso sa mata, kung kaya mong salubungin ang aking mga titig, dahil alam kong hindi.

image from: luisdimas.com


maputlang rosas


hindi kita naratnan nang ako'y dumating
manyapat napigtal ang isang dahon sa
sanga na paduyan-duyan sa hangin
wala akong matanong kundi ang mga piping dingding
hindi nila alam pagkat di ka naman nagpaalam
di rin alam ng mga ibon ang tinatalunton mong daan
maging ang mga nagkakarerang ulap ay hindi ka mahanap
ang mga sulyap mo daw ay laging ubod ng ilap
sa akin lang naman ata, o pati rin ba sa kanya?
sana sabihin mo sa akin bago ako magkape bukas ng umaga.

image from:lifehack.org